Maddie's POV
Nabigla ako sa sinabi ni Leen na sila na ni Gian. Di ko kasi halos akalain na magkakatuluyan sila. Ano bang nangyari kay Leen? Bakit parang ang bilis naman yata.
Dito ako dinala ng mga paa ko sa likod ng school. Umakyat ako sa puno. Wala akong pake kung naka-skirt ako ngayon. May cyclings naman ako. Tumingala ako sa kalangitan. Nakita ko ang mga ulap. Napangiti ako.
Ilang saglit lang ay dumating si Eirol. Hinihingal siya. Dahil siguro sa pagtakbo nang sundan niya ako. Napatingala siya sa puno. Kaya nakita niya ako.
"Anong ginagawa mo diyan Maddie?" kunot noo niyang tanong.
"Pakialam mo ba?" masungit kong sabi. Sumunod naman siya sa akin. Dahan-dahan din siyang umakyat sa puno at naupo sa sanga sa may kabilang side. Napatingala din siya sa kalangitan gaya ko.
"Grabe no? Expect the unexpected ika nga." sabi niya na alam kong tinutukoy niya sila Gian at Leen. Oo. Kahit ako talaga hindi ko lubos maisip na magiging sila.
Napatingin ako kay Eirol. Nakangiti siya habang nakatingin pa din sa langit. Hindi ko alam na seseryosohin niya ng ganito ang sinabi ko noon. I didn't mean it really. Sinabi ko lang yon noon para matahimik siya. Hindi ko alam na tatatak sa kaniya. Ganon niya na ba talaga kagusto na sagutin ko siya? Talaga bang masyado ko ng pinapatagal ang pagpapaligaw sa kaniya? Naiinip na ba siya? Hindi kaya magsawa siya kapag pinatagal ko pa lalo?
Aminado naman ako. Na gusto ko na din siya eh. Kaya ayokong sumuko siya sa panliligaw. Ayokong magsawa siya. Hindi ko naman talaga gustong patagalin or pahirapan siya. Hindi ko lang talaga alam kung paano ko siya sasagutin. Kasi siya ang unang lalaki na hinayaan kong pumasok sa buhay ko. Siya din ang magiging first boyfriend ko kung sakali.
"Alam mo. Sa tuwing titingin ako sa langit. Napapangiti ako." sabi ko. Napansin ko sa peripheral view ko na nakatitig siya ngayon sa akin.
"Kasi, nakakagaan sa pakiramdam. Bughaw ang langit tapos kulay puti ang mga ulap. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay pakiramdam ko nasa nga ulap ako. Dahil doon, nakakalimot ako saglit sa mga bagay na bumabagabag sa akin. Gaya ng Papa ko." nakangiti kong sabi. Hindi siya nagsalita. Pero alam kong nakikinig siya kaya ipinagpatuloy ko.
"Simula kasi ng iwan niya kami ni Mama halos kalahati ko ang nawala sa akin. I hate him for leaving us. Sana kung hindi niya kami iniwan ay may Papa pa akong matatawag ngayon. Pero mas pinili niya yung babae niya over us. Hindi ko alam na may ganon pa lang klaseng ama. He promised me. That he will never leave me. Pero sinira niya iyon. He lied to me, Eirol." sabi ko. Pinigilan ko ang mga luha na nagbabadyang tumulo sa aking mga mata. Ayokong isipin ni Eirol na ganito ako ka-fragile sa ganitong usapan.
"That's why I promised to myself na I will never let any guy to enter my life again. Kasi yung mismong lalaking akala ko kakampi ko ay iniwan ako. I have trust issues after that. Hirap akong magtiwala sa mga lalaki. Pinapakita ko ang masungit kong side para lumayo sila. Pero iba ka sa kanila. Kahit na sinusungitan kita eh hindi mo ko nilayuan. Pinagtiyagaan mo ako. Itong ugali ko." sabi ko at lumingon ulit sa kaniya.
"Why are you saying this to me, Maddie?" nagtataka niyang tanong.
"I'm opening up to you, Eirol. This is the first time na mag-oopen up ako sa isang lalaki. Kasi hindi talaga ako nagtitiwala sa mga lalaki." sabi ko.
"So, do you mean--you trust me?" tanong niya. Marahan akong tumango. Yes. I trust you. Like how I trusted my father before.
"I want to tell you everything about me. Gusto kong maging transparent sa iyo. Gusto ko wala na akong anumang tinatago sa iyo. Because Eirol--" napatigil ako at tumingin sa mga mata niya.
"Because?"
"Sinasagot na kita, Eirol." sagot ko. Napatigil naman siya. Para siyang nabigla.
"Look, Madds. If tungkol ito kila Gian kaya mo ako sinasagot I will not accept that. Gusto ko sagutin mo ako kasi gusto mo at ready ka na. Hindi dahil sa nangyari ang sign na sinasabi mo. Mas mahalaga pa din sa akin amg sarili mong desisyon." seryoso niyang sabi.
"I can wait until you're ready, Maddie. Because I know It'll be worth it." dugtong niya saka binigyan ako ng isang ngiti.
"No, Eirol. Hindi ito tungkol kila Gian at Leen. This is just about me and you. Matagal ko na din naman itong pinag-iisipan. And I think It's time to give you an answer. This is already my own decision Eirol. I have already decided. I'm ready to take this relationship to a whole new level." nakangiti kong sagot. Nakita ko namang nagliwanag ang mukha niya.
"R-Really?" tanong niya na tila di talaga makapaniwala. Tumango ako.
"G-Girlfriend na kita?" tumango ulit ako.
"YEHEY! WOO!--AHHH!" dahil sa saya niya ay para siyang timang na tumalon doon na nakalimutan niyang nakaupo siya sa sanga ng puno. Kaya iyon nahulog si gago. Natawa naman ako nang makitang napadaing siya at humawak pa sa pwet niya. Hahaha! Buti na lang di naman gaanong mataas ang pinag-upuan niyang sanga.
Bumaba na din naman ako puno at nilapitan siya.
"Oh, ano ka ngayon. Yan kasi." sabi ko na natatawa pa din saka inilahad ang kamay ko sa kaniya para tulungan siyang tumayo. Nang makatayo siya ay dinadaing niya pa din ang sakit ng pwet niya.
"Shaket." sabi niya kaya natawa ulit ako.
"Kiss mo nga." sabi niya. Binatukan ko nga. Loko eh. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hinila sa mga bisig niya. Nagpumiglas naman ako pero hindi ako makaalis dahil mahigpit ang pagkakayakap niya.
"Hoy! Bitawan mo nga ako. Baka may makakita sa atin." sabi ko at pilit pa rin siyang itinutulak. Pero makulit talaga eh.
"Eh ano naman? Girlfriend naman na kita." sabi niya. Ewan ko ba pero automatic na napangiti ako nang marinig mula sa mga bibig niya ang salitang iyon.
Bakit parang ang sarap pakinggan?
Wala na akong nagawa at niyakap na lang din siya pabalik. Ang sarap sa pakiramdam. Feeling ko, nabuo ulit ako.
***
(Maddie's photo on the gallery...)

BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)