Maddie's POV
Naisip naming mag-outing ngayon. Dahil tutal nakauwi naman na si Eirol at bakasyon na. Si Louise ang nag-aya na sa beach resort na lang daw nila para wala na kaming gastos. Pati food daw ay doon na dahil nakapagsabi na daw siya kay Dad niya.
Nang makarating kami ay agad kaming hinatid ng staff sa room ni Louise tapos yung boys sa presidential suite. Dibale kaming mga girls sa isang kwarto tapos sa kabila ang boys. Pinilit sumama nila Eirol si Gian pero hindi ito sumama. Kaya anim lang kami ngayon.
Nang makapasok na kaming girls sa room ni Louise which is ang tutulugan namin ay tumambad ang isang texas king sized bed. At oo, may sariling kwarto dito si Louise sa beach resort nila. Para kapag naisipan niyang magpunta dito ay meron siyang magandang room na tutulugan. Bilang siya ang kaisa-isang prinsesa sa kanila. Hahaha!
"Wow, ang laki ng kama!" bulalas ni Andy sabay sumampa sa kama at nagtatalon. "At ang lambot!" dagdag pa niya habang wala pa ding tigil kakatalon doon.
"Ayos ah? Matagal na huling punta mo kamo dito pero ang linis ng kwarto." sabi ko habang inoobserbahan ang paligid.
"Well, syempre Dad ordered the staffs to clean my room pagkasabi kong pupunta tayo dito." sagot ni Louise habang chinecheck ang banyo. Nakita kong may naka ready ng bathrobes and toiletries na nakalagay ng maayos sa isang basket.
"I'm gonna shower lang saglit. Kapag may kumatok na staff pagbuksan mo." bilin niya sabay kumuha sa basket ng toiletries at bathrobe saka pumasok na sa banyo. Napatingin ako kay Andy na nakahiga ngayon doon sa kama at gumugulong-gulong naman. Biglang may kumatok, kaya gaya ng sabi ni Louise ay pinagbuksan ko ito. Pumasok ang isang staff na may tulak na cart na may mga pagkain. Isa-isa niya itong inilapag sa mesa. Si Andy naman ay mabilis pa sa alas kwatrong nakaupo agad doon sa mesa. Napailing-iling na lang ako.
Nang makalabas ang staff ay naupo na din ako sa tapat ni Andy. Bumungad sa akin ang waffles, bacon, hotdogs, sunny side up, fried rice, ham, tocino at toasted bread na may tatlong klase ng jam bilang palaman. May kasama na ding orange juice for drinks.
"Waaah! Ang dami! Heaven!" bulalas ni Andy sabay nagsimula ng kumain. Hindi pa kasi kami nagbreakfast. Sabi kasi ni Louise dito na lang daw kami magbreakfast at magpapahanda daw siya. Kaya ito.
"Ang chaarap! Dyito na lang chayo chumira." sabi ni Andy habang puno'ng-puno pa ang bibig. Inirapan ko na lang dahil nagtatalsikan pa yung kanin sa bibig niya. Salaula talaga. Tsk.
Ilang saglit pa ay lumabas na si Louise. Naka swimsuit na siya pero may doble siyang shorts at see-through blouse. Lumapit siya sa amin at naupo na sa gilid ko. Waffles at juice lang ang tinira niya.
"Ang dami naman ng pinaserve mong breakfast. Tatlo lang naman tayo." sabi ko.
"Tatlong tao equivalent ni Andy." tawa niya sabay nguso kay Andy na halos maubos na yung isang platong fried rice. Natawa na lang kaming dalawa.
Nang mayari kami kumain nagshower na din ako at nagpalit ng rash guard ko na croptop saka shorts. Si Andy ang sumunod sa akin magshower. Naka rash guard swimsuit naman siya.
Nagsuot muna si Louise ng summer hat at sunglasses saka siya nag-ayang lumabas na at pumunta sa beach. Pagkadating namin doon ay nandoon na sila Eirol. Nagtatampisaw. Naka board shorts silang tatlo. Si Ethan topless, si Eirol nakasando, tapos si Drex naka plain shirt na white. Naglakad kami papunta sa kanila. Nang matanaw nila kaming tatlo ay napatigil sila. Napatitig sila sa amin. As in hindi sila kumikibo. Nakatitig lang sila.
"O bakit ganiyan kayo makatingin sa amin?" taas kilay kong sabi sa kanila. Sumipol naman si Ethan sabay lapit kay Louise. Tapos si Andy patakbong lumapit kay Drex. Ako naman ay naupo sa lounger at nagsimula ng mag-apply ng sunblock sa buong katawan ko. Naupo naman si Eirol sa sun lounger na katabi ko at pinagmasdan ako. Kaya tinaasan ko siyang kilay.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)