11: Meet Gianne

44K 1.2K 62
                                    

Cyleen's POV

Nauna ng umuwi sila Maddie. Nagpaiwan ako dahil ipapasa ko pa itong mga notebook ng klase sa teacher namin sa faculty. Sa akin kasi binilin na ipasa once na mayari ang activity.

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa hallway bitbit ang mga notebook. Nang biglang may sumigaw.

"Tabi!" sigaw niya. Pero huli na dahil pag lingon ko ay bumangga na siya sa akin at parehas kaming napaupo sa sahig. Nahulog ang mga notebook na dala ko. Nang lingunin ko kung sino ang nakabunggo sa akin ay nakita ko ang pagmumukha ng antipatikong lalaking lagi kong nakakasagutan. Gian Ford Rodriguez.

"Ano ba? Lagi ka na lang bang haharang-harang sa daan ha?!" sigaw niya sa akin at pinulot ang skateboard niya. Tumayo din naman ako at pinagpagan ang sarili ko.

"Ako pa talaga may kasalanan? Ikaw na nga nakabangga sa akin. Sino ba kasing may sabing pwede ka mag-skateboard dito ha?" sabi ko.

"Ano bang pakialam mo? Eh hindi mo naman pag-aari itong hallway. Tss." sabi niya at tumalikod na para umalis. Napatingin ako sa mga notebook na nagkalat ngayon. Aba? Hindi man lang ako tinulungan ng loko na iyon. Agad kong pinulot ang notebooks at inis na tumingin kay Gian.

"Hoy! Walang modo'ng antipatiko!" sigaw ko. Napahinto naman siya sa paglalakad at nilingon ako. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

"Anong sabi mo?" sabi niya habang nakatingin sa akin ng masama. Hindi naman ako nagpatalo.

"Sabi ko, wala kang modo! Antipatiko pa!" sabi ko. Napasmirk naman siya.

"Wag mo kong hamunin. Baka makalimutan kong babae ka." sabi niya.

"Wag mo din akong hamunin baka malaman mo ang hinahanap mo!" sagot ko. Napakunot ang noo ko nang makitang humalakhak siya.

"A-Anong nakakatawa ha?" taas kilay kong sabi.

"Binabantaan mo ba ako babae? Ano namang kaya mong gawin? Kaya mo ba akong suntukin ha? Hahaha! Eh tignan mo nga yang itsura mo parang hindi makabasag pinggan. Tapos manghahamon ka ng lalaki? Sa susunod bawas-bawasan mo pagiging pasikat ha?"

"Kaya talaga kitang suntukin kung gugustuhin ko!" sigaw ko. Natawa ulit siya.

"Ows? Talaga ba? Sige nga daw. Sample'an mo ko. Nang makita natin." sabi niya at tinukso pa ako.

"Ah ganon?" sabi ko at agad sinapak siya sa mukha. Napaatras naman siya sabay napahawak sa ilong niyang sinapak ko. Agad naman akong tumakbo bitbit ang mga notebook at dumiretso agad sa faculty. Akala niya ha? Ako pa talaga hinamon.

Nang maipasa ko na sa faculty ay luminga-linga muna ako sa paligid dahil baka mamaya ay inaabangan lang ako ni Gian para gantihan. Nang clear na ang paligid ay para akong tanga'ng tumakbo papunta sa parking lot at sumakay ng kotse ko.

Nasa kalagitnaan na ako ng byahe nang biglang tumirik ang kotse ko. Pinilit kong istart pa ito pero wala na talaga. Hanggang sa subukan ko ulit. Pero wala pa talaga. Kaya nga nagpasya na akong bumaba ng kotse ko at saka binuksan ang hood. Nakita kong mukhang nag-overheat ang makina kaya ayaw magstart. Napabuntong hininga naman ako at tinignan ang cellphone ko para sana contact'in ang isa sa mga kaibigan ko para magpasundo. Pero walang signal. Potek!

Napatingin ako sa paligid baka may sasakyang dadaan. Manghihingi akong tulong. Pero wala man lang dumadaan. Medyo liblib kasi itong part na napaghintuan ko. Hays buhay nga naman.

Naghintay pa ako ng ilang minuto. Nagbabakasakaling may dadaan nang biglang may humintong pick-up truck. Napangiti ako dahil mukhang may tutulong na sa akin.

Bumaba doon ang apat na lalaki. Lumapit sila sa akin.

"Hi, miss mukhang nasiraan ka ah?" sabi ng isang lalaki at lumapit sa sasakyan ko.

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon