Maddie's POV
Sa bilis ng paglipas ng araw hindi ko na namalayan na halos ilang linggo na pala kaming nagkakachat nitong si Eirol. I don't know, nalilibang kasi ako kapag kachat ko siya kasi nakakatawa talaga siya. GGSS siya na medyo may pagkatanga minsan. Hahaha!
Inaamin ko nahulog na ang loob ko sa kanya. Pero hindi pa kami nag-uusap about sa panliligaw niya. Hindi ko pa siya binibigyan ng pahintulot directly na tinatanggap ko na siyang manliligaw ko. Pero parang ganito na din kasi dahil halos araw-araw kaming magkausap. Kailangan ko pa bang i-confirm sa kanya na nagpapaligaw na ako?
Eirol: Make sure to eat your meals on time. Wag ka magpapagutom. 🥰
Me: Oo na. Oo na. 🙄
Saka isa pa yan. Sa tuwing nagrereply siya hindi nawawalan ng heart emojis. Ako panay irap lang yata emoji ko. Hanggang sa chat iniirapan ko siya. Hahaha!
Nagnotif ang group chat namin nila Louise kaya binuksan ko iyon.
Louise: Maddie! Patambay naman sa inyo ngayon. Pretty please? 🥺🙏
Me: Sige lang. As if may magagawa pa ako eh nandito ka na sa labas ng gate namin. 🙄
Sakto kasing pagtayo ko natanaw ko yung gaga sa labas ng gate namin. Kaya nga agad na ako bumaba at pinuntahan siya. Panigurado nag-away na naman sila ng Dad niya kaya nakikitambay dito ngayon sa amin. Tumunog ulit ang phone ko nang may magnotif.
Andy: Uy, ako din. Sama ako. Punta ako diyan. Pakain. Hehe. 😁
Me: Sige. Ginawa niyo ng tambayan bahay namin. 😒
Andy: Yey! Otw. 😘
At iyon ilang saglit lang nandito na din si Andy. Sa iisang subdivision lang kasi kaming apat nakatira. Kaya ito, madali lang sa dalawang ito pumunta sa amin.
Nandito kami ngayon sa sala ni Louise. Nakaupo sa sofa. Nakataas ang paa ni Louise sa may coffee table. Si Andy dumiretso doon sa kusina at nagkalkal ng kakainin niya. Feel at home ang dalawa di ba? Grabe.
"Oh, nag-away na naman kayo ni Tito?" bungad ko kay Louise.
"Yeah. I hate him. Kaya umalis muna ako doon sa bahay para kahit papaano eh mabawasan ang stress ko sa kanya." sagot niya.
Maya-maya lang ay dumating na si Andy at umupo na din sa sofa. Dala-dala niya yung dalawang pringles, isang pack ng chips ahoy at yung cowhead na milk drink. Napailing-iling na lang ako.
"Ano naman pinag-awayan niyo this time?" tanong ko.
"Balak niya iconfiscate ang cellphone ko sis. Di ako pumayag syempre. Edi iyon nag-away kami." sabi niya at kinuha kay Andy ang isang pringles at nilantakan iyon.
"Ikaw, bakit ka nandito? May problema ka din?" tanong ko kay Andy.
"Oo eh. Naubusan kaming snacks sa bahay. Bukas pa maggrocery si Mama dahil sira ang sasakyan. Kadadala lang ni Papa sa pagawaan." sabi niya sabay bumuntong hininga pa siya na akala mo eh sobrang bigat ng dinadala niyang problema. Napairap na lang ako.
Tumunog bigla ang notif ko nang magchat si Eirol. Hinablot ko agad ang cellphone ko para hindi makita nila Louise na nagmessage si Eirol. Pero huli na. Nakita na nila Louise sa screen ang pangalan ni Eirol. At nakatingin silang dalawa sa akin ngayon ng may bahid na panunuya.
"Oops. Don't tell me? Pinayagan mo na siya manligaw." nakangising sabi ni Louise.
"H-Hindi pa ah." pagtatanggi ko.
"Pa?" sagot ni Andy na inelaborate pa ang word na 'pa'.
"Spill the beans, sis. Kilala kita. You can't hide anything from us. We've been friends since kinder, gurl! Haler?"
![](https://img.wattpad.com/cover/22309706-144-k283273.jpg)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)