Cyleen's POV
Naipatanggal ko na ang simento ko sa paa kahapon. Kaya medyo naginhawaan na ako kasi wala ng mabigat. Saka hindi na din ako magsasaklay finally. Noted to myself. Never climb a scaffolding again.
Kasalukuyan ngayong dinidiscuss ng adviser namin ang gaganapin na prom. Sa kalagitnaan daw kasi ng taon dinadaos ng Eastwell ito dahil ito yung gusto ng may-ari.
"So the theme of our upcoming js prom is 'The Night of Mystique'. Meaning, it is recommended for you to wear a masquerade mask. There's no particular color na ipapaano sa inyo kaya kayo na ang bahala kung anong gusto niyong gown. Strictly long gowns only girls. No cocktail dresses. And for boys, tuxedo." sabi ng adviser namin.
"Are we gonna choose a partner, Miss?" tanong ng kaklase ko.
"Well, no. Kung sino lang ang maaya niyo doon. Iyon ang makakasayaw niyo. Para fair sa lahat. Kasi I'm sure hindi lahat magkakaroon ng partners. Pero kung gusto niyo talagang maipartner ang kakilala niya It's up to you." explain ng adviser namin.
"Can we invite outsiders?" tanong ng isa ko pang kaklase.
"Yes. You can. But make sure to get an entrance permit for your partner." sagot ng adviser namin.
"This is unfair for me. Gusto ko kami lang ang magpartner ni Ethan sa gabing iyon." nakapout na sabi ni Louise.
"Edi wag mo lubayan buong gabi. Para hindi mawala sa paningin mo. Tss." sarkastikong sabi ni Maddie. Nagbibitter na naman kasi wala si Eirol. Hahaha!
"Good idea! Thanks." sabi ni Louise na hindi man lang natunugan na sarkastiko ang pagkakasabi ni Maddie.
"Tanga ka talaga kahit kailan." sabi ni Maddie sabay irap. Pero hindi na siya pinansin ni Louise dahil busy ito kakaisip tungkol sa upcoming prom. Napailing-iling na lang ako sa dalawa.
"Sa designer ko tayo magpagawa ng gowns ha? Ball gown ba tayo or mermaid gown? Oh! Tapos shopping na din tayo ng bagong shoes. Tapos bagong jewelries. And make ups. And purse." excited na sabi ni Louise.
"Manahimik ka muna pwede? Next month pa ang prom. Wag kang oa." sagot ulit ni Maddie.
"Duh? Magpapagawa tayo ng gown. Hindi tayo magrerent. Gosh. Malay mo ba kung sinong huling nagsuot non. Mamaya may galis. Eww. Saka a month kaya aabutin bago matapos ang gown sis. Kaya kailangan kausapin na natin ang designer ko bukas agad." sabi ni Louise. Napairap na lang si Maddie at pumayag na lang kami sa gustong mangyari ni Louise.
After magdismiss ng adviser namin ay dumiretso ako saglit sa locker ko para kunin ang libro ko sa geography. Pagkasara ko ng locker ay saktong sinalubong niya ako.
"Leen." tawag niya sa akin. Sapat na para mapatalon ang puso ko. Aalis na sana ako at hindi siya papansinin pero hinawakan niya ako sa braso kaya napalingon ako sa kaniya. Nakita ko ang mga lungkot sa mga mata niya.
His Dad texted me. Pinapabalik na ako as his tutor. Pero hindi ako pumayag. Ayoko ng tanggapin iyon dahil natatakot akong mapalapit pa lalo kay Gian. Hangga't maaari ay pinipigilan kong tuluyang magkagusto din sa kaniya. Kasi may nararamdaman na ako sa kaniya ng konti. At ayoko itong magtuloy-tuloy.
"Leen please. Let's talk." sabi niya sa malumanay na boses. Napabuntong hininga naman ako.
"Ano pang kailangan natin pag-usapan Gian? Akala ko ba okay na yung huling usap natin?" tanong ko. Sinunod niya ang sinabi ko actually. Ilang araw niya akong hindi ginambala. Akala ko magtutuloy-tuloy na kasi medyo nagiging ayos na ako. Kaya nagulat ako nang makita ulit siya sa harapan ko ngayon.
"Akala ko din okay na. Pero hindi pala." sabi niya.
"Gian, I told you wala sa isip ko iyang ganiyan kaya please tigilan mo na ako kung iyon lang ulit ang pag-uusapan natin." sabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/22309706-288-k283273.jpg)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)