50: France

23.2K 804 26
                                    

Cyleen's POV

Kasama ko si Gian ngayon. Nandito ako ngayon kasama siya sa home library nila. We've been dating for weeks na. At oo, hindi alam ng parents ko about doon. I've been keeping them about us. Kasi kapag nalaman ni Mom ito tiyak na magagalit siya. Pero ano pa nga bang magagawa ko? I like him so much. At siya ang kasiyahan ko. Nasabi ko na kay Gian ang about doon. At naiintindihan niya naman.

Kasalukuyan kaming nagbabasa parehas ng libro dito. Tahimik lang kaming dalawa habang tahimik na nagbabasa pero sa tuwing mag-aangat akong tingin sa kaniya ay nakikita kong nakatingin din siya sa akin kaya parehas kaming mapapangiti na parang baliw. Hahaha!

Napabuntong hininga siyang binaba ang libro niya sabay uminom ng juice na nasa table. Bumaling siya sa akin.

"Dad told me that he's seeing someone." sabi niya. Napatigil naman ako sa pagbabasa at bumaling sa kaniya.

"Ayaw mo non? Magkakaroon na kayo ng new member of the family." tanong ko.

"I don't know. Saka meron daw anak eh."

"Ayos pala. Edi magkakaroon ka na ng half-sibling." nakangiti kong sabi. Nagkibit-balikat lang siya. Napatigil siya nang magring ang phone niya. Agad niya itong sinagot.

"Hello?--Yeah--Okay I'll tell her about it--Bye." then he ended the call.

"Who's that?" tanong ko.

"Si Eirol. He wants to go on a picnic tomorrow bago daw siya dumiretsong airport. Tayong walo." sagot ni Gian.

"Really? Ayos iyan. Nakakamiss magrelax." sabi ko. Sumang-ayon na lang din naman si Gian.

_

Nang magbandang ala sais na ay hinatid na ako ni Gian sa amin. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya agad akong bumaba.

"See you tomorrow." nakangiti niyang sabi sabay humalik sa noo ko. Napangiti na lang ako saka nagpaalam na sa kaniya. Then tinanaw ko na lang ang sasakyan niya hanggang sa makalayo ito bago naglakad papasok ng bahay. Halos tumalon ang puso ko nang maabutan si Mom sa pinto. Nakatitig siya sa akin. At hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.

"K-Kanina pa po kayo diyan?" tanong ko. Baka kasi nakita niya yung ginawang paghalik ni Gian sa noo ko.

"Bakit ganitong oras na lang lagi uwi mo?" seryoso niyang tanong.

"Uhm, tumatambay po kami sa café ni Maddie tuwing uwian." dahilan ko.

"Next time, umuwi ka ng maaga. Ayoko ng nagpapagabi ka, Cyleen." sabi ni Mom.

"Opo, Mom." sagot ko tapos umakyat na siya papunta sa kwarto nila. Nagpakawala naman ako ng buntong hininga. Mukhang hindi nakita ni Mom kasi hindi niya naman ako tinanong. Buti na lang.

Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref para mahimasmasan. Nang biglang pumasok si Dad sa kitchen.

"Nandiyan ka na pala, Leen." sabi niya.

"Hi, Dad." bati ko.

"Noreen and I will go to France." biglang sabi ni Dad kaya napalingon ako sa kaniya.

"Why po?" tanong ko.

"Sabi ng lola mo may kilalang magaling na doktor doon sa pransya na makakatulong sa kapatid mo. Kaya naisipan kong doon muna kami mamalagi ni Noreen." sabi ni Dad. Doon kasi talaga lumaki si Dad sa France. Doon kasi ang lola ko na nanay ni Dad. At matagal na din kasi talagang nagseseek ng specialists sila Mom at Dad para sa kalagayan ng kapatid ko. Meron kasi siyang epilepsy.

"Kailan po alis niyo?"

"After pa naman ng recognition mo anak. Gusto ni Noreen na maabutan daw muna ang recognition mo bago kami umalis." sagot ni Dad. Napangiti na lang ako. Kasi although hindi naman kami ganon kaclose ni Noreen ay sweet pa din kami sa isa't-isa. We care for each other.

"So, maiiwan po ako dito kay Mom?" tanong ko. Hindi sumagot si Dad kaya nakaramdam ako ng kung anong kaba.

"Pinag-uusapan pa namin ng Mom mo ang tungkol diyan. Gusto niya kasi na sumama ka sa akin. Na doon na lang ipagpatuloy ang pag-aaral mo. Pero ang sabi ko baka hindi ka pumayag kasi nandito ang mga kaibigan mo." sabi niya. So, Mom is planning to send me to France without telling me?

"Maiiwan po si Mom dito?" tanong ko.

"Oo. Nag-aalala siya kasi baka magkaproblema na naman sa negosyo dito kapag iniwanan niya. Lalo na ngayon at medyo nakakabawi na ulit tayo." sagot ni Dad. Yes, yung business namin medyo nakakabawi na ngayon. Talagang pinagpaguran ni Mom and Dad para lang maisalba iyon.

"Sige anak. Magpahinga ka na. Wag mo na munang masyadong isipin sinabi ko. We still have months pa naman to decide." sabi ni Dad sabay umalis. Oo nga matagal pa, Dad. Pero hindi ko maiwasang hindi kabahan lalo na at may possibility na pasamahin ako ni Mom sa France.

Hindi naman sa ayaw kong pumunta doon. Actually, I love being there. Bata pa ako nung huling punta ko doon. And namimiss ko na si la mémé. Grandma rather. Pero iniisip ko lang talaga yung mga tao'ng maiiwan ko dito. Which is ang mga kaibigan ko at si Gian.

Nagsisimula pa lang kami ni Gian at natatakot ako na baka magtapos agad iyon once na ipadala ako doon sa France. Sana lang talaga magdesisyon silang dito na lang ako.

Nang makaakyat ako sa kwarto ay biglang nagcall sa group chat si Maddie kaya nga agad ko itong sinagot. Tumambad sa akin yung tatlo.

"Wassup?" tanong ni Louise.

"Nasabi naman na siguro ng mga boylets niyo yung about sa picnic bukas no?" tanong ni Maddie.

"Yeah." sagot ni Louise.

"Oo." sagot ni Andy.

"Yes." sagot ko.

"Mga 9am tayo bukas. Iisang sasakyan na lang gagamitin natin. Yung van nila Louise." sabi ni Maddie. Napatango na lang kami.

"Paano yung food?" tanong ni Andy. As always, food pa din ang concern niyan. Hahaha!

"Magtotoka-toka tayo. Wait kunin ko yung listahan." sabi ni Maddie at may kinuhang papel.

"Okay, ako magdadala ako ng cupcakes, churros, at donuts. Puro sweets. Kayo bahala ano inyo basta make sure na may rice, ulam, drinks, saka disposable utensils." sabi ni Maddie.

"Eh ano yan? Sa atin lahat yan? Dapat yung boys may ambag din." sabi ni Andy.

"Magdadala daw si Eirol ng roast chicken." sabi ni Maddie.

"Uy! Sarap naman. Excited na ako kumain bukas." sabi ni Andy. Napairap na lang si Maddie sa katakawan ng kaibigan namin.

"Wait. Ito kausap ko si Ethan. Sa aming dalawa na daw ang rice and beverage." sagot ni Louise.

"Hoy, ang gara bakit iisa lang ulam." sabi ni Andy.

"Edi kayo magdala ni Drex gurl." sagot ni Louise.

"Osige. Kami na bahala sa ulam bukas. Hehe."

"Kung ganon, sa amin na ni Gian ang mga disposable utensils. Magdagdag na din akong sandwiches." sabi ko.

"Okay, okay. Wait ilista ko." sabi ni Maddie sabay nagsulat sa papel.

"Okay, sa akin is sweets. Eirol, roast chicken, Andy and Drex ulam din, Louise and Ethan, rice and drinks, then Leen and Gian sandiwich at disposable utensils." basa ni Maddie sa listahan.

"Yes, yes. That's right." sagot ni Louise.

"Osige. Bukas na lang." sabi ni Maddie. Nagpaalam na din kami tapos inend niya na ang call.

Buti na lang mag-oouting kami bukas. Kahit papaano eh marerelax ko ang isip ko. And sure naman akong matutuloy ito. Wala pa naman kasing hindi natuloy sa lahat ng plano namin so far.

***
(Leen's photo on the gallery...)

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon