14: Unlabeled

41.3K 1.1K 37
                                    

Louise's POV

Pinatawag ako ni Dad sa office niya. Kaya nga nagpunta na ako agad doon. Hindi na ako kumatok at basta na lang pumasok.

Nakatalikod ngayon sa akin ang swivel chair niya. Pero I can hear na may kausap siya sa phone.

"Yes, kumpare. Don't worry. I'm sure your son will like my daughter. My daughter is really pretty that no guy can resist." sabi ni Dad at humalakhak pa.

"Dad, why did you call me?" bungad ko. Agad namang napaharap sa akin si Dad.

"Oh, kumpare. She's here. Kausapin ko lang siya about our plan then I'll let you know about it, okay?--Alright kumpare. Goodbye." tapos binaba niya na ang tawag at tinuon sa akin ang atensyon niya.

"Have a seat hija." nakangiti niyang sabi at itinuro ang upuan sa harap niya. Naupo naman ako doon.

"So, what do you want to tell me?" sagot ko. Pinagsiklop niya naman ang mga daliri niya.

"Well, my kumpare and I are talking about you and his son. Nalaman kong magkasing edad pala kayo at nasa iisang school. I was delighted by that kaya naisipan naming bakit hindi kayo magmeet? Baka matipuhan niyo ang isa't-isa. His son is single and so are you." nakangiting sabi ni Dad. Napaismid naman ako.

"Are you setting me up on a blind date?" sabi ko.

"Well, it's not actually blind date hija. Kasi alam mo namang anak siya ng kumpare ko." paliwanag niya.

"Ganon na din iyon Dad. You're setting me up on a date." sagot ko at nag-cross arms.

"Yep. Ganon nga. So, are you okay with it? I'm gonna call my kumpare na to confirm it. Wait." sabi niya at aktong kukunin na ang phone niya nang pigilan ko siya.

"No, Dad. I won't go on that date." matigas kong sabi. Napahinto naman siya at napatingin sa akin. Halata mo sa mukha niya ang nagbabadyang inis.

"What?"

"You heard me Dad. I won't go on that stupid date. Para niyo akong tinataboy sa kung sino lang eh. Hindi ko naman kilala iyon." sabi ko at tumayo na.

"Tinataboy kita sa sure akong mapapaganda ang buhay mo, Louise. Kaya nga kita kinukumbinsi na makipagdate para makilala mo siya." sigaw ni Dad.

"Still. Hindi pa din ako sasama. Wag na wag niyo akong dinadamay sa walang kwentang business niyong iyan na wala kayong ginawa kundi atupagin yan." sigaw ko. Padabog namang napatayo si Dad.

"Inaatupag ko para sa kinabukasan mo Cassandra Louise. Sa kinabukasan niyo ng Mama mo at ng kapatid mo. Don't you dare call this business stupid. Me and your Mom work hard for this. Kung hindi dahil sa walang kwentang business na sinasabi mo ay wala kang luho na mabibili para sa ikakasaya mo at malaking bahay na tinitirhan!" galit na sigaw sa akin ni Dad.

"Well, Dad hindi lang naman luho ang nagpapasaya sa akin eh. I don't need that expensive designer shoes, clothes or bags. I need a family Dad! A complete happy family! And this house? Do you even call this a house? Anong kwenta ng laki ng bahay na ito Dad kung halos hindi naman tayo nagkikita. Kung hindi din naman tayo kumpleto? I hate you Dad! I hate you so much! Your business is more important than your own daughter!" sigaw ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mga mata ko.

Napabuntong hininga naman si Dad at bahagyang hinilot ang sentido niya.

"Look, Louise--" hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil lumayas na ako sa office niya at tumakbo papunta sa kwarto ko. Doon ko iniiyak lahat sa unan ko ang inis at lungkot na nararamdaman ko.

Ilang saglit pa ay nagring ang cellphone ko. Nakita kong nagrerequest ng video call si Mom. Agad ko namang inayos ang sarili ko at pinunasan ang mga luha sa mata ko. At saka sinagot ang call ni Mom.

"Hey, Mom." bungad ko at ngumiti.

"Hey, baby. Are you okay? Your Dad told me everything." hindi ako sumagot. Kaya napabuntong hininga si Mom.

"I'm sorry if busy kami ni Dad mo parehas at hindi ka namin halos mabigyan ng atensyon anak. Pero sana intindihin mo din ang Dad mo. Mahirap din ito para sa kanya. Sa akin. We're both struggling. Pero kailangan namin kayanin para sa inyo ng kuya mo."

"I know, Mom. I'm sorry. Natrigger lang kasi ako nung inireto niya ako doon sa kumpare niya. Feeling ko ginagamit niya ako para sa business connections niya." sabi ko.

"Hindi ganon iyon anak. Gusto lang ng Dad mo na maging maganda ang future mo. Saka lagi ka kasi niyang pinagmamalaki sa mga kakilala niya. Kaya siguro natipuhan ka para ireto doon sa anak nung kumpare niya." nakaramdam naman ako ng konting konsensya nang malamang pinagmamalaki ako ni Dad sa mga kakilala niya.

"Saka It's just a date, baby. Hindi naman ibig sabihin non na ipapakasal ka agad-agad doon ng Dad mo. You know your Dad. Hindi siya ganon. Mahalaga pa din sa kaniya ang sarili niyong desisyon at kasiyahan." nakangiting sabi ni Mom.

"I'll think about it Mom." sagot ko.

"Okay, baby. Stop crying na ha? Malapit na ulit kami umuwi ng kuya mo diyan. Pagkauwi namin, mamamasyal tayo. Alright?"

"Okay, Mom." sabi ko at ngumiti. Tapos nagpaalam na din ako dahil inaantok na din ako.

Maybe Mom is right. Nagpadala ako masyado sa emosyon ko. Bigla tuloy akong nakonsensya sa pagsagot ko kay Dad.

Should I go to that date?

Pero kasi paano si Ethan? Hindi man kami pero gusto ko na kasi siya. Araw-araw kaming nagkakausap. Minsan tumatawag siya ganon.

Yes, wala kaming label. Pero masaya ako sa meron kami ngayon. Ramdam kong masaya din siya sa kung anong closeness meron kami ngayon. Hindi din siya nanliligaw actually. Pero para kaming magjowa dahil sweet kami sa isa't-isa. Hindi ko lang maexplain kung landian lang ba ito or what?

Basta I'm contented naman sa kung anong meron kami. Kahit na walang kasiguraduhan kung ano nga ba kami.

***
(Louise's photo on the gallery...)

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon