28: Realize

28.4K 904 12
                                    

Gian's POV

Gising na si Leen ngayon. At kami ng mga kaibigan niya ang nagbabantay ngayon dito sa kaniya. Tuwing gabi kasi ang parents niya ang nandito.

Nandito kaming lahat kwera lang kay Eirol at Maddie. Hindi ko alam kung anong nangyari sa dalawa after nung mag-walk out si Maddie.

Magmula nang magising si Leen ay hindi ko pa siya nakakausap. Wala pa kasi akong lakas para kausapin siya. Inaamin kong nakokonsensya talaga ako.

Napatingin ako sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakikipagtawanan ngayon kila Louise at Andy. Meron siyang gasa sa ulo. Tapos may simento ang kaliwang binti niya dahil napilayan siya nung mahulog doon sa scaffolding. Sa tuwing pagmamasdan ko ang lagay niya ngayon ay lalo akong nakokonsensya. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng ganon nung time na iyon.

"Gian." rinig kong tawag niya kaya napatanga ako.

"B-Bakit?" tanong ko at tumayo sa kinauupuan ko. Nasabi na sa kaniya nila Louise ang pag-amin ko sa pagpapanggap na ginagawa namin kaya hindi na kami nagpapanggap ngayon. Alam niya din yung nangyari kila Maddie at Eirol. Inexplain ko din kila Louise na si Leen ang tutor ko. Akala ko nga tutuksuhin nila ako. Pero hindi. Walang malisya sa kanila.

"Salamat." nakangiti niyang sabi. Bakit siya nagpapasalamat sa akin? Ako ang may kasalanan kung bakit siya nandito ngayon sa ospital. Dapat sisihin niya ako. Pero bakit nakangiti siya sa akin ngayon ng ganito?

"Bakit ka nagpapasalamat sa akin? Ako ang may kasalalan kung bakit ka nandito ngayon." sabi ko.

"Nagpapasalamat ako kasi nag-alala ka sa akin. At saka dahil sa iyon naisugod agad akong ospital. Yung nangyari Gian ay hindi mo kasalanan. Aksidente ang nangyari kaya hindi kita sinisisi." sabi niya. Hindi ako nakasagot.

"Si Helix? Kamusta siya? Safe ba siya?" tanong niya. Napatingin ako sa kaniya. Nandito siya ngayon sa ospital. Nakagasa ang noo niya at nakasimento ang kaliwang binti niya tapos ang kapakanan pa din ng pusa ko ang iniisip niya? Seryoso ba siya?

"Who's Helix?" kunot noong tanong ni Louise.

"Pusa ni Gian. Hahaha!" sagot ni Leen.

"Really? So, cat lover ka pala? Di obvious." nakangising sabi ni Louise. Inignore ko na lang siya at sinagot ang tanong ni Leen kanina.

"Helix is fine. Nasa bahay na siya." simple kong sagot. Napatango na lang si Leen.

Lumabas sila Louise saglit at nagpaalam na kakain daw sila saglit sa may malapit na kainan. Ako na lang ang nagpaiwan dito dahil walang bantay si Leen. Kasalukuyan siyang kumakain ng orange ngayon.

"After mong madischarge wag ka munang mag-tutor." sabi ko. Napatigil naman siya sa pagkain at napatingin sa akin.

"Ha? Bakit?" gulat niyang tanong. Napairap ako.

"Look at your state. Ikaw lang ang mahihirapan. Saka ka na bumalik kapag okay ka na. Ako na ang bahala na mag-explain sa Dad ko." sabi ko.

"Ha? Kaya ko! Saka ano ka ba? I need to earn." pagpupumilit niya.

"If you're worrying about the fees in the school, ako na ang bahalang magbayad doon. Magrest ka na lang muna kahit isang buwan. Iyon din ang bilin ng doktor." sabi ko.

"I-Isang buwan talaga? Paano yung school ko. Baka hindi ako makahabol sa lessons." nag-aalalang tanong niya.

"Then, I'll give you lectures. Tapos ituturo ko na din sa iyo kung maaari." sagot ko. Napatitig naman siya.

"Really? That's nice. Hahaha! Ikaw naman ang magtututor sa akin." sabi niya at natawa. Natawa na lang din ako.

"Pero. Paano ka? Exam pa naman na next next week. Nangako ako kay Dad mo na ako bahala sa iyo." malungkot niyang sabi. Ito na naman siya. Mas iniintindi niya na naman kapakanan ng iba kaysa sa kapakanan niya.

"Don't worry. I will study hard this time. I promise na makakapasa ako." nakangiti kong sabi.

"Talaga lang huh?" sabi niya na may nanunuyang ngiti.

"Oo nga. Hahaha! Just watch and I'll show you." sagot ko.

"Okay then. Asahan ko yan ha?" sabi niya at ngumiti. Tumango na lang ako. Yes, Leen. I promise. Pagbubutihin ko ang pag-aaral ko ngayon. Kahit sana sa ganitong paraan eh mapasalamatan kita sa pagiging selfless mo.

Ilang saglit pa ay bumalik na sila Louise. Kaya nakipagkwentuhan na naman sila kay Leen. Pinagmasdan ko si Cyleen habang nakangiti kay Louise.

Parang bigla ko tuloy nakita sa kaniya si Mom. Halos parehas sila ng pag-uugali. Mas inuuna nila ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili nilang kapakanan. Kaya sila ang napapahamak.

Mom is selfless. Matagal na siyang nakakaramdam ng sakit pero hindi niya sinabi sa amin ni Dad. Hanggang sa nahuli na ang lahat at hindi ito naagapan. Mas inuna niyang inisip ang kinabukasan ko kaysa sa sarili niyang buhay. Ayaw niyang maubos ang pera dahil lang sa pagpapagamot niya. Kasi inilaan niya ang mga pera na iyon para sa akin. Para sa kinabukasan ko. Alam niya kasing hindi magdadalawang isip si Dad na gumasta ng malaking pera mapagamot lang siya. At iyon ang ayaw niyang mangyari. Tinipid niya ang sarili niya for me.

Minsan naisip ko baka may kamalasan akong dala eh. Kasi lahat na lang ng tao'ng napapalapit sa akin ay napapasama. Tama si Dad. Ako ang malas sa buhay nila. I hate myself like how Dad hates me. Kaya mas pinipili ko na lang na itulak palayo ang mga tao'ng napapalapit sa akin para hindi sila madamay sa kamalasan na meron ako. Kaya halos wala akong kaibigan kung hindi sila Eirol lang.

Pero itong si Leen iba eh. Kahit na anong tulak ko sa kaniya palayo ay bumabalik pa din siya sa akin. Kahit na gaano kataas ang pader na nilalagay ko between us ay mas pinili niya pa ding tumawid papunta sa akin.

Ewan ko ba pero, magmula ng makilala ko siya ay pakiramdam ko bumalik yung dating ako. Yung dating Gian na masaya. Yung Gian na walang dinadalang problema.

She made me realize many things in life. Iniba niya ang mga pananaw ko. Na I should leave the past behind and move forward.

This girl is really something. And I'll be interested to learn more things from her.

***
(Gian's photo on the gallery...)

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon