Cyleen's POV
Ngayon na ako papasok at kasalukuyan akong nag-aayos nang makita ko ang message ni Gian sa screen ng cellphone ko na nandiyan na siya sa labas ng bahay.
Kaya nga kinuha ko na ang saklay ko at lumabas na ng kwarto. Sakto namang lumabas na si Papa sa kwarto nila kaya inalalayan niya ako pababa ng hagdan.
"Sure ka kaya mo na ha?" tanong niya.
"Opo, Pa." sagot ko. Nang makalabas kaming bahay ay sinalubong kami ni Gian. Nagmano muna siya kay Papa bago bumaling sa akin.
"Hijo, alagaan mo itong si Cyleen ha? Baka mamaya eh matumba. Hahaha!" sabi ni Papa kay Gian.
"Papa. Kaya ko na sarili ko." sabi ko kay Papa.
"Opo, ako na po bahala sa kaniya." nakangiting sabi ni Gian at tumingin sa akin.
"Sige, mag-iingat kayo." sabi ni Papa kaya inalalayan na ako ni Gian pasakay ng sasakyan niya. Nang makasakay ako ay kinuha niya ang saklay ko at nilagay sa backseat. Tapos sumakay na din siya.
"Your father is nice. Siya ang laging nagpapatuloy sa akin diyan noong pinupuntahan kita lagi tuwing hapon." sagot niya. Tapos inistart niya na ang sasakyan. Hindi kami nagsasalita buong byahe. Kasi wala naman kaming pag-uusapan.
Nang makarating kaming school ay agad niyang ginarahe ang kotse niya at saka dali-daling bumaba ng sasakyan para umikot sa side ko. Kinuha niya ang saklay ko sa backseat sabay pinagbuksan akong pinto. Kinuha ko ang saklay sa kaniya saka dahan-dahang tumayo. Aalalayan niya sana ako nang tanggihan ko.
"Hindi na. Kaya ko na. Salamat." sabi ko. Hinayaan niya naman ako. Kaya nga dahan-dahan na akong tumayo at tinukod ang saklay. Kaso biglang nanginig ang katawan ko kaya na-out of balance ako. Sakto namang sinalo ako ni Gian sa mga bisig niya. Napatitig ako sa mukha niya na halos isang dangkal na lang ang lapit sa mukha ko. Nakita ko ang bigla at pag-aalala sa itsura niya. Ramdam ko din ang bilis ng tibok ng puso niya. Dahil siguro sa muntik na akong bumagsak.
"Sabi ko naman sa iyo tulungan na kita eh." sabi niya at saka inalalayan ako patayo. Nang makatayo ako ay nginitian ko siya.
"Thanks." sabi ko. Napabuntong hininga lang siya saka inalalayan na ako papasok ng building.
Nang makarating kaming classroom ay inalalayan niya pa din ako hanggang sa makaupo ako sa pwesto ko. Inilapag niya ang saklay sa may gilid ko.
"Need anything?" tanong niya. Umiling ako.
"Alright. Just don't hesitate to call me if you need anything." sabi niya at umupo na sa pwesto niya. Hindi ko alam kung bakit ganito kaalaga si Gian sa akin ngayon. Well, siguro gusto niya bumawi kasi sinisisi niya sa sarili niya ang nangyari sa akin.
_
Nang recess na ay agad kong kinuha ang saklay ko. Saktong pagkalapit sa akin ni Gian ay ang paglapit din nila Louise.
"Let me help you." sabi ni Gian.
"H-Hindi na. Kaya ko na." sabi ko at agad kinuha ang saklay at tumayo. Luckily hindi naman na ako na-out of balance gaya kanina. Kila Louise ako lumapit at nilagpasan si Gian.
"Let's go?" nakangiti kong salubong kila Louise. Napatingin naman sila sa aming dalawa ni Gian.
"Okay." sagot ni Louise tapos inalalayan nila akong dalawa ni Andy. Nang lingunin ko si Gian ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Sila Ethan at Drex ang kasabay niya ngayon.
"Nag-away kayo?" tanong ni Maddie. Umiling ako bilang sagot.
"Bakit parang iniiwasan mo siya? Kawawa naman siya. Nakita ko mukha niya nung hindi mo siya pinansin kanina." sabi ni Louise. Napabuntong hininga naman ako.
"Hindi naman na niya ako tutor. Bakit pa kami mag-uusap? Hindi naman kami ganon kaclose. Baka mapagkamalan pa kaming lovers at makarating pa kila Mom." sagot ko.
"Alam niya na ba na tapos na pagiging tutor mo sa kaniya?" tanong ni Maddie.
"Hindi pa. Ayokong sabihin kasi ayokong pangunahan ang Dad niya." sagot ko. Natahimik na lang sila after non. Nang makarating kaming cafeteria ay sila Maddie ang nag-order ng pagkain ko. Ako ngayon ang naiwan dito sa table para hintayin sila.
Nang biglang umupo si Gian. Inabot niya sa akin ang isang sandwich at juice. Tatanggi sana ako nang magsalita siya.
"Wag mo tanggihan ang pagkain." sabi niya. Kaya nga hindi na ako umangal at kinain na lang iyon. Nang dumating si Maddie wala siyang dalang pagkain para sa akin. Kasi ang sabi niya kinausap daw siya ni Gian na wag na siyang bumili dahil bibilhan ako ni Gian.
Nang mayari ang recess ay inalalayan ulit ako nila Maddie pabalik ng classroom. Sila Gian ay nauna na sa amin. Dumaan pa kasi kaming apat sa restroom.
"Pwede ba akong makisabay sa iyo mamaya Maddie?" tanong ko.
"Hindi ka ba isasabay ni Gian?" kunot noo niyang tanong.
"Isasabay niya ako kasi akala niya may tutor pa kami mamaya. Pero sasabihin ko sa kaniya sa iyo na lang muna ako sasabay. Sasabihin ko may pupuntahan tayo." sabi ko. Tumango na lang si Maddie. Nang makarating kaming room ramdam kong nakatingin sa akin si Gian pero hindi ko siya nilingon. Dahil ayokong magtama ang mga tingin namin.
Nang magsimula ulit ang klase ay nakinig na lang akong maigi sa buong discussion. Dahil kailangan kong bumawi sa mga absences ko. May posibilidad na bumaba ako this grading.
Nang mag-uwian ay nauna na kami ni Maddie papuntang parking lot. Dahil baka kako lapitan ako agad ni Gian.
Pasakay na sana kami ng sasakyan ni Maddie nang mahabol kami ni Gian.
"Hindi ka ba sasabay sa akin?" tanong ni Gian. Napatingin naman ako kay Maddie. Mukhang alam niya na ang mangyayari kaya sumakay na muna siya sa loob ng sasakyan niya. Tapos bumaling na ako kay Gian.
"Hindi. May pupuntahan kami ni Maddie." palusot ko.
"Hindi ba at may tutor tayo tuwing hapon? Bakit ka aalis?" tanong niya. Hindi ako nakasagot.
"Did I do something wrong? Kaya iniiwasan mo ko ng ganito?" tanong niya ulit. Hindi ako sumagot sa ikalawang pagkakataon.
"Tell me. What did I do?" ulit niya.
"Wala kang ginagawang masama Gian." sagot ko.
"Then, bakit ka umiiwas?"
"Hindi ako umiiwas." sagot ko. Napasmirk naman siya.
"You can fool anyone, Leen. But not me. Tell me." sabi niya. Hindi ako sumagot.
"Just tell the fucking truth Leen! Nagmumukha akong tanga dito kakaisip kung anong nagawa ko." sigaw niya.
"I'm not your tutor anymore Gian. Kaya hindi na ako sasabay sa iyo simula ngayon. Kay Maddie na ako sasabay."
"What? What do you mean you're not my tutor anymore?" kunot noong tanong niya.
"Kinausap ako ng Dad mo. Tuwang-tuwa siya na nag-iimprove ka na. Napatunayan mo na sa kaniya na you can be successful with your own. Kaya sinesante niya na ako para makapag focus na ako ng ayos sa studies ko. He already paid my school fees kaya wala na akong problema." sagot ko. Natahimik siya ng ilang segundo.
"So, you agreed on him?" tanong niya.
"Oo. Kaya din kita iniiwasan kasi ayokong maungkat ito. Saka wala naman ng rason para mag-usap tayo kasi hindi mo na ako tutor, Gian." simple kong sagot.
"You agreed on his decision, Leen. Not mine. And my decision? Ikaw pa rin ang tutor ko kaya you will still talk to me wether you like it or not." maotoridad niyang sabi. Aangal pa sana ako nang magsalita ulit siya.
"I don't need your opinion, Cyleen. Nakapag decide na ako. And that's final. We'll talk tomorrow. Kakausapin ko lang ang Dad ko." sabi niya at saka umalis sa harapan ko. Nagmadali siyang sumakay ng sasakyan niya at pinaharurot ito paalis. Natulala na lang ako doon. Kinakabahan ako. Baka mag-away sila ng Dad niya dahil sa akin. Bakit ba naman kasi hindi maintindihan ni Gian na tapos na. Bakit ba ang kulit niya?
Ano ba itong ginagawa mo Gian? Why are you doing this to me?
***
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)