Drexler's POV
Maaga akong nakapasok ngayon sa school as usual. Ako naman laging nauuna pumasok. Normal na sa aking maabutang walang tao dito sa room.
Naupo ako sa pwesto ko at inayos ang gamit ko. Nang mapansing wala ang libro ko sa filipino.
"Baka naiwan ko sa locker." sabi ko sa sarili ko at akma na sanang lalabas ng room ng saktong paglapit ko sa pinto ay siya namang pag-untog nito sa akin. Napaatras ako dahil doon at napahawak sa noo kong tumama sa pinto.
"Hala! I'm so sorry. Hindi ko sinasadya." nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko sa harapan ko yung babaing nakita ko noon na kumakain ng cheetos. Kaibigan nung babaeng kinukulit ni Eirol.
"O-Okay lang ako." sabi ko at inayos ang sarili ko.
"Sure ba? Mukhang nasaktan ka yata eh. Napalakas tulak ko sa pinto. Akala ko kasi walang tao. Sorry. Sorry. Gusto mo samahan kita sa clinic?" sabi niya.
"Ah, No. I'm fine. You don't need to."
"Sure ka ba? Baka mamaya kasi magkabukol ka. Huhu." sabi niya sabay napapout. Natawa naman ako mukha niya. Kaya nagtaka siya.
"Hala! Mukhang malakas yata talaga pagkakauntog mo. Nabaliw ka na. Huhu. Sorry." sabi niya na parang paiyak na. Natawa lang ako lalo.
"No, I'm fine really. No need to worry." sabi ko.
"Eh bakit ka tumatawa?" tanong niya.
"Wala lang. Ang childish mo kasi." sabi ko. Napapout ulit siya.
"Hindi kaya." sabi niya saka inilapag ang bag niya sa pwesto niya. Kinuha niya ang isang chichirya sa bag niya at nilantakan iyon.
"Ako nga pala si Drex." sabi ko. Tumango naman siya.
"Selena Andrea. Pero Andy na lang." sagot niya naman. Tumango na lang din ako.
"Ahh. Sige, Andy uhm. Maiwan muna kita at may kukunin lang ako sa locker." sabi ko. Nag-thumbs up na lang siya saka tinuloy ang pagkain niya.
Saktong pagkakuha ko ng filipino book sa locker ko ay nakasalubong ko si Eirol. Sinusundan niya yung babaeng crush niya.
"Ano ba di mo ba ako titigilan?" inis na hinarap siya nung Maddie.
"Hindi eh." nakangising sabi ni Eirol. Tinadyakan siya ni Maddie sa kanan niyang tuhod kaya napadaing siya.
"Ang sakit non ah? Sige isang sipa pa makikipagdate ka sa akin ulit." banta ni Eirol pero di natinag si Maddie. Sinipa ulit siya kaya napadaing ulit siya.
"Sige! Isa pa talaga papakasalan na kita." sagot ni Eirol. Nainis naman si Maddie at agad nag-walkout. Susundan niya pa sana kaso sumigaw si Maddie.
"Wag kang susunod ungas ka! Malilintikan ka talaga sa akin." banta nito kaya napataas na lang ng dalawang kamay si Eirol as a sign of defeat. Napailing-iling na lang ako. Sakto namang napansin niya ako.
"Oy, Drexy. Aga as always." sabi niya.
"Binibwisit mo na naman si Maddie." sabi ko.
"Well, I like making her pissed." sabi niya sabay ngumiti. Tapos inakbayan ako.
"Let's go to the classroom." aya niya kaya nga sabay na kaming nagpunta sa room.
Lumipas ang ilang minuto ay dumating na din si Ethan. Pero busy ito sa cellphone niya. Na ikinataka namin. Dahil dati hahawakan niya lang ang cellphone niya para tignan ang oras or sagutin ang text or calls ng parents niya or namin. Never niyang hinawakan ng matagal ang cellphone niya. Ngayon lang talaga.
Kaya nga itong baliw na si Eirol dahan-dahang sinilip yung cellphone ni Ethan at tinignan kung anong pinagkaka-busy'han ng tao.
"Aha! Sabi na eh!" sigaw ni Eirol. Nagulat naman si Ethan.
"Kachat niya si Lo--" hindi natuloy ni Eirol ang sasabihin niya dahil agad tinakpan ni Ethan ang bibig niya para patahimikin.
Nang kumalma na si Eirol ay binitawan niya na ito dahil sakto na din namang dumating ang filipino teacher namin.
"Kachat niya na si Louise. Nagkakaigihan na sila." bulong sa akin ni Eirol.
"Talaga?" sagot ko sa mahinang tono para hindi kami masita ng teacher.
"Oo. Ayos nga eh. May kinahinatnan ang kagaguhan ko. Hahaha!"
"Talo ka pa baliw. Sila may progress na. Kayo ni Maddie mo wala pa." pang-aasar ko.
"Hintay ka lang. Makikita mo. Maiinlab din sa akin yang si Maddie. Sa gwapo kong ito? Tsk." sabi niya at nagpogi sign pa. Napailing-iling na lang ako. Kakaiba talaga self-confidence nitong loko.
"We're gonna have a group activity. So dahil 24 kayong lahat. I'm gonna divide you into 3 groups. Compose of 8 members. I'll let you choose kung sinong magiging groupmates niyo." explain ng teacher namin. Agad namang nagtaas ng kamay si Eirol.
"Yes, Mr. Cabrera?"
"Miss, I have a group already. Kami pong walo." sabi niya sabay turo sa aming apat na magkakaibigan at sa grupo nila Maddie. Knowing Eirol. Gagawin niya talaga ang lahat.
"Okay, then. Select your leader and list down the group members. Ipasa niyo sa akin ang listahan na nakalagay sa 1/4 sheet of paper."
"Aye! Aye! Miss." sabi ni Eirol sabay humarap sa amin na nakangiti.
Nang maipasa na namin ang 1/4 ay nag-explain na ang teacher namin kung ano ang gagawin na project. Si Cyleen ang napili naming leader. Dahil sabi ng mga kaibigan niya honor student daw. Kaya iyon na nga ang pinili namin.
"You'll gonna make a poster about Noli Me Tangere. In a 1 whole size illustration board. At the back of the illustration board, you will indicate an explanation about your poster. To be pass on Monday next week. Late submission will have deduction. Understand?"
"Yes, Miss." sagot ng klase.
"Okay, then. Class dismissed. I'll give you time to talk with your groupmates." sabi ng teacher at saka umalis na.
"So, ano balak guys?" tanong ni Leen.
"Ikaw leader di ba? Bakit hindi ikaw magplano?" masungit na sabi ni Gian. Ito talaga. Minsan na lang magsalita. Ganon pa. Hahaha!
"Kaya nga tinatanong ko kayo di ba? Baka may suggestion kayo." sagot naman ni Leen.
"Kila Maddie tayo gumawa!" masayang sabi ni Eirol.
"Anong sa amin? Ayoko nga!" sagot agad ni Maddie.
"Sige. Kila Maddie tayo tomorrow." sagot naman ni Leen. Napatingin naman si Maddie sa kanya.
"Ha? Bakit sa amin pa?"
"Alam mo naman. Bawal sa amin. Saka hindi naman tayo pwedeng sa isa sa kanila. Alam mong di ako papayagan." pag-eexplain ni Leen.
"Kila Andy! Sa inyo na lang Ands." sagot ni Maddie.
"Pwede naman. Kaso wala sila Mama bukas eh. Aalis sila. Kaya iyon hindi pwede. Hehe." sagot ni Ands. Tumingin naman si Maddie kay Louise.
"Oh? Bawal sa amin. You know that. Ayaw ni Dad naiistorbo." sabi naman ni Louise. Napabuntong hininga naman si Maddie.
"Okay! Fine! Sa amin na. Tsk." sagot ni Maddie at nagcrossed arms.
"Okay, guys. Tomorrow kila Maddie. After lunch. Mag-gagawa na lang akong group chat mamaya para doon natin mapag-usapan ang iba pang details." sagot ni Leen. Nag-agree na lang kaming lahat. At saka umayos na ng upo dahil dumating na ang next subject teacher.
***
(Drex's photo on the gallery...)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)