Drexler's POV
Matatapos na ang welcome speech ng principal kaya agad ko ng hinanap si Kelly na nagpaalam saglit dahil kinausap saglit si Tita na tumawag sa kaniya.
Pero hindi ko pa din siya mahanap nagsimula ng magtayuan sa center ang mga tao dahil mag-iistart na ang sayaw.
Napalingon ako nang biglang may lumapit sa aking babae at tinawag akong David. Napagkamalan yata na ako ang kapartner niya. At dahil nga sumasayaw na ang lahat at kami na lang ditong dalawa ang hindi ay inilahad ko ang kamay ko sa kaniya. Tutal pwede naman mag-sayaw ng hindi mo kakilala. At hindi ko din mahanap ang pinsan ko.
Tinanggap niya ang kamay ko kaya nagsayaw kami at nagpadala sa tugtog. Hindi ko maiwasang hindi tumitig pabalik sa mga mata niya. Mata niyang parang pamilyar sa akin.
I can tell that this woman is pretty behind that mask. Pero bakit ganon? Bakit si Andy ang naiiisip kong kasayaw ngayon? Hanggang dito ay naiiisip ko pa din siya.
Napangiti na lang ako nang maalala ang mga kakulitan ni Andy. Ang pagnguya niya ng pagkain ng walang arte. Ang paghagulgol niya noon sa akin nung nasa rooftop kami. Ang mga tawa at ngiti niya. Ang pagiging natural niya at walang arte sa sarili. And her reaction when I caught her putting letters on my locker. Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing naiiisip ang mga bagay na iyon.
Nang matapos ang kanta ay bumitaw na sa akin ang babae. Pero tinitigan niya ako na parang gulat.
"D-Drex?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko. Kilala ako ng babaeng ito?
"You know me?" tanong ko sabay tanggal ng maskara'ng suot ko. Pero hindi siya kumibo. Dahan-dahan siyang napaatras sa akin at saka tumakbo. Napalingon naman ako nang makitang may nahulog siya.
"Wait!" tawag ko pero hindi ko na siya nakita dahil sa dagat ng mga tao. Agad kong pinulot ang peineta na butterfly ang design. Baka kasi mamaya matapakan pa ng kung sino.
Nang obserbahan ko ito ay parang tunay ito. Hindi siya mukhang mumurahin. And I'm sure na mukhang mahalaga ito sa kaniya kaya nga hinanap ko yung babae. Nag-ikot ikot ako.
Nang makita ko siya na palabas na may kasamang lalaki ay agad ko siyang hinabol. Pero huli na ako. Nakasakay na siyang sasakyan at nakaalis. Napatanaw na lang ako sa sasakyang humarurot paalis. Bakit parang nangyari na ito? Deja vu?
Sakto namang lumabas din si Kelly na parang may hinahabol din. Nang mapansin niya ako ay nagulat siya.
"What are you doing here? I've been looking for you." sabi ko.
"Sorry. Hinahanap din kita kanina. Eh nag-istart na ang sayaw kaya iba ang nakasayaw ko. Kaso bigla siyang hinatak ng kasama niya eh." sabi niya sabay tingin sa labas.
"Yung babae bang naka peach na gown ang tinutukoy mong humatak sa nakasayaw mo?" tanong ko. Tumango naman si Kelly. Well, I guess yung sinasabi niyang David is yung nakasayaw ni Kelly.
"What's that?" tanong niya nang makita ang hawak kong peineta.
"A peineta. Nahulog nung babae. Ibabalik ko sana kaso tumakbo na siya paalis." sabi ko.
"It seems expensive." sabi ni Kelly.
"Yeah. For sure hahanapin niya ito." sabi ko at napatingin ulit sa peineta na hawak ko na kumikinang ngayon dahil sa tumatamang ilaw.
"Well, this event is exclusive for the students of Eastwell. For sure eastwellian yung girl. Later on she will show up couz." sabi ni Kelly at tinap ang balikat ko sabay pumasok na sa loob. Napabuntong hininga na lang ako at saka binulsa muna ang peineta at nagdecide na ding pumasok sa loob.
"Hindi pala dumating si Andy eh. Umuwi na lang daw siya at masama ang pakiramdam niya." rinig kong sabi ni Leen. Kasalukuyan ngayong sineserve sa bawat table ang mga pagkain habang may tumutugtog na live band sa stage.
"What? Sayang naman make up ko sa kaniya. Pati yung gown! Omg." rinig kong sabi naman ni Louise. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi pala nakapunta si Andy. I hope she's alright.
Andy's POV
Nang makauwi na ako ay nagulat sa akin sila Mama at Papa.
"O, anak? Tapos na agad ang prom niyo?" salubong sa akin ni Mama.
"Hindi pa, Ma. Sama po kasi ng pakiramdam ko kaya umuwi agad ako." dahilan ko.
"Ganon ba? Osige. Magpahinga ka na sa kwarto mo. Are you hungry? Ipaghanda ba kitang dinner?" tanong ni Mama. Umiling ako.
"Hindi na po Ma. Gusto ko lang po talagang magpahinga." sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto ko. Agad kong hinubad ang sapatos ko saka yung hikaw at kwintas na suot ko. Tapos kinuha ko yung isang peineta na nasa pouch ko at nilagay sa jewelry box ko. Nang kukunin ko na ang isang peineta na nasa buhok ko ay wala akong nakapa. Bigla akong kinabahan at napatingin sa sahig dahil baka nahulog lang. Pero wala. Agad akong lumabas ng kwarto ko at hinanap ang peineta. Tinignan kong maigi ang dinaanan ko. Pero wala talaga.
"Are you looking for something, anak?" tanong ni Mama. Shet. Hindi pwedeng malaman ni Mama na nawawala ang isang peineta.
"Ahh. W-Wala po, Ma." sabi ko at agad bumalik sa kwarto ko. Napasapo ako sa noo ko nang maisip na baka nahulog iyon sa may venue kanina nung tumakas ako kay Drex. Shet. Hindi ko naman pwedeng pakiusapan sila Maddie na hanapin iyon kasi nagsabi ako sa kanila na hindi na ako nakapunta dahil masama pakiramdam ko. At ayoko na din bumalik doon dahil panigurado'ng nandoon pa si Drex.
Huhu. Patay ako nito. Heirloom pa naman ng pamilya ko iyon. Tiyak na magagalit sa akin si Mama kapag nalaman niyang nawala ko ito. Sila nga naingatan nila ng ilang taon ang peineta na iyon. Tapos ako na ngayon ko lang nagamit eh nawala ko pa. Shet. Paano ko mahahanap iyon? Waaah! Help me.
***
Masquerade masks ⬆️
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)