Eirol's POV
"Brad, hindi pa ako inaaccept nung Maddie sa facebook." sabi ko kay Ethan. Nandito kami ngayon sa bahay nila para tumambay.
"Baka di ka trip. Tigilan mo na kasi. Halata namang walang interes sa iyo yung tao." nakangising sabi ni Ethan.
"Ewan ko ba? There's something special about that Maddieson eh. Di ko siya magawang tigilan." sabi ko. Oo inaamin ko ang lakas talaga ng trip ko nung unang beses na makita namin sila. Ganon naman kasi talaga ako eh. Pero kakaiba itong si Maddie sa lahat ng babaeng nakikita ko. Bukod sa maganda siya. Ang cute niya kapag nagsusungit siya. Hahaha! Kaya tuwang-tuwa akong asarin siya.
"Tinamaan ka lang eh. Hahaha! Na-love at first sight." sabi ni Ethan.
"Baka nga. Ganda eh brad." kibit balikat ko. Natawa naman siya sabay napailing-iling.
"Who's that girl na medyo conyo? What's her name again?" biglang tanong ni Ethan. Napaisip naman ako.
"Who?"
"Yung panay pagpapaganda." tanong niya. Ako naman ang napangisi. Mukhang natipuhan ni gago yung Louise ah?
"Ahh. Yung Louise ba?" tanong ko.
"Yeah. That's her." sabi niya.
"Trip mo brad?" nakangisi kong sabi.
"Well, she's pretty. Kaso maarte." sabi niya. Hmm. May naisip tuloy akong kademonyohan. Bakit hindi ko ipush itong kaibigan kong si Ethan kay Louise para naman may kasa-kasama ako kapag pupuntahan si Maddie.
"Nako, pre. Sunggaban mo na iyan. Mukhang magkakasundo kayo." sabi ko. Na itinutulak siya kay Louise.
"Me and that girl? I don't think so. Ayoko sa maarte. Maganda siya. I like her beauty pero I don't like the attitude. Wait guys kuha ko lang kayong maiinom." sabi ni Ethan saka tumayo at nagtungo papunta sa kusina. Bigla namang may gumuhit na ngiti sa labi ko nang makita ang cellphone ni Ethan. Eh itong mokong na ito hindi mahilig maglagay ng password. Mwahaha!
"Ano na namang binabalak mo Eirol?" tanong ni Drex.
"Well, I'm gonna play the role cupid." nakangisi kong sabi. Napailing-iling na lang si Drex.
Agad kong sinearch ang facebook account ni Louise. Tapos agad akong nagsend ng friend request. Ilang segundo lang ay inaccept na iyon agad. Hmm. Mukhang umaayon sa akin ang tadhana.
At dahil nga inaccept na ni Louise ang friend request ni Ethan este friend request ko ay agad ko itong chinat. Sakto online siya. Hehe.
Me: Hi. Thank you for accepting my friend request.
Louise: Yeah, you're welcome. Maliit na bagay.
Me: Can I invite you tomorrow?
Sineen ito ni Louise. Akala ko di na magrereply pero nagreply din naman pala agad.
Louise: Where? And for what? Are we close?
Me: Well, that's why I'm inviting you. So that we can be close. Alam kong hindi naging maganda ang unang impression natin sa isa't-isa.
Napahalakhak naman ako sa kagaguhan ko. Wala ka ng takas Ethan. Mwahaha! Hindi na nagreply si Louise kaya agad ulit akong nagtipa ng message.
Me: Don't worry, you can bring your friend Maddieson with you kung naiilang ka pa.
Louise: Why Maddie? Hindi naman kaya si Maddie ang pakay mo talaga? Bakit hindi siya ang ichat mo?
Tsk. Si Maddie talaga pakay ko oy! Sadyang di pa talaga inaaccept friend request ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/22309706-288-k283273.jpg)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)