Ethan's POV
Nandito kami ngayon ni Louise sa rooftop ng building. Recess kasi. Sabi niya may kailangan daw siyang sabihin. Kaya nga dito kami nag-usap kasi tahimik.
Tahimik kaming dalawa dito. Hindi siya nagsasalita. Nakatingin lang siya sa malayo habang ako ay umiinom ng delight. Hindi niya pa ginagalaw ang sandwich na binili ko sa kanya.
"What do you want to tell me?" bungad ko.
"Well, my Dad talked to me yesterday. He wants me to go on a date with his friend's son."
"And?" tanong ko.
"I-I just want to ask you if okay lang sa iyo iyon? Na pumunta ako doon sa date na iyon." sabi niya na tila nauutal pa. Nakaramdam naman ako ng konting kirot sa puso ko nang malamang parang may interes talaga siyang pumunta doon. Balak ko na din sana'ng kausapin siya ngayon para hingin ang pahintulot niyang manligaw ako. Pero biglang tumiklop ang bibig ko sa sinabi niya.
I know medyo matagal na din kaming nagkakausap ni Louise. And I admit, I learned to like her already. Sa bawat araw kasing kausap ko siya ay mas lalo ko siyang nakikilala. Na hindi talaga siya basta yung Louise na maarte na nakilala ko. She's that Louise who is positive towards everything, a kind-hearted person, and the Louise who makes me happy. Who makes me smile effortlessly. And the one who makes my heart flutter.
But knowing that she have plans on going in that date makes my heart ache.
"Go." I said. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin.
"What?"
"I said go. Hindi mo naman na kailangang magpaalam sa akin. You have freedom, Louise. I have too. Wala naman tayong label eh. May date din naman ako eh." sabi ko. Nakita ko naman ang disappointment sa mata niya. Pero pinilit kong ngumiti.
"You have a date?" tanong niya.
"Yeah. And I think you should go too." nakangiti kong sabi. Pero peke ang ngiting pinakita ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong niya.
"That's why I'm telling you right now, Louise." sabi ko. I'm not lying. My Dad also talked to me. May nirereto siyang babae sa akin. Anak daw ng mayaman niyang kumpare. Pero tinanggihan ko iyon. Dahil wala akong interes sa ganon. At may gusto na ako. Si Louise iyon. Hindi ako nagdalawang isip na i-decline ang sinasabing date ni Dad. Kaya nasaktan na ako nang malamang si Louise ay kinoconsider ang date na inalok din sa kaniya ng Dad niya.
"No, I mean. Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin ito?"
"Why? Is it required to tell you everything about my life? We're not lovers." I chuckled. How I wish that we are 'lovers'. Nakita ko naman sa mga mata niya na nasaktan siya sinabi ko.
"Well, yeah. You're right. Hindi tayo lovers. Wala tayong label. Maybe you are right. I should go on that date. It's not like you're going to be jealous or what, right?" sarkastiko niyang sabi tapos nagmadali ng umalis sa harap ko. Pinagmasdan ko siyang naglakad palayo hanggang sa tuluyan na siyang nakaalis.
You're wrong. Because I'm really really jealous right now, Louise.
Louise's POV
Hindi ako dumiretso sa klase. Tumakbo ako papunta sa parking lot at sumandal sa isa sa mga sasakyan doon para walang makakita sa akin. Naupo ako doon sa sahig at napayakap sa tuhod ko. I don't care kung madumihan ang suot ko.
Ibinuhos ko ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo dahil sa pag-uusap namin ni Ethan.
I thought he likes me. Pero bakit ganon siya? Bakit parang tinataboy niya ako gaya ni Dad? Akala ko there's something special ng nabubuo between us. Pero ako lang pala ang nag-aassume non. Wala lang siguro sa kaniya yung pag-uusap namin everyday. Akala ko parehas na kami ng nararamdaman sa isa't-isa. Hindi pala.
Bakit ba kasi napaka assuming mo Louise?! Iyan tuloy nasasaktan ka ngayon dahil sa kagagahan mo. Nagpakita lang ng motibo nag-assume ka agad.
Kinuha ko naman ang cellphone sa pocket ko at dinial ang number ni Dad. Pinigil ko muna ang paghikbi ko saglit nang sagutin niya ang tawag.
"Hello, Dad. I will go on that date." lakas loob kong sabi.
[Really? Okay. Okay. I will inform my kumpare immediately.] masayang sagot ni Dad.
"Sure, Dad. Let's talk about it later." sabi ko.
[Sure, sweetheart.]
"Bye, Dad." sagot ko then ended the call. Pinunasan ko ang luha ko at saka tumayo na. Pinagpagan ko ang sarili ko at humarap sa sasakyang sinandalan ko. Nilabas ko ang lipstick sa bulsa ko at naglagay sa labi. Matagal ko ng hindi ito ginagamit ever since nagkausap kami ni Ethan. Now I will use this. I don't care kung anong isipin niya sa akin. Para namang may pakialam pa siya sa akin.
I am Cassandra Louise Monteclara. I should not cry over that jerk. Hindi lang siya ang lalaki diyan. Marami pang magkakagusto sa akin. Sa ganda kong ito? Tss. His loss not mine.
Naglakad na ako pabalik sa room. Ramdam kong nakatingin sa akin si Ethan. But I didn't look at him. Maglaway siya ngayon sa akin.
Taas noo akong naglakad paupo sa desk ko. At ngumiti na para bang walang nangyari.
"Saan ka galing?" tanong ni Maddie.
"Oh, kinausap ko kasi yung Dad ko. I confirmed that I will go on that date." sabi ko at sinadyang iparinig kay Ethan ang sinabi ko kay Maddie. Napatingin ako sa kanya. At tama nga ako. Nakatingin siya. Nakita ko sa itsura niya na parang nasaktan siya. I just ignored it at inalis na ang tingin ko sa kanya.
Ano naman kung nasaktan siya? Like I care? Dapat lang sa kaniya iyan. Sinaktan niya din ako. Tss. Jerk.
I will never fall for that game again. Hindi niya deserve ang isang magandang Cassandra Louise Monteclara.
He's just Ethan. Francis Ethan Montereal. A jerk who played on my feelings. Tss.
***
(Ethan's photo on the gallery...)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)