2: Kick Out

69.7K 2K 86
                                    

Louise's POV

"So, girls? Care to explain what happened?" tanong nung guidance counselor namin. Napairap ako. I hate her face.

"Miss, sila ang nagsimula! Sinabunutan niya ako! Kaya lumaban lang po kami." sabi ni Claire sabay nagpaawa effect. Yeah, a typical bitch on a teleserye.

"Dahil tinawag mong stupida at tatanga-tanga ang kaibigan ko!" sabi ni Maddie.

"What? Hindi ko sinabi iyan ha?! Miss gumagawa sila ng story! Don't believe them!"

"Hoy! Sinungaling ka! Ikaw ang nagsimulang babae ka! Ikaw ang gumagawa ng story hindi kami! Miss! She's lying. Don't believe her!" sabat ko.

"No, Miss! Believe us! We're not lying!" sabat naman nung isa pang alipores ni Claire na mukha namang kokak.

"Girls! Girls! Ano ba?! Hindi natin maaayos ang gulong ito kung puro sigawan at sagutan lang ang mangyayari." awat ng counselor.

"Miss ganito po kasi ang nangyari, si Andy po kasi nakakita ng piso. So, pinulot niya po iyon. Eh sakto naman pong nasa likod ni Andy si Claire na busy sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Hindi niya napansin si Andy kaya iyon parehas silang natumba sa sahig. Nagsorry naman po si Andy pero tinawag niya pong stupida, bitch at tatanga-tanga si Andy. Kaya pinagtanggol lang po ni Maddie." paliwanag ni Leen. Napatango-tango naman ang guidance counselor namin.

"So, ang pagtatanggol ba na sinasabi niyo ay ang pagsisimula ng gulo against them?" tanong ng guidance counselor namin.

"Yes, Miss but--" mag-eexplain pa sana si Leen nang sumabat si Claire.

"See? Inamin din nila Miss! Sila ang nagsimula ng gulo!"

"Because you insulted, Andy!" sigaw ni Maddie at padabog na tumayo. Padabog din namang tumayo si Claire.

"Dinumihan niya ang uniform ko!" sigaw ni Claire.

"Simpleng pagpag lang naman gagawin mo diyan ah? Bakit kailangan mo pa siyang insultuhin at itulak?!" sigaw ni Maddie pabalik.

Tumayo na din ako at sumabat.

"Saka haler, you deserve it anyway. Cheap naman yang uniform mo ano pang kinakagalit mo?"

"Girls! Stop! Okay? Stop!" pagpipigil ng guidance counselor namin. Nag-irapan na lang si Maddie at Claire saka umupo na. Sinamaan akong tingin ng mga alipores ni Claire. I did the same.

"Since you and your group started it Miss Dimaculangan kayo ang makakatanggap ng punishment." sabi nung guidance counselor. Nanlaki ang mata ko. I can't believe this dinosaur. She believed Claire's nonsense?

"What?! But Miss hindi kami ang nagsimula ng gulo!" sagot ni Maddie.

"Oo nga, Miss! Hindi pa ba sapat ang explanation ko? Hindi po ba malinaw na sila ang nagsimula at hindi kami?" katwiran ni Leen.

"Enough na ang explanation niyo Miss Alcantara. At malinaw na malinaw sa akin na kayo ang nagsimula ng gulo. Kaya nga kayo ang makakatanggap ng punishment."

"But, Miss--"

"No, buts. Second offense niyo na ito Miss Alcantara. Kung na-detention kayo nung first offense, ngayon naman ay kailangan niyong linisin ang girls restroom." And yep. Nagkaroon na kaming apat ng first offense. Nagvandalism kami sa girl's restroom. Well, actually ako talaga nagsusulat doon sa salamin ng lipstick. Nakita lang ako ng malditang Claire na iyon tapos sinumbong ako. Syempre, knowing Maddie. She'll start the fight. Lalo na pag kami mga kaibigan niya ang nadehado.

"What?!" sabay na sigaw naming apat. This dinosaur sarap ingudngod sa desk niya. Me? A Monteclara? Will clean a restroom?

"You've heard me, girls. You'll clean the girls restroom as a punishment to this misbehaviour. At kapag umabot pa kayo ng third offense ay wala na akong choice kungdi i-kick out kayo sa school na ito. Understand?"

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon