Andy's POV
Sabado ngayon. At dahil nga napag-usapan naming manood ng sine ay nagready na agad ako. Kasi ala una usapan namin.
Kasalukuyan akong namimili dito sa closet ko ng isusuot ko. Hindi ko malaman kasi kung magbebestida ba ako o magpapants na lang. Hindi naman ako dating ganito na masyadong mabusisi sa pagpili ng susuotin ngayon lang talaga.
Bahala na nga. Pants na lang saka plain shirt na white. Tas magdala na lang akong blue na cardigan. For sure malamig sa sinehan.
Nang makarating ako sa mall na napag-usapan namin ay agad kong nakita sila Louise sa may entrance kaya tinawag ko sila at agad lumapit sa kanila.
"Wala pa si Drex?" tanong ko. Napangisi naman silang tatlo. Oo tatlo na sila. Pati si Ethan nakikisama na. Kaloka.
"O, ano naman kayo diyan." sabi ko. Natawa na lang sila.
"Wala pa eh. Pero tinext ko na. Malapit na din daw siya." sagot ni Ethan. Napatango na lang ako. Tapos naghintay kami ng ilang saglit.
"O, iyan na pala eh." sabi ni Louise kaya nga nag-angat ako ng tingin kung saang direksyon sila nakatingin. Nakita ko si Drex. Natigilan ako nang makita siya. Naka plain white siyang polo tapos may suot din siyang plain white shirt sa loob non. Naka denim din siyang pants at naka slides na tsinelas. Pakshet! Bakit ganon? Ang gwapo. Wala siyang salamin ngayon! Waah!
Nang makalapit siya sa amin ay nakipag-apir siya kay Ethan bago bumaling sa akin. Nginitian niya ako.
"You look nice." sabi niya sa akin. Hala? Ang ganda ko daw. Hahaha! Keneleg yata ako doon?
"U-Uhm. Ikaw din ang gwapo mo ngayon." napatakip ako sa bibig ko nang marealize kung ano ang nasabi ko. Napangisi naman siya.
"Wala kang salamin ngayon brad?" tanong ni Ethan.
"Ahh. Oo. Naka contacts ako ngayon." simpleng sagot ni Drex kay Ethan. Shet talaga! Mas umaliwalas mukha niya nung wala siyang salamin. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa mukha niyang mas flawless pa yata sa akin.
Nagkaayaan na kaming pumasok sa loob ng mall. Bumili na kami agad ng ticket kasi baka mamaya mahaba na ang pila. Alas dos pa magiistart ang movie at meron pa kaming kalahating oras kaya nagpasya muna kaming mag-ikot ikot. Nandito kami ngayon sa h&m. Nagshoshopping sila Louise at Maddie kaya nakishopping na din ako. Si Drex ang kasama ko dito ngayon kasi halos magkalapit ang tinitignan naming section ng mga damit.
"Look. Bagay sa iyo ito." sabi niya sabay pakita sa akin ng isang hoodie na may embroidery. Kinuha ko naman siya at tinignan.
"You will look cute in that." nakangiti niyang sabi. Napaiwas naman akong tingin. Takte na iya Drex! Wag kang ganiyan. Alam kong natural lang sa iyo yang maging mabait. Kaso bakit ganon bakit nilalagyan ko ng meaning?
At dahil sinabi nga ni Drex na maganda iyon ay diretso ko itong nilagay sa shopping bag. At dahil ilang minuto na lang pala ay kailangan na naming bumalik sinehan ay nagbayad na kami sa cashier ng mga pinamili namin. Tatlong piraso lang na damit binili ko. Si Maddie isa lang kasi isang kulay na lang naman daw ng hoodie ang hindi pa niya nabibili dito sa h&m. Si Louise? Iyon ano pa ba aasahan diyan? Dahil shopaholic yang si gaga naka walong libo agad ang nagastos. Namili din kasing boots.
Iniwan muna namin sa luggage counter ang mga paperbag na bitbit namin. Tapos bumili na kami ng pagkain sa food booth. Sabay dumiretso na sa loob ng sinehan at naghanap ng mauupuan. Dibale ang pwesto namin is si Drex, ako, si Maddie, si Louise tapos si Ethan. Magkabilang dulo yung dalawang boys.
Kami yung share ni Drex sa malaking popcorn. Tapos si Louise at Ethan ang nagshare sa popcorn nila. Si Maddie namili lang ng chips. Di niya daw trip magpopcorn.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)