Maddie's POV
Ikakasal na si Mom at Tito Derek bukas. At nandito kami ngayon sa isang beach resort naka check in. Beach wedding kasi pinlano nila Mom na kasal. Kaya dito kami nagstay.
"May contact ka pa ba kay Leen?" tanong ni Louise sa akin. Umiling ako.
"Last month pa ang huling usap namin." sagot ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko macontact si Cyleen. Kahit facebook account niya or any social media accounts niya ay hindi ko din mareach.
"Hindi naman kaya binlock tayo?" tanong ni Louise.
"Bakit naman gagawin ni Leen iyon?" taas kilang kong tanong.
"I dunno. Maybe her Mom did it. Or baka kinumpis phone niya ganon?" sagot ni Louise.
"Eh paano yan? Hindi na natin macocontact si Leen? Ang layo niya na nga wala pa tayong contact sa kaniya." sabi naman ni Andy. Napabuntong hininga naman ako.
"Why don't we ask her Mom? If ano number ni Leen doon. For sure naman may contact siya." suggest ni Louise.
"As if naman ibigay non? Paniguradong alam na non na half-brother ko na si Gian kasi ininvite din siya ni Mom sa wedding." sagot ko. Binigyan din kasi siya ni Mama ng invitation pero mukhang walang balak pumunta.
"Wala naman sigurong mawawala kung magttry tayo?" sabi ni Andy. May point naman siya.
"Osige, pagkauwi'ng-pagkauwi natin puntahan natin sa bahay nila." buntong hininga ko. Nagthumbs up na lang sila.
Nandito kami ngayong tatlo sa isang room na binayaran ni Mama. Lahat kasi ng mga kasama sa kasal niya like bridesmaids and groomsmen eh pinagrent ng room dito sa resort. Hindi pa kami inaantok nila Louise kahit na 10 o'clock na ng gabi kaya nanood muna kaming movies sa tv. Pero napatigil kami nang biglang may kumatok sa pinto namin.
"Who's there?" tanong ni Louise.
"Si Drex ito." nang marinig ni Andy ang boses ni Drex ay agad niya itong binuksan.
"Uy, Drex. Bakit?" bungad niya.
"Guys, help. Si Gian kasi nagwawala doon sa may bar. Lasing." sagot ni Drex. Nagkatinginan naman kami nila Louise.
"Ano?" sagot ko tapos sumama na kami kay Drex papunta doon sa bar na malapit sa entrance ng resort.
Nang makarating kami doon, naabutan namin si Gian na nagwawala doon. Nagsisisigaw at nagbabasag ng kung anu-ano. Pinipigilan na din siya doon ng mga securities. Agad ko naman siyang nilapitan.
"Ano ba Gian?!" sigaw ko kaya natahimik siya at napatingin sa akin.
"Hahaha! Maddie. Ikaw pala. My stepsister. Ang kaibigan ng babaeng nang-iwan sa akin. Cheers!" sabi niya sabay akto'ng tutunggain ang alak nang kunin ko sa kaniya ang bote at inilayo sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?" inis kong tanong.
"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikita? Nagsasaya ako!" tawa niya pero halata namang peke.
"Ethan bakit na naman naglasing ito?" tanong ko. Kasi medyo naging ayos naman na siya nitong nagdaang mga araw.
"Eh kasi Maddie galing kasi siya kanina ulit sa bahay nila Leen." sagot ni Ethan.
"Tapos?" tanong ko.
"Sinabi ng Mom ni Leen na tigilan na ni Gian si Leen dahil may boyfriend na daw si Leen sa France." pagpapatuloy ni Ethan.
"Ano? Totoo ba iyon? Baka naman niloloko lang siya ng nanay ni Leen para saktan siya." sagot ni Louise.
"Hindi namin alam. May inabot kasing sulat si Leen para kay Gian. Na iyon nga, na wag ng umasa si Gian dahil nakahanap na siya ng iba." sagot ulit ni Ethan.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)