51: Picnic

23.6K 845 36
                                    

Cyleen's POV

Hinintay ko ang text nila Maddie. Nandito na kasi ako sa labas ng bahay at hinihintay ang van nila Louise. Dala ko na din yung mga nakatoka sa amin ni Gian.

Nang matanaw ko na ang van ay kinawayan ko ito. Tapos huminto ito sa harap ko. Nang bumukas ang pinto ay ingay agad ni Louise at Andy narinig ko. Kaya napangiti ako.

Si Gian naman ay bumaba at binitbit ang mga dala ko. Nilagay niya ito sa may likod ng van kaya nga sumakay na ako at umupo doon sa bakanteng pwesto kung saan yata nakaupo si Gian. Magkatabi kasi si Andy at Drex tapos si Louise at Ethan. Si Eirol kasi ang nagddrive ng van. Samantalang si Maddie nasa frontseat katabi niya.

Pagkasakay ko ay sumakay na din si Gian. Sa tagaytay kasi namin napagpasyahang magpicnic. Sa may picnic grove.

Habang nasa byahe kami nagpapatugtog lang sila Ethan sa speaker niyang dala na sinasabayan naman nila. Natawa na lang ako sa kakulitan nila. Pati si Eirol naki kanta na din kaya natawa si Maddie.

Napatingin naman ako kay Gian nang maramdamang humiga siya sa balikat ko. Naglagay siya ng headphones sa tenga. Tapos nakakunot ang noo na halatang naiingayan kila Louise. Napangisi na lang ako. Siya pa din talaga yung Gian na bugnutin. Hahaha! Hinayaan ko na lang siyang humiga sa balikat ko tapos tumingin na lang sa labas ng bintana at pinanood ang bawat dinadaanan namin.

After ng ilang oras na byahe ay nakarating na kami. Kaya nga isa-isa ng binaba ng boys ang mga dala naming mga gamit. Kami naman nila Louise ay nagsimula ng magbayad ng mga fees like parking fee at picnic huts. Tapos dumiretso na kami sa loob at pumunta sa isang hut na inassign sa amin. Nagsimulang mag-ayos sila Maddie ng mga gamit. At ang mga boys naman ay nag-ikot ikot muna. Napangiti ako sa ganda ng view. Tanaw mo kasi mula dito ang taal lake na talagang napakaganda.

"May zipline daw dito. Tara try natin." excited na sabi ni Louise. Mahilig kasi ito sa mga ganoong bagay.

"Ittry ko talaga iyan." sabi naman ni Andy na pasimple ng kinakain yung mga chichirya na baon namin. Si Maddie naman ay inaayos na yung mga iluluto. Nagdala kasi sila Andy at Drex ng barbecue at hotdogs. Tamang-tama kasi may ihawan naman dito. Kasalukuyang tinutuhog ni Maddie sa sticks ang hotdog ngayon. Kaya nga lumapit ako sa kaniya at tinulungan siya. Si Louise kasi busy na kakapicture. Tapos si Andy kumakain ng chips.

"Nako, yang dalawa talaga na iyan." sabi ni Maddie.

"Hayaan mo na. Parang hindi ka pa nasanay sa dalawang yan." sabi ko.

"Nako, ano kayang gagawin ko kapag wala ka." singhal niya at tumutok na sa ginagawa niya. Bigla ko na naman tuloy naalala yung about sa sinabi ni Dad. Pero nawala ang iniisip ko nang dumating na sila Gian. Nakangiti siyang lumapit sa akin.

"Let me help you." sabi niya at tumulong sa pagtutuhog ng hotdog. Nginitian ko na lang din siya.

"Ako na magpapaningas ng uling." sabi naman ni Eirol at lumapit kay Maddie.

"Guys! Picture tayo dali." sabi ni Louise sabay tapat ng phone niyang naka-monopod ngayon. Kaya nga napahinto kami sa lahat ng ginagawa namin at ngumiti sa camera. After ng ilang shots ay bumalik na kami ulit si ginagawa namin. Napatingin kami kay Eirol na biglang humalakhak. Iyon pala pinahiran niya si Ethan ng uling sa pisngi. Kaya nga iyon hinabol ni Ethan si Eirol na para silang mga bata. Natawa na lang kami sa kakulitan nilang dalawa na naghahabulan ngayon.

"After maluto lagyan ko ng marshmallows ang hotdogs. Hihi!" sabi ni Andy sabay pakita ng isang pack ng marshmallows. Tapos bumalik na sita sa pagkain ng chips habang nakikipagkwentuhan kay Drex.

Nang matapos na ang ginagawa namin ni Gian ay nagsimula ng mag-ihaw si Maddie ng barbecue at hotdogs. Maya-maya ay bumalik na sila Eirol at Ethan. Parehas may uling sa mukha. Napangiti naman ako nang makitang balak nila target'in si Gian na tahimik ngayong nagcecellphone. Nagtiptoe silang dalawa palapit kay Gian sabay parehas nila itong hinilamos ang mukha nito gamit ang kamay nilang may bahid ng uling. Natawa naman ako nang makita ang mukha ni Gian.

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon