Louise's POV
Kasalukuyan akong nag-aayos ngayon. Suot ko na din ang dress na binili ko kanina lang sa mall. I'm getting ready for the date. Simpleng plain black off-shoulder dress ang suot ko at beige stiletto. Dahil five-star restaurant daw ang meeting place sabi ni Dad ay kailangang medyo formal ang suot ko.
Nang matapos akong magmake up ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Napangiti na lang ako. I should be happy. I should forget Ethan. Mukhang kinalimutan niya din naman ako eh.
Napatayo ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Come in!" sabi ko kaya nga bumukas ang pinto. Pumasok si Dad tapos nakangiti siyang pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.
"What do you think Dad? Bagay ba?" tanong ko at umikot pa para makita niya ang dress na suot ko nang maayos. Nakangiting tumango si Dad.
"You're pretty hija. Any dress suits you." sabi ni Dad.
"Thanks, Dad." nakangiti kong sabi.
"Ang bilis pala talaga ng panahon. Parang kailan lang eh kinukulit mo si Daddy para bilhan ka ng doll. Look at you now. You're a grown up already. You're not a baby anymore."
"Dad. I'm still your baby." sabi ko at yumakap sa kaniya. Yeah. Nagkaayos na kami ni Dad. Nanghingi akong sorry sa kaniya kasi narealize kong mali ako dahil masyado akong nagpadalos-dalos sa emosyon ko.
"Sige na. Tama na drama at baka mahuli ka sa date mo. Naghihintay na ang driver sa labas para ihatid ka sa restaurant na nireserve ng anak ng kumpare ko. Text me kung magpapasundo ka na sa driver. Be good ha?" bilin ni Dad.
"Yes, Dad. Thanks." sabi ko at saka lumabas na ng bahay at sumakay sa kotse.
Nang makarating na ako sa restaurant ay agad akong pinagbuksan ng pinto ng driver kaya bumaba na ako.
"Manong, I'll just text my Dad kung anong oras ako magpapasundo ha?" bilin ko sa driver. Tumango na lang ito at saka umalis na. Ako naman ay dumiretso na sa loob ng restaurant.
Pinagbuksan ako ng staff ng pinto kaya pumasok na ako. Inobserve ko ang buong resto. Walang tao sa loob dahil nireserve ito ng anak ng kumpare ni Dad para lang sa date namin.
Pinaghalong gold and off white ang theme ng resto. Dito pa lang ay halata ngang mayaman ang sinasabi ni Dad. I'm sure this resto costs fortune.
Nakangiting lumapit sa akin ang lalaking naka-uniform. Mukhang manager ng resto na ito.
"Goodevening, Miss Monteclara. This way po." sabi nito sabay inilahad ang isang direksyon. Agad naman binuksan ng staff nila ang door doon na I think papunta sa garden? Pumunta naman ako doon. Pagkalabas ko ay isinara na ng dalawang staff ang pinto. Hindi na din sumunod ang manager.
Nakaapak ako ngayon sa isang red carpet. Napatingin ako nang makita ang nakasaboy na rose petals doon na mukhang patungo kung nasaan man ang date ko ngayon. Kaya nga dahan-dahan akong naglakad at sinundan ang mga rosas na nakasaboy.
Hanggang sa mapadpad ako sa isang parte ng garden kung saan may gazebo. Doon nakaset ang table for two. Hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng setting. Dahil yung paligid ng gazebo may fairy lights tapos sa tabi ng gazebo meroong pond. Kung saan may floating candles. Sa mga puno may nakasabit na lanterns kaya lalong nagmukhang maliwanag ang paligid. Napangiti ako.
Talagang nag-effort ang ka-date ko dito ha infairness?Napatigil ako nang biglang may nagstrum ng guitar.
(Ngiti by Ronnie Liang)
Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Roman pour AdolescentsTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)