Louise's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Kasalukuyang nakahiga sa kama ko habang kachat si Ethan. Ngayon ko na siya balak sagutin and nagplano ako na surpresahin siya. Narealize kong matagal na pala kasi kami masyado sa dating stage. And It's time na sagutin ko na siya.
Me: Hey, are you free today? 🥺
Ethan: Yes. Why? Wanna go out with me? 😊
Me: Well, I'm not in the mood to go out today. But you can come here. Dito na lang tayo magbonding. If that's okay?
Ethan: Sure. I'm on my way. 😊
Well, lagi na lang kaming sa labas kumakain ni Ethan sa tuwing magddate kami. I want something new that's why I prepared a dinner date for him dito sa may garden namin. Ako ang nagluto ng mga pagkain. Kasi nga di ba? Sabi nila a key to a man's heart is through his esophagus. Hehe. Saka hindi lang naman ang mga babae ang may karapatan para isurprise. Hays, I'm so genius.
Nakangiti akong sinindihan ang scented candle na nasa center ng table. I instructed the maid to serve the foods that I prepared kapag sinenyasan ko sila. Tango lang ang sinagot nila.
Ethan: I'm already here outside your house. ☺️
Pagkabasa ko ng chat ni Ethan ay nagretouch ako ng mabilisan saka excited na pinuntahan agad siya sa harap ng bahay. Nang pagbuksan ko siya ng gate ay bumungad siya sa akin na abot hanggang tenga ang ngiti.
"Namiss mo naman agad ako." halakhak niya. Napairap na lang ako.
"By the way, flowers for you." sabi niya sabay abot sa akin ng bouquet. Napangiti naman akong tinanggap ito.
"Thank you. I also prepared a surprise for you." sabi ko.
"Really? Ano iyon?" tanong niya.
"Wait. Yuko ka. Kailangan ko muna itong isuot sa iyo." sabi ko sabay pakita ng scarf. Ang tangkad kasi. Hindi ko siya abot. Yumuko siya ng konti kaya tinali ko agad sa mata niya ang scarf as blindfold.
"Come on." sabi ko then I guided him papunta sa garden namin. Nang makarating kami sa table na sinet up ko ay dahan-dahan ko siyang inupo sa isang silya. Tapos naupo na din ako sa kabila.
"Okay, you can remove it now." sabi ko kaya nga agad niya nang inalis ang blindfold at napatingin sa sinet up ko.
"So, what do you think?" nakangiti kong tanong. Napangiti naman siya.
"Wow. You prepared this for me?" tanong niya. Napatango-tango naman ako.
"You like it?" tanong ko.
"I love it." sagot niya. Napangiti ako lalo dahil nagustuhan niya ang effort ko.
"Well, nagsisimula pa lang ako." sabi ko. Sinenyasan ko naman na ang mga maid kaya isa-isa na nilang nilabas ang mga food na niluto ko at inihain sa harap namin.
"Wow. You cooked all of these?" tanong niya. Tumango ako.
"Is this a red velvet pancakes?" tanong niya at agad pumutol ng slice non. Kumunot naman noo ko.
"No! Of course not. That's an omelette." sabi ko.
"Why is it red?" tanong niya pagkasubo ng omelette.
"I put a chili powder." proud kong sabi. Bigla naman siyang napaubo. At nakita kong mangiyak-ngiyak na siya at namumula.
"Oh no? Are you okay?" nag-aalala kong tanong. Agad niyang ininom ang tubig na nasa baso. Pero kulang pa sa kaniya kaya ininom niya na pati nasa pitsel.
![](https://img.wattpad.com/cover/22309706-288-k283273.jpg)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)