Andy's POV
Nang makarating akong school ay agad na akong bumaba ng sasakyan ko. Sakto namang pagkababa ko ay dumating ang isa pang sasakyan kaya napahinto ako. Nakita kong bumaba doon si Drex. Tapos umalis na yung kotse. Hmm. May driver pala siya.
Nagmadali naman akong tumakbo at hinabol siya.
"Drex! Uy Drex!" sigaw ko. Nang lingunin niya ako ay kumaway ako saka siya nilapitan.
"Hey, Andy. Goodmorning." bati niya.
"Goodmorning!" masigla kong bati at binigyan siya ng matamis na ngiti.
"Tara sabay tayo." sabi ko. Marahan niya lang akong tinanguan tapos ay sabay na kaming naglakad papasok ng school. Dinadaldal ko siya habang naglalakad kami sa hallway. Halos nakwento na yata buong buhay ko pero puro tango at ngiti lang ang sinasagot niya sa akin. Well, sabagay quiet type siya eh.
Lagi kaming dalawa ang madalas na nauuna na pumasok. Kaya lagi kaming dalawa ang halos nagkakasabay papasok.
Nang makarating kami sa room ay tahimik lang siyang umupo sa pwesto niya at inayos ang bag niya. Kumuha siya ng libro doon saka tahimik na nagfocus sa binabasa niya.
At since wala akong ginagawa ay kinuha ko naman na ang pagkain sa bag ko. Menu of the day ay, Tempura! Isa sa fav kong chichirya. Hihi. Excited naman akong binuksan ito at nilantakan ang pagkain. Waaah! Yung sound ng tempura kada swallow ko is music to my ears! So yummy!
"Ahem." napatigil ako sa pagnguya ng marinig si Drex. Nakatingin siya sa akin ngayon. Oops. Nakalimutan kong nandiyan nga pala siya. Marahil naistorbo ko ang pagfofocus niya sa pagbabasa dahil sa sound ng pagkain ko ng tempura. Tapos tahimik ang classroom kaya for sure rinig na rinig talaga pagnguya ko sa bawat sulok ng kwarto na ito. Hehe.
"Sorry. Hehe." sabi ko sa kaniya at nag-peace sign. Bumalik na siya sa pagbabasa kaya nagfocus ulit ako sa pagkain. Pero this time ay para akong timang na dahan-dahan na nginunguya yung chichirya. Slow motion ganern.
"Pfft." napatingin ulit ako sa kaniya nang marinig ulit siya. Nagpipigil naman siya ngayon ng tawa. Isinara niya ang libro niya at tumingin sa akin.
"Why?" nagtataka kong tanong. Napailing naman siya.
"You look funny." sabi niya. Aba. Nakakatawa daw ako? Nagpapatawa ba ako? Eh torture nga itong ginagawa ko dahil hindi ako sanay kumain ng mabagal. Hmph.
"Gusto mo?" alok ko sa kaniya. Ang bad naman kung hindi ko siya alukan di ba? Hindi naman siya tumanggi. Kumuha siya ng isa at tinikman ito. Parang bituin ang kaniyang mga mata nang makita ko itong nagningning nang matikman niya ang tempura ko.
"Woah. Ang sarap ha?" sabi niya.
"Hala siya. Ngayon ka lang ba nakatikim nito?" tanong ko. Tumango siya.
"Yep." maikling sagot niya.
"Eh ibang chichirya ba?" tanong ko. Umiling din siya. Nyek? Seryoso ba? Siya lang yata kilala kong di pa nakatikim ng junk foods.
"Seryoso? Baket?" tanong ko.
"What do you mean by that?"
"Eh ikaw lang yata kakilala kong di pa nakakatikim ng chichirya." bulalas ko.
"Well, people like me still exist." halakhak niya. Kakaiba talaga itong si Drex eh. Unang kita ko sa kaniya talaga feeling ko weird siya. Ngayon napatunayan ko totoo nga. Nako.
"Bakit hindi ka kumakain ng chichirya?"
"Ayaw ng Mama ko. Not healthy daw." kibit balikat niya. Grabe naman Mama nito. Kahit di healthy masarap kumain kaya!
"Ay ganon? Ang sad naman ng life mo." sabi ko. Napatingin siya sa akin.
"Really? Do you think so?" seryoso niyang tanong. Tumango ako. Tapos bigla siyang natahimik. Dinaldal ko ulit siya pero hindi na siya umimik after non. May nasabi ba akong masama?
Isa-isa ng nagsidatingan ang mga kaklase ko hanggang sa dumating na din mga kaibigan ko.
_
Nang mayari ang klase ay inaya ko na sila Louise sa cafeteria para magrecess.
"Uy, pwede makisama? Hehe." nakangising sabi ni Eirol sabay akbay kay Maddie. Nakita ko namang hindi umapila si Maddie ngayon. Which is nakakapanibago.
"Me too. Can I join you guys?" nakangiting tanong ni Ethan sabay bumaling naman kay Louise. Nagngitian silang dalawa. Si Gian hindi nagsalita bagkus ay tumingin siya kay Leen.
"Let's go?" tanong niya kay Leen. Tumango lang ito tapos sumunod na siya kay Gian palabas. Sumunod namang lumabas si Maddie at Eirol. Nakaakbay pa din si Eirol sa kaniya. Hala? Hindi talaga umaapila si Maddie. Lumabas na din si Louise at Ethan. Nagtatawanan pa silang dalawa habang naglalakad palabas. What is happening in this world??? Bakit parang nakalimutan na ako ng mga bestfriend ko? Huhu. Nagka-love life lang ang mga loka eh.
"Wanna come with me? Mukhang out of place ka ngayon sa mga kaibigan mo eh." tanong sa akin ni Drex na nakangisi. Napapout naman ako.
"Ikaw din naman ah?" sabi ko.
"Kaya nga. Hahaha! That's why I'm asking you if you want to come with me. Kasi out of place din ako." sabi niya at tumawa. Hays. May choice pa ba ako?
Kami ni Drex ang sabay na nagtungo papuntang cafeteria. Umorder na kami sa counter ng pagkain tapos naupo kami sa table kung saan nakapwesto ang mga kaibigan namin.
Busy silang lahat sa kapares nila. Mga may sari-sariling mundo. Kaya tahimik na lang akong kumain. Ayos ito. Hindi lang 3rd wheel peg ko dito. 7th wheel ako. Huhu.
Nang lingunin ko si Drex, tahimik lang din siyang kumakain. Nang biglang nagring ang phone niya. Hindi na siya nagpaalam sa mga kaibigan niya dahil busy ang mga ito. Kaya basta na lang siyang lumabas sa cafeteria. At dahil ayokong ma-7th wheel ay umalis din ako. Hindi na lang din ako nagpaalam sa mga kaibigan ko. Sinundan ko si Drex sa labas.
Pagkalabas kong cafeteria ay nakita kong may kausap siya sa cellphone. Di ko maiwasang di marinig dahil ang lakas ng boses niya.
"Ma, lagi na lang po bang ganito? I have my own decisions, Ma. I'm not a kid anymore. Sorry but I won't change my decision." sabi niya sa kabilang linya. Babalik na sana ako sa loob ng cafeteria dahil alam kong masama ang makinig sa usapan ng iba kaso nung pabalik na ako ay nasipa ko yung trashbin sa gilid. Dahilan para lumikha ito ng ingay na umalingawngaw sa hallway. Agad naman akong nagtago sa likod ng mga lockers. Napapikit na lang akong mariin sa katangahan ko.
"Anyone there?" tawag ni Drex. Omg. Isip, Andy. Isip!
"Meow. Meow. Meow." naglikha ako ng tunog pusa para hindi niya malaman na may tao. Mukha namang naniwala siya kasi narinig ko yung yabag ng mga paa niya paalis.
Nang ma-make sure kong wala na siya ay lumabas na ako sa pinagtataguan ko at bumalik sa cafeteria. Pero wala si Drex doon. Nagtaka tuloy ako. Saan siya pumunta?
Nang mayari ang recess ay sumabay na ako kila Maddie na bumalik sa room. Wala pa din si Drex doon kaya nagtaka na talaga ako kung saan siya nagpunta. Tinanong ko ang mga kaibigan niya si Ethan pero wala din silang ideya kung nasaan ito.
Dumating na ang adviser namin. Wala pa din si Drex kaya nag-alala na talaga ako. Hindi ako mapakali.
Saan ba siya nagpunta? Nag-aalala ako kasi parang may iba sa mga kilos niya. Tumatawa siya at ngumingiti pero yung mga mata niya ay iba ang sinasabi. Parang may lungkot?
***
(Andy's photo on the gallery...)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)