13: Sign

43.4K 1.2K 61
                                    

Eirol's POV

Inaya ko si Maddie magdate ngayon. At on the way na ako sa kanila ngayon para sunduin siya. Nasa tabi ko ang isang bouquet ng bulaklak na binili ko muna bago pumunta sa kanila. Napapangiti na lang ako kapag naiimagine ko ang itsura niya. Lalo na ngayon at magkikita ulit kami. Ewan ko ba. Iba na yata talaga ang tama ko sa kaniya. Hahaha!

Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay agad akong bumaba ng sasakyan at kinuha ang bulaklak. Tapos dumiretso na ako sa gate nila at nagdoorbell.

Ilang saglit lang ay lumabas na si Maddie. Naka floral off-shoulder dress siya ngayon. Napatitig na lang ako sa kaniya. Ang ganda niya talaga. Sinalubong niya naman ako na nakakunot ang noo.

"O, bakit ganiyan ka makatitig?" mataray niyang sabi. Nabalik ako sa wisyo nang magsalita siya.

"Ahh. Ikaw kasi eh. Bakit ba ang ganda mo?" sabi ko. Napairap naman siya pero nakita ko ang ngiti sa mga labi niya.

"Nga pala. For you." sabi ko at abot ng bouquet sa kaniya. Agad niya naman iyong kinuha.

"Thanks." sagot niya.

"Always welcome. Tara?" sabi ko. Tumango naman siya kaya pinagbuksan ko na siya ng pinto sa may frontseat. Pagkasakay niya ay excited na akong sumakay sa kotse ko at inistart ang sasakyan.

Mamamasyal kami ngayon sa mall. Manonood kaming sine tapos kakain. Common date ganon.

Nang makarating kami sa mall ay agad na kaming namili ng ticket. Kaso nagstart na pala ang unang screening kaya sa 2nd screening na lang kami manonood. At dahil ala una pa ang start ng 2nd screening ay nagdesisyon muna kaming mag-ikot ikot dito sa mall.

Kasalukuyan kaming kumakain ng ice cream habang nakaupo dito sa may bench sa tabi ng fountain.

Napaisip ako bigla. Halos hindi ko namalayang isang buwan na pala akong nanliligaw kay Maddie. Hindi naman sa binibilang ko pero base sa tantsa ko ay mga isang buwan na nga.

"Maddie?" tawag ko kaya napalingon siya sa akin.

"Pwede magtanong?" sabi ko.

"Nagtatanong ka na nga eh." sagot niya. Napakamot naman ako sa ulo kaya tinawanan niya ako.

"Osige, ano itatanong mo. Hahaha!" sabi niya.

"Kasi naisip ko, isang buwan na din pala akong nanliligaw sa iyo."

"And?"

"And uhm. Naisip ko kung kailan mo kaya ako balak sagutin? Hehe. Lam mo na? Para may label ganon. Kasi parang mag-on din naman tayo dahil madalas tayong nagddate tapos araw-araw tayo nagkakausap. Gusto mo ko. Gusto kita. Edi tayo na." sabi ko.

"Bakit naiinip ka na ba?" tanong niya.

"H-Hindi naman. Suggestion lang. Hehe. Baka lang naman sagutin mo na ako ganon." sabi ko.

"Sinong nagsabing gusto kita?" nakangisi niyang sabi. Napapout naman ako.

"Maddie naman." sabi ko at nagtantrums kunwari. Natawa naman siya.

"Kahit sign lang. Para naman may clue ako ganon." sabi ko.

"Bakit? Required bang may hint kapag ganito?" taas kilay niyang sabi.

"Hindi naman. Suggestion lang ulit. Hehe." sagot ko. Natahimik naman siya na tila nag-iisip.

"Hmm. Sige. Gusto mo sign?" tumango-tango naman ako saka ngumiti.

"Well, sige. Sagutin kita kapag naging mag-on si Leen at Gian." sabi niya na nakangiti pa sa akin. Bumagsak naman ang balikat ko sa sinabi niya.

"Ha? Madaya! Malabo naman mangyari iyon eh. Mortal na magkaaway yung dalawa na iyon." sabi ko at nagpout.

"Well, baka malabo din kita sagutin." sabi niya saka ngumiti sa akin ng may panunuya.

"Maddie naman. Seryoso ba talaga yan huh?" tanong ko. Natatawa naman siyang tumango tapos napatingin siya sa orasan at tumayo na.

"Mag-aala una na. Tara na doon sa sinehan. Nang makahanap na tayo agad ng pwesto. Baka mamaya mapuno na agad mamaya." akay niya at nauna na siya maglakad habang tuwang-tuwa na nilalantakan ang ice-cream niya.

"Huhu. Madaya ka talaga." sabi ko at saka hinabol siya. Suntok sa buwan ang sinabi niya. So ano iyon? Suntok sa buwan din na sagutin niya ako? Huhu.

Maddie's POV

Nang matapos kami manood ni Eirol ng sine ay pumunta na kami sa jollibee para kumain. Ako na ang umorder kaya siya naman ang nagpaiwan sa table namin.

Kasalukuyan akong nakapila ngayon sa counter nang mapatingin ako sa pwesto namin ni Eirol. Nakita ko siyang nakapalumbaba at nakatingin sa kawalan na parang malalim ang iniisip. Natawa ako sa itsura niya dahil nakapout pa ang loko.

Mukhang talagang sineryoso niya ang sinabi ko ah? Hahaha! Sinabi ko lang naman iyon para matahimik na siya kakakulit sa akin. Hindi ko naman actually'ng totoohanin iyon kasi alam kong malabong mangyari iyon. Eh parang aso at pusa iyon si Leen at Gian never kong inimagine na magkakatuluyan ang dalawa na iyon.

Hindi ko naman papahirapan si Eirol. Aminado naman akong gusto ko na din siya. Pero gusto ko pa kasi siyang kilalanin. Gusto ko kapag sinagot ko siya eh sure na talaga ako. Ayoko siyang sagutin dahil sa napressure ako or what. Kasi once na sagutin ko siya, iyon na talaga.

Nang makaorder na ako ay binitbit ko na ang tray papunta sa table namin. Agad ko iyong nilapag sa lamesa at inabot sa kaniya ang kutsara't tinidor. Nakapout niya iyong kinuha sa akin saka nagsimula na siyang kumain.

"Ikaw tama na arte. Kumain ka na lang baka gutom lang iyan." natatawa kong sabi. Kaya nga kumain na kaming dalawa. Napailing-iling na lang ako sa pagkaisip bata niya.

Nang mayari kami kumain ay nagkaayaan na din kaming umuwi. Dahil tutal nakapaglibot na din naman kami kanina habang hinihintay ang screening.

Nasa byahe kami ngayon. At hanggang ngayon di pa din ako kinakausap ng loko. At oo, nakapout pa din siya. Mukhang itik na nga eh. Hahaha!

Nang nasa tapat na kami ng bahay ay ihininto niya na ang sasakyan niya. Pero hindi pa din siya tumitingin sa akin. Kaya inabot ko sa kaniya ang isang ziplock na may lamang cookies. Napatingin naman siya doon.

"Para sa iyo yan. Ginawa ko. Hindi ko alam kung paano ko iaabot sa iyo kanina kasi hindi mo ko pinapansin." sabi ko. Napatingin naman siya sa akin. Kinuha niya iyon. Kaya napangiti ako.

"See you tomorrow. Pinasaya mo ako ngayon, Eirol. Thanks." sabi ko at dinampian siya ng halik sa pisngi. Nakita ko namang natuod siya kaya napangiti ako. Bumaba na ako ng sasakyan niya at saka nagpaalam. Pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatulala siyang nakahawak sa pisngi niya at parang tanga na nakangiti doon. Natawa na lang ako hanggang sa umalis na ang sasakyan niya.

Give me more time Eirol. Makukuha mo na din soon ang hinahangad mo. Para sa atin din itong dalawa. Ayokong basta-basta pumasok sa isang relasyon ng hindi ko pa masiyadong napaghahandaan. Gusto ko kapag sinagot kita ay ready na akong maging girlfriend mo. Now, is not yet the time.

***
(Maddie's photo on the gallery wearing her outfit described by Eirol...)

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon