Ethan's POV
Nandito sila Eirol ngayon sa amin. Nandito kami sa veranda. Umiinom ako ng whiskey. Pero isang baso lang. Madali kasi akong malasing. Wala naman akong balak magpakalasing. Inalok ko silang tatlo pero tumanggi si Eirol at Drex. Kaya ako na lang nag-inom saka si Gian. Hindi din naman talaga umiinom iyon si Drex. Si Eirol naman ayaw kasi baka magalit daw si Maddie sa kaniya.
"Bakit kasi hindi ka umamin na gusto mo siya?" sumbat sa akin ni Eirol.
"I'm hurt, brad. Paano pa ako magkakaroon ng courage umamin kung pinangunahan ng sakit? Masisisi mo ba ako? Ako hindi ako nagdalawang isip para tanggihan ang nirereto sa akin ni Dad. Eh siya? Kinonsider niya! Pinag-isipan niya pa! It hurts like hell, man." sabi ko at sumimsim ng alak.
"Ay nako. Wala ka talagang alam sa babae ungas ka. Kaya ka nga niya kinausap eh. Para magpaalam sa iyo. Sinasabi niya sa iyo para pigilan mo siya, brad." sabi ni Eirol.
"Talaga ba? Well parang hindi naman iyon gusto niyang ipamukha sa akin eh." sabi ko.
"Alam mo brad? Ang tanga mo. Nag-iinom ka dito. Nagddrama. Samantalang ikaw nag nagpush kay Louise na pumayag doon sa alok ng Dad niya. Why not talk to her? Tell her you don't want her to go on that date. Tell her how much you like her." sabi ni Eirol.
"Tss. Hindi niya naman yata ako gusto. Hayaan mo siya. Iyon yata yung gusto niya. Yung nirereto sa kaniya. Then I will let her!" sabi ko sabay uminom ng whiskey.
Napailing-iling na lang si Eirol.
"You're hopeless, Ethan." he sighed. Well, I'm really hopeless. Indeed.
_
Days passed. After ng naging usapan namin ni Louise ay hindi na kami nagkakausap. Chat or maski sa personal.
Akala ko okay na ako. Pero hindi pa pala. Because everytime I see her. Parang wala lang sa kaniya ang nangyari. Bumalik siya sa dating Louise na nakilala ko. Yung mataray at may pagkamaarte. And it fucking hurts like hell to see her unbothered. While I'm here. I can't stop thinking of her. At inaamin kong namiss ko yung pag-uusap naming dalawa. Nagsisimula na tuloy akong magsisi na pinush ko siya doon sa nirereto sa kaniya.
Huli na ba para bawiin ang mga sinabi ko? Fuck.
Nang tumunog ang bell. Hudyat na ng recess ay hindi na ako nagdalawang isip na lapitan si Louise.
"C-Can we talk?" nauutal kong sabi. Tumingin siya sa akin na walang anumang bahid ng emosyon. Nasaktan ulit ako. Pati ang tingin niya sa akin nag-iba. Parang dati lang kapag magkasama kami ay hindi halos mawala ang mga ngiti sa labi niya.
"About what?" taas kilay niyang tanong.
"About what I've said." sabi ko.
"The last time I checked, Ethan. We're already done talking about it. Settled na di ba? I'm going to that date and you are too. End of discussion." sabi niya at saka umalis na sa harap ko.
Lumingon ako at pinagmasdan ulit siyang naglakad palayo for the second time. Umaasa akong lilingon siya. Babalik dito sa harap ko para kausapin ako. Pero hindi. Kahit isang lingon or paghinto man lang ay hindi niya ginawa. Nagdire-diretso lang siya paalis hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Yeah. You're late to change everything you have told her, Ethan. Ginusto mo ito di ba? Now be it.
_
Nang makauwi ako sa bahay ay kinausap ko si Dad. Pumayag na ako sa sinasabi niyang date. Ano pa nga bang magagawa ko? I tried to talk to her. To make things right. Pero ayaw niya. Mukhang wala siyang balak na ayusin pa. Kung may paraan lang sana para maging okay ulit kami. I'll grab that chance.
"I'm glad you accepted my offer, son." sabi ni Dad at tinap ang balikat ko. Ngumiti ako ng mapanglaw.
"Sino nga pala'ng kaibigan ang tinutukoy mo Dad?" I asked.
"The Monteclara, hijo." sagot ni Dad. Kaapelyido pa talaga ni Louise ha?
"Seems familiar." sabi ko.
"Well, silly. You and his daughter are on the same school. I'm sure nakita mo na siya." halakhak ni Dad. Bigla akong kinutuban.
"What's the name of her daughter? Maybe I know her." tanong ko.
"I forgot, hijo. But I have a photo. Sinend sa akin ng kumpare ko kanina. He wants me to show it to you. At hindi nga nagsisinungaling ang kumpare ko. His daughter is really pretty hijo. Baka matipuhan mo." sabi ni Dad.
"You have a picture? Can I see it?" I asked.
"Sure hijo." sabi ni Dad saka kinuha ang phone niya at iniabot sa akin. Agad ko namang kinuha ang phone niya at nagulat nang makita kung sino ang tinutukoy ni Dad na anak ng kumpare niya.
"I forgot the name. Sinabi niya sa akin eh. Something starts with L? Luz? Louie? Lou--"
"Louise." sagot ko cutting Dad's sentence.
"Yes! That's right. Louise! Now I remember." halakhak ni Dad.
"Do you know her?" nagtatakang tanong ni Dad. Tumango ako.
"Yes, Dad. I know her." because she's the girl I like. The girl who makes me happy.
"Well, that's good. Mukhang magiging close kayo. Goodluck on that date." sabi ni Dad at tinap ulit ang balikat ko.
Napangiti ako nang malamang si Louise pala ang makaka-date ko. She doesn't know na ako ang makaka-date niya. I'm sure hindi din siya makakapaniwala kapag ako ang nakita niyang date na sinasabi ng Dad niya.
This is it. Now I have the chance to enlighten her, to confess my feelings and to express how much I like her.
Ang tadhana na nga siguro ang gumagawa ng paraan para magmeet kami. Naunahan lang namin siya. Funny isn't it?
But I'm happy. Because finally I have ways to fix the mess I made. Babawi ako kay Louise. Ipagtatapat ko kung bakit ko nasabi sa kaniya ang mga bagay na iyon. At pinapangako kong kapag naging ayos ang lahat ay hinding-hindi ko na siya papakawalan pa.
Mapaglaro talaga ang tadhana. But this time, I'm gonna go with the flow of its game.
***
(Louise's photo on the gallery...)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)