18: Catch

33.5K 1K 23
                                    

Cyleen's POV

Hindi sinabi sa akin ng adviser ko kung sino ang tutor ko. Basta niya na lang binigay ang address. Basta ang alam ko lang sa Eastwell din nag-aaral. Wala akong ideya kung anong grade level. Siguro mga grade 3 pababa? Well, hula lang naman. Baka kasi mamaya eh highschool din pala tulad ko.

Nandito ako sa harapan ng isang gate. Tinignan ko pa ulit yung minessage ng adviser ko na address para i-double check kung ito nga ba yung bahay na nakasaad sa address. Namg mapagtanto kong ito nga iyon ay agad ko ng pinindot ang doorbell.

Ilang saglit lang ay lumabas ang isang maid.

"Kayo po ba yung hinihintay na tutor ni Sir?" tanong ng maid. Tumango ako. Kaya nga binuksan niya na ang gate at pinapasok ako. Inaya niya na ako papasok ng bahay kaya naglakad na kami patungo doon.

Bigla naman akong napatigil nang mapansin ang isang pamilyar na sasakyan sa may garage. Kumunot ano noo ko. Parang nakita ko na ito somewhere?

"Ma'am bakit po?" tanong ng maid. Napansin niya sigurong hindi ako nakasunod sa kaniya.

"U-Uhh. Wala. Wala." sabi ko at sumunod na sa kanya papasok sa loob ng bahay. Nagkibit-balikat na lang ako sa nakita kong pamilyar na sasakyan sa labas. Siguro nakita ko lang sa tabi-tabi iyon dati kaya parang feeling ko eh kakilala ko may-ari non.

Pinaupo muna ako ng maid sa may sala. Tatawagin niya daw muna yung Sir na sinasabi niya kaya nga naupo muna ako sa sofa at pinagmasdan ang buong bahay.

Well, mas malaki ito ng konti sa bahay namin. Kaso simple lang ito. Halos plain lahat. Parang walang kabuhay-buhay. Halos all white ang buong bahay. Na may konting touch ng ash gray color gaya nung mga decorations.

Ilang saglit pa ay bumaba sa hagdan ang isang lalaki na sa tantsa ko ay mga nasa late 40's ang edad. Pero bakit ganon? Parang may kahawig?

"So ikaw ba ang tutor na nirecommend ni Mrs. Adviser?" tanong niya. Tumango ako.

"Nice to meet you po. I'm Cyleen Allyson Alcantara." pagpapakilala ko.

"Nice to meet you too. Siguro naman nasabi na sa iyo ng adviser mo na kailangan mong i-tutor ang anak ko?" tumango ako bilang sagot.

"Grade ano na po ba siya?" tanong ko.

"Grade 9." he answered. Napatango na lang ako. So, kasing grade ko pala? Akala ko ba naman elementary. May nagtututor pa pala sa ganitong grade level?

"Wait. Let me, call him." sabi niya. Sinenyasan niya ang maid kaya dali-daling umakyat ang maid sa second floor. Ilang saglit lang ay bumaba ang isang lalaki. Nagulat ako nang napagtanto ko kung sino ang i-tututor ko. Kaya pala pamilyar ang sasakyan kanina sa labas na nakita ko! Kasi pag-aari iyon ng mokong. Ito yung gamit niya nung tinulungan niya ako.

Nang mapatingin siya sa akin, maski siya ay nagulat.

"IKAW?!" sabay naming sigaw. Nagtaka naman ang Dad niya. Kaya pala para kako'ng pamilyar ang mukha ng Dad niya. Kasi kamukhang-kamukha niya ito. Parang younger version siya ng Dad niya as in.

"So, what a coincidence. Kilala niyo na pala ang isa't-isa." sabi ng Dad niya.

"Don't tell me she's the tutor?" gulat na sabi ni Gian sa Dad niya.

"Yes, siya nga. YOUR TUTOR from now on." sagot pa ng Dad niya na inemphasize pa ang 'your tutor'. Napairap na lang si Gian saka umakyat na papunta sa second floor.

"Sorry sa attitude niya hija ha? Don't worry pagsasabihan ko iyan."

"Ahh. Okay lang po. Sanay na ako diyan. Magkaklase po kasi kami." sabi ko. Napatango naman ang Dad niya.

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon