35: I'm Here

25.4K 862 13
                                    

Cyleen's POV

"So, ano gets?" tanong ni Gian matapos niyang ituro sa akin ang nilesson nila kanina sa Math. Tumango naman ako. Actually ang galing niya magturo. Mas magaling pa yata sa akin ito. Hahaha! Namamangha lang ako dahil may talino din pala'ng tinatago ito.

"Why are you looking at me like that?" taas kilay niyang tanong sa akin.

"You know what? May hidden intelligence ka pala. Ngayon ko lang nalaman. Nagtataka tuloy ako paanong naibabagsak mo pa ang mga subjects kung kaya mo naman palang ipasa. You don't need a tutor na nga eh." sabi ko na nakapalumbaba.

"I just don't feel like it." simple niyang sagot. Ako naman ang nagtaas kilay.

"Why? Ayaw mo bang matuwa ang Dad mo sa iyo." tanong ko. Seryoso naman siyang napatingin sa akin.

"Kahit na mahonor pa ako. He will never be proud of me. He hates me." sagot niya.

"Grabe ka naman. Hindi naman siguro. Sinong magulang ang hindi magiging proud sa anak nilang naging successful?" sabi ko. Well, si Mom proud na proud sa akin iyan. Sumobra lang kaya gusto niya pa na mas mataas pa mareach ko.

"Sino kamo? Edi ang Dad ko."

"You also hate him huh? Ano bang nangyari bakit ganon ang turingan niyo ng Dad mo?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Kaya natahimik din ako. Narealize kong I'm already crossing lines.

"You don't need to answer it." nakangiti kong sabi. Ayokong pilitin siya kung ayaw niyang magsalita. Mukha kasing sensitive siya sa topic. Hirap na. Baka mamaya magmala dragon na naman iyan. Minsan na nga lang maging tupa eh ittrigger ko pa.

"Sinisisi niya ako. Na ako ang dahilan kung bakit nawala si Mom." sagot niya na ikinagulat ko. Kasi ngayon lang siya nag-open up sa akin. At hindi ko inaasahan na mag-oopen siya.

"Kasi paulit-ulit na sinasabi ni Mom na, 'Take care of Gian. Wag mo akong alalahanin'. Alam ni Dad na kaya hindi pumayag magpagamot si Mom ay dahil sa akin. Dahil mas inuuna ni Mom ang kapakanan ko. Mas iniisip niya ako kahit na may sakit siya." hindi ako sumagot. Tahimik lang akong nakikinig kay Gian.

"Ever since nawala si Mom, Dad neglected me. Kahit na anong ipakita kong success or achievements sa kaniya ay hindi niya pinapansin. Pero kapag gumawa ako ng katarantaduhan, napapansin niya ako. Kaya siguro mas gusto ko na lang magpaka gago kaysa maging successful. In that way kahit papaano eh mapapansin ako ni Dad." sabi niya. Ramdam ko ang lungkot sa mga sinabi niya. May reason naman pala kung bakit ganito siya ngayon. Gusto niya lang mapansin siya ng Dad niya. Naghahanap siya ng kalinga ng isang magulang.

Hinawakan ko naman ang palad niyang nasa lap niya. Napatingin siya doon sa kamay ko tapos sa akin. Wala akong masabi. Kasi hindi ko alam ang ipapayo ko sa kaniya. Wala ako sa posisyon niya para magsabi. Hindi ko pa naman kasi nararanasan. Kaya kahit iparamdam ko na lang sana siya na hindi siya nag-iisa. Na naiintindihan ko ang sitwasyon niya. Na nandito ako para sa kaniya.

Alam kong hindi naging maganda ang unang naging samahan namin. Pero habang tumatagal ay mas lalo ko siyang nakikilala. Na hindi naman pala talaga siya ganon kasama gaya ng inaakala ko nung una.

Napaiwas naman siya ng tingin kaya inalis ko na ang kamay ko at iniba ang usapan dahil sa nangyaring awkwardness.

Nakangiti kong inabot sa kaniya ang marker. Kunot noo naman siyang tumingin sa akin.

"Anong gagawin ko diyan?" tanong niya.

"Write a message." sabi ko at saka itinuro ang binti kong may semento. Kinuha niya naman agad ang marker sa kamay ko at nagsimulang magsulat doon. Nasimulan na kasing sulatan ng kapatid ko kaya naisip kong pagsulatin din si Gian. Saka ko na pagsusulatin sila Maddie kapag pumasok na ako. Hahaha!

Nang mayari si Gian sa pagsusulat ay tinignan ko iyon. Nang basahin ko ay nanlaki ang mata ko.

'Kiss my ass' yan ang nilagay ng gago.

"Hoy! Walangya ka talaga!" sigaw ko. Nagsimula naman siyang humalakhak. Habang ako naman ay inis na inis dahil hindi ko siya mabatukan dahil sa sitwasyon ko. Manda sa akin ito kapag gumaling ako.

Ipinagpatuloy namin ni Gian ang pagbabasa ng libro. Pero dahil medyo inaantok na ako ay nakatulog ako. Kaya nung magising ako ay madilim na. At wala na din siya. For sure umuwi na siya. Hindi niya na ako inistorbo dahil mukhang mahimbing ang tulog ko.

Ilang saglit lang ay pumasok na si Mom sa kwarto ko may dala-dalang tray ng pagkain. Inilapag niya iyon sa sidetable ko.

"Thanks Mom." sabi ko nang pagkalapag niya ng tray.

"Boyfriend mo ba ang lalaki'ng iyon?" seryosong tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. For sure tinutukoy niya si Gian.

"Po? Si Gian? Hindi po. Kaibigan ko lang po iyon." sagot ko.

"Buti naman. Ang bilin ko wag mong kakalimutan." sabi niya at saka umalis na. Napabuntong hininga na lang ako. Ang bilin kasi sa akin ni Mom eh wag na muna akong magllove life. Ayaw niya munang magkaboyfriend ako. Ayaw niya ng distraction sa pag-aaral ko. Lalo na at mataas ang expectation niya sa akin.

Gusto niya makapagtapos muna ako ng pag-aaral bago ako magboyfriend. Paulit-ulit niya sa aking pinapaalala yan. Well, wala naman talaga akong balak pa sa ngayon. Kasi ang tangi ko lang magagawa ngayon ay ang magpa-impress sa parents ko. Wala naman na akong ibang hangad kundi ang maging proud sila sa akin.

Sa taas ng expectation sa akin ni Mom ay sinisikap kong mareach iyon sa abot ng makakaya ko. Kahit na minsan eh hindi na ako masaya. Basta maging masaya lang siya. Sila ni Dad.

***
(Gian's photo on the gallery...)

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon