9: Cellphone

43.8K 1.2K 46
                                    

Maddie's POV

Nang makalayas na si Eirol ay agad na akong pumasok sa loob. Dinampot ko ang cellphone na nasa coffee table at agad ding umakyat papunta sa kwarto ko.

Nagpatihulog ako sa kama saka binuksan ang cellphone ko. Kaso nagulat ako dahil iba ang lockscreen nito. Napagtanto kong hindi sa akin ang cellphone na hawak ko ngayon.

Napapikit na lang ako ng mariin nang mapagtagpi sa aking isipan na nagkapalit kami ni Eirol ng cellphone.

Luckily, walang password ang cellphone niya kaya agad kong nabuksan. I-didial ko na ang number ko dahil tatawagan ko ang cellphone ko na nasa kaniya. Nang pang-anim na digits pa lang nattype ko ay lumitaw agad ang isang saved contacts. Which is ang number ko. At ang nakapangalan pa ay 'Labidabs'?!

Paano nakuha ng mokong na ito ang number ko? Ni hindi ko naman binibigay sa kanya iyon ah. Ni pag-accept nga sa friend request niya hindi ko ginagawa.

I-dedelete ko sana number ko sa contacts niya kaso hindi ko na lang tinuloy. Napagtanto kong hindi aking cellphone ito at mali kung makikialam pa ako ng kung ano dito.

Tinawagan ko na ang number ko. Ilang ring lang ay sumagot na siya sa kabilang linya.

[Hey!] masaya niyang bungad sa akin na akala mo eh hindi kami nagkapalit ng cellphone.

"Anong hey? Nagkapalit tayo ng cellphone sira!" sabi ko.

[Oo nga eh. Sorry. Nito ko lang napansin nung nakalayo na ako.] sabi niya pero napairap ako. Halatang ginusto niya ang nangyari sa amin ngayon.

"So, kailan mo balak ibalik yan?" masungit kong tanong.

[Tomorrow. Wala naman akong lakad bukas. Idadaan ko sa inyo bukas. Kaysa naman sa school ko pa dalhin di ba? Edi nakumpis parehas cellphone natin. Hahaha!]

"Sige. Bahala ka na sa buhay mo." sabi ko at akmang papatayin na ang tawag.

[Wait! Wait!] tawag niya.

"O, bakit ba?"

[Let's have a chitchat muna. Namiss ko boses mo.] sabi niya.

"Nako, tigilan mo ko. Sige bye!" may sasabihin pa sana siya kaso inend ko na agad ang call. Tss. Bwisit.

Napatayo ako nang kumatok si Tita sa pintuan ko at saka pumasok. Naupo siya sa gilid ng kama ko at nakangiting tumingin sa akin na kinakunot ng noo ko.

"I'm so glad. You're really a grown up woman na." sabi ni Tita.

"Po?" nagtataka kong tanong. Bakit siya masaya?

"I'm glad you're already letting someone in. Continue that. I think he's a nice guy kaya pinili mo siya." Ha? Ano daw? Si Eirol ba tinutukoy nito? Naniwala talaga siyang manliligaw ko iyon?

"Tita--" hindi natuloy ang sasabihin ko nang magsalita ulit siya.

"I know you hate men, Iyah. Dahil sa ginawa ng Papa mo. Takot kang masaktan tulad ng nangyari sa Mama mo. Pero hija, not all boys are like your father." sabi niya. Napaupo naman ako. Naalala ko na naman yung mga pinagdaanan ni Mama. Sa tuwing naiiisip ko iyon ay naiinis ako. Wala siyang kwentang ama. Hindi ko lubos maisip na may dugong nananalaytay sa akin na galing sa manloloko'ng iyon.

"Eirol seems a nice guy. You should answer him soon." nakangising sabi ni Tita.

"Tita." pabanta kong tono pero tumawa lang siya.

"I'm just happy for you. You're finally healing from the past." sabi ni Tita at saka tinap ang balikat ko at lumabas na ng kwarto ko.

Gusto ko sanang sabihin kay Tita na hindi totoong manliligaw ko si Eirol dahil di ko pa naman ito binibigyan ng pahintulot na ligawan ako. Pero bakit hindi ko magawang sabihin? Bakit may parte dito sa akin na gusto kong isipin ni Tita na manliligaw ko nga talaga ang mokong na iyon.

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon