40: Origami

24.1K 892 36
                                    

Drexler's POV

Papunta ako ngayon sa supermarket dahil may inutos sa akin si Mama na bilhin para sa lulutuin niya mamaya. Hinatid ko muna si Kelly sa bahay bago ako dumiretso dito.

Nang maipark ko na ang sasakyan ay agad akong naglakad papunta na sa mall nang bigla kong matanaw si Andy. Napahinto ako nang makitang may kausap siyang lalaki. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang itsura. Nang makita ako ni Andy ay nabigla siya. Agad niyang hinatak yung lalaki at pumasok silang dalawa sa kotse nito at saka umalis. Tinanaw ko lang sila hanggang sa makaalis.

Sino ang lalaking iyon? Kaano-ano siya ni Andy? At saka bakit magkasama sila dito sa labas ng mall? Nagdate ba sila? Inaamin kong medyo nasaktan ako doon pero binalewala ko na lang at saka pumasok na sa loob ng mall para makapunta na sa supermarket.

Nandito ako ngayon sa may aisle kung nasaan ang mga spices. Hinahanap ko yung pinapabili ni Mama na parsley powder. Nang makita ko na ito ay agad akong kumuha ng isa at nilagay sa basket. Bigla ko naman napansin yung lalaking nasa gilid ko. Kaya napatingin din siya sa akin. Para akong humarap sa salamin ngayon. Kasi hawig ko yung lalaki. At dahil hindi ko nga ito kilala ay nilagpasan ko na siya at nagtungo na sa counter. Kaso nang maalala ko ang suot niya ay agad ulit akong napalingon. At tama nga ako. Ito yung lalaking kasama ni Andy kanina.

Bakit siya bumalik? Nasaan si Andy?

Nagkibit balikat na lang ako saka dumiretso na sa counter para magbayad tutal nakuha ko naman na lahat ng pinapabili ni Mama sa listahan.

Nang makauwi ako ay agad kong binigay kay Mama sa kitchen ang mga pinamili ko tapos dumiretso sa kwarto ko. Nagpatihulog ako sa kama at saka bahagyang hinilot ang sintido ko. Ngayon ko lang napagtanto na halos ilang linggo na pala akong iniiwasan ni Andy. Hindi ko alam kung bakit niya ako iniiwasan samantalang siya ang nagpadala sa akin ng mga sulat. Nagtapat siya ng feelings sa akin tapos iiwasan niya ako nung malaman kong siya. Tapos ngayon makikita ko siya may kasamang iba. Naguguluhan na ako sa kaniya.

Kumatok si Kelly sa pinto ko. Kaya napaupo ako sa kinahihigaan ko nang pumasok siya.

"Couz can I borrow your earphones? Hindi ko mahanap yung akin eh." sabi niya.

"Get it there on my drawer." sabi ko at tinuro ang studytable ko. Agad naman siyang pumunta doon at binuksan ang drawer. Kinuha niya yung earphones.

"Wow. So many love letters. Is this yours?" tanong ni Kelly. Doon ko napagtanto na doon ko nga pala nilagay lahat ng mga letters na hinuhulog ni Andy sa locker ko.

"Yep." sagot ko.

"Who wrote this?" tanong niya ulit. At dahil kaclose ko naman itong si Kelly ay sinabi ko na ang totoo.

"It's from Andy." simple kong sagot. Napangiti naman siya.

"Really? So she likes you?" nakangiti niyang tanong. Nagkibit balikat ako.

"I don't know. I'm not sure." sabi ko at nahiga ulit si kama.

"What do you mean not sure couz? She wrote love letters to you! For sure she likes you. Duh?" sabi niya.

"Hindi ko alam kasi iniiwasan niya ako eh. Saka nakita ko siya kanina. May kasamang lalaki sa mall."

"Maybe she's avoiding you kasi nahihiya siya." sagot ni Kelly.

"How will you explain the guy that I saw her with?" tanong ko.

"Well baka relatives?" kibit balikat ni Kelly.

"I don't think so. Hindi sila mukhang magka mag-anak." sabi ko.

"Gumawa ka kasi ng paraan para makausap mo siya." sabi ni Kelly.

"Ano pang paraan? Lagi niya akong iniiwasan kaya hindi ko siya makausap." sabi ko.

"Why not do the same for her?" sagot ni Kelly na ikinakunot ng noo ko.

"What?" tanong ko. Napairap naman siya.

"Wrote a letter for her. Duh? Iyon ginawa niya di ba in order to confess her feelings to you? Why not do the same if you can't talk to her in person." sabi ni Kelly.

"Baka hindi niya lang pansinin iyon." sabi ko.

"You're so nega, couz. Cheer up nga. By the way, thanks sa earphones. I'll return it don't worry." sabi niya at saka umalis na sa kwarto ko. Napabuntong hininga naman ako. Magsusulat nga ba ako ng letter? Ano naman sasabihin ko? Like, Hey Andy. I like you too. Why are you avoiding me?

Tsk. Bahala na nga. Nakakainis. I'm not good at writing letters. Iba na lang ang gagawin ko.

Naupo ako ngayon sa studytable ko at kinuha ang mga origami papers ko. Nagsimula akong gumawa ng heart-shaped papers. At nang matapos ko ay napabuntong hininga na lang akong tinignan ito. Okay na siguro ito? Kahit dito na lang maiexpress ko sa kaniya ang feelings ko. Kahit di niya ako kinakausap. Hindi ko na lang sasabihin na sa akin galing ito. Baka kasi hindi niya tanggapin. Kaya gagawin ko na lang ang ginawa niya dati. Ang paghuhulog sa locker.

_

Araw-araw akong gumagawa ng heart-shaped origami at saka araw-araw itong hinuhulog sa locker ni Andy. Tinatanaw ko na lang siya mula sa malayo habang nakangitimg pinagmamasdan ito. Inaasar siya nila Louise na may secret admirer siya without knowing na sa akin galing iyon.

Natutuwa ako dahil nakikita ko siyang masaya at nakangiti dahil sa mga ginagawa kong heart-shaped papers. Kahit sana sa pamamagitan non ay mapasaya ko siya. Okay na ako. Hihintayin ko na lang siya hanggang sa ready na siyang kausapin ako. Kasi panigurado nahihirapan na iyan kakaiwas sa akin sa tuwing mag-aattempt akong lumapit sa kaniya.

Huwag ko na lang sana ulit siyang makita na kasama ulit yung lalaking nakita ko sa supermarket. Kasi baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko.

I don't want to see her with that guy again.

***
(Drexler's photo on the side...)

Heart-shaped origami ⬆️

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Heart-shaped origami ⬆️

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon