Cyleen's POV
Napag-usapang movie booth ang inassign sa section namin kaya nagdedesign kami ng room namin ngayon.
"Waah! Excited na ako. Ang daming food booths. Hihi." sabi ni Andy sabay napapalakpak pa.
"Ako sa marriage booth excited. Sabi kasi nila you can request. Hihi. Irerequest ko pangalan namin ni Ethan." excited namang sabi ni Louise.
"Wow ha? Mismong ikaw pa talaga maglilista." sabi ni Maddie.
"Oo naman. Mwahaha! I want to wear that belo too and hold the flowers. Like parang ikakasal ka talaga." sabi ni Louise. Napairap na lang si Maddie. Mamaya lang kasi eh opening na ng intramurals. Kasabay non eh ang open din ng mga booths kaya minamadali na namin ang pagdidisenyo nitong movie booth namin. Kaming apat ang naassign na mag-gupit ng mga movie tickets.
Ang design ng movie booth namin ngayon eh bohemian. Naglagay kami ng mga kaklase ko ng black curtains sa bintana para madilim sa loob ng room. Tapos may projector screen sa harap para magsilbing cinema screen. Naglatag din kami sa sahig ng grass mat para kunwari talaga nasa damuhan. Then may bohemian tents with small table na may throwpillows na magsisilbing upuan. Naglagay lang kami ng fairylights, dream catchers and lanterns sa paligid bilang pandagdag disenyo. Para relaxing ang aura talaga.
"Guys, magpapalit na akong damit. Kayo na muna bahala diyan." sabi ni Maddie sabay umalis at kinuha ang bag niya. Magpapalit na kasi siya ng panlaro. Kasali kasi si Maddie sa volleyball. At first game siya isasalang kaya kailangan niya na magpalit agad.
"Nasaan sila Drex?" tanong ni Andy kay Louise. Sinabi niya sa amin na nagkausap na sila ni Drex. Nalaman niyang gusto din pala siya ni Drex kaya masaya kami para sa kaniya. Matagal naman na kasi namin siyang sinasabihan eh. Na kausapin niya na yung tao kasi baka mamaya may gusto pala sa kaniya. Well, tama nga kami. May gusto nga din sa kaniya.
"Hindi ko nga alam eh. Kanina ko pa hindi nakikita yung tatlong iyon." sabi ni Louise referring to Ethan, Drex and Gian. Oo, kanina pa namin sila hindi nakikita mula nang pumasok kami. Wala kaming ideya kung nasaan sila. Wala din naman kasing sinalihan na sports yung tatlo na iyon.
"We need to post this flyers around the campus." biglang sabi ng President namin. Hawak niya ang flyers ng booth namin. Kailangan kasi iyong ipost around the campus para ba makita ng mga estudyante at pumunta sa booth namin.
"Ah sige. Ako na ang gagawa." sabi ko. Tutal naman kasi konti na lang ang gugupitin nila Louise. Kaya na nila ni Andy.
"Thanks." sabi ng President namin at inabot sa akin ang mga flyers. Kinuha ko naman ito agad sabay bumaling kila Louise.
"Kaya niyo naman na siguro ni Andy iyan no? Ako na ang maglilibot sa campus para ipost itong mga flyers." sabi ko.
"Yes. Yes." sagot ni Louise. Kaya nga nagpaalam na ako at umalis. Nagsimula na akong magpost ng mga flyers sa bawat bulletin boards saka sa mga dingding.
"Boo!" napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Gian sa gilid ko. Nang makita niya ang reaksyon ko ay napahalakhak siya. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Siraulo ka talaga." sabi ko.
"What are you doing?" tanong niya.
"Nagpopost ng flyers para sa booth natin." simple kong sagot.
"Let me help you." sabi niya at agad kinuha ang kalahati ng flyers na dala ko tapos nagdikit siya sa kabilang poste. Napatingin na lang ako sa kaniya habang busy siya sa pagdidikit. Napangiti na lang ako dahil sa pagtulong na ginawa niya. Ibang-iba na talaga siya sa dating Gian na una kong nakilala.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)