26: Revelation

30.7K 998 27
                                    

Eirol's POV

Nang tumawag sa akin si Gian at sinabing nasa ospital si Leen ngayon at kailangan ko daw sabihin kay Maddie ay agad kong tinawagan si Maddie. Ilang ring lang ay sumagot na siya.

[Hello?] bungad ni Maddie sa kabilang linya.

"Hello, Maddie. Tumawag sa akin si Gian. Nasa ospital daw si Leen. Kailangan natin silang puntahan doon." sabi ko agad.

[Ha?! Bakit anong nangyari kay Leen?] bulalas niya. Halata ko agad sa tono ng boses niya ang pag-aalala.

"Hindi ko alam eh. Basta ang sabi ni Gian ay sabihan daw kita at pumunta tayo doon. Binigay niya sa akin kung saang ospital. Susunduin na lang kita diyan." sagot ko.

[Sige. Sige. Hintayin kita. Sasabihan ko na din sila Louise at Andy.] sabi niya then she ended the call. Agad naman akong nag-ayos at nagpaalam kay Mama tapos sumakay na ako ng sasakyan at nagmadaling magtungo papunta kila Maddie.

Nang makarating na ako sa kanila ay nakita ko agad siyang naghihintay sa labas ng bahay nila. Nang makita niya ako ay agad siyang sumakay sa kotse. Kaya nga nagpunta na din kami agad doon sa ospital na sinabi ni Gian.

Tahimik lang si Maddie buong byahe. Malalim ang iniisip. Mukhang nag-aalala sa kapakanan ng kaibigan niya.

Hinawakan ko naman ang kamay niyang nakapatong sa lap niya habang ang isang kamay ko ang nakahawak sa manibela. Napatingin naman siya sa akin dahil sa ginawa ko.

"Magiging ayos din siya. Trust me." sabi ko. Binigyan niya naman ako ng ngiti pero may bahid pa ding lungkot sa mga mata niya. Nagulat ako nang hawakan niya pabalik ang kamay ko. Kaya napangiti ako at nagfocus na lang sa daan. She's thanking me that's why hinawakan niya pabalik ang kamay ko.

Nang makarating kami sa ospital ay nagmadaling pumasok si Maddie kaya agad ko siyang sinundan. Naabutan namin si Gian na nakaupo sa waiting area sa labas ng emergency room at nakatakip ang dalawang kamay sa mukha.

"Where's Leen?" bungad ni Maddie kaya nag-angat ng tingin sa amin si Gian.

"N-Nasa loob pa siya ng emergency room. Inaasikaso ng mga doktor." sagot ni Gian. Ilang saglit pa ay dumating na din si Andy at Louise. Kasama nila si Ethan. Lumapit din sila agad sa amin.

"A-Ano bang nangyari?" tanong ni Maddie.

"Nahulog siya sa scaffolding. I'm sorry. This is all my fault. Kung hindi ko lang sana siya sinigawan. I'm very sorry." sabi ni Gian. Natahimik kaming lahat.

"I-I'll call Leen's parents. Excuse me." sabi ni Maddie at lumabas. Sinundan ko na lang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya. Naupo naman ako sa tabi ni Gian at tinap ang balikat niya.

"Hindi mo kasalanan, brad. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo. Magiging okay din si Leen. Tiwala lang." sabi ko. Umiling-iling siya.

"No. This is my fault. At sisisihin ko talaga ang sarili ko kapag may nangyari sa kaniya." sabi niya.

"Ano ba kasing nangyari bakit siya nahulog sa scaffolding? Saan galing iyon?" kunot noong tanong ni Louise.

"Nag-away kami. Kasi nawala si Helix. Nakatakas kanina. I put the blame on her. Kaya pinalayas ko siya. Then she called me. Nakita niya si Helix sa may ginagawang bahay sa may kanto. Kaya nagmadali akong pumunta doon. She was too excited to return Helix to me that's why nadulas siya nung pababa na siya ng scaffolding. Mabilis ang pangyayari. Hindi ko siya nailigtas mula doon. Wala na siyang malay nung lapitan ko siya kaya nagmadali akong tumawag ng ambulansya para maisugod siya dito sa ospital. I'm fucking stupid to put the blame on her. I'm very sorry. It's all my fault." sagot ni Gian nakita ko sa mga mata niya na sincere siya sa mga sinabi niya. I know Gian. Although masungit at snob siya sa tingin ng karamihan ay mabait siya. Bukal ang kaniyang kalooban. Meron lang talaga siyang pinagdadaanan. And I understand him. Kami lang nila Ethan at si Helix na alaga niya ang nagpapalibang sa kaniya.

Natahimik kami nang marinig ang pag-iyak ni Gian. Hindi siguro inaasahan nila Louise na ang isang Gian Ford Rodriguez ay iiyak sa harapan nila. Si Gian na kilalang masungit at walang pakialam sa mga tao.

Nagkatinginan kami ni Ethan. Pareho kaming naaawa sa kaibigan namin ngayon. Ngayon lang ulit naman siya nakitang ganito ka-fragile. Kasi ang huli'ng beses na nakita namin siyang umiyak ng ganito ay noong namatay ang Mom niya.

"Nakokonsensya ako. Ang dami ko ng naidulot na hindi maganda kay Cyleen. It's time to do something right for her. I want to tell you the truth, guys." sabi ni Gian na ikinakunot ng noo namin.

"What truth?" tanong ni Andy. Hindi nagsalita saglit si Gian. Nag-angat siya ng tingin sa amin bago nagpakawala ng buntong hininga.

"We're not really in a relationship. We are just pretending. Palabas lang ang lahat." buong lakas na sagot ni Gian kaya nagulat kaming lahat. Teka? Hindi sila? Eh bakit sila laging magkasama tuwing pauwi at papasok sa school? Bakit ang sweet nila?

"What did you say?" nagulat kami at napalingon lahat sa direksyon ng nagsalita. We saw Maddie with a shock look on her face. Nakita ko sa mga mata niya na paiyak na siya kaya napatayo ako. Lalapit sana ako sa kaniya kaso sumenyas siya na wag akong lalapit kaya napahinto lang ako sa pwesto ko.

"So, you mean? It's all an act? You fooled me?" tanong ni Maddie kay Gian. Hindi sumagot si Gian kaya bumaling siya sa akin. "At ikaw? Kinuntsaba mo sila para lang sagutin kita?" nabigla ako sa sinabi niya.

"Maddie. It's not what you think." paliwanag ko pero huli na. Umiyak na siya.

"I trusted you." sabi niya tapos tumakbo paalis. Agad ko naman siyang sinundan palabas ng ospital.

"Maddie! Wait! Let me explain." sigaw ko at hinabol siya. Nang maabutan ko siya ay hinawakan ko ang braso niya. Pero inis niyang binalikwas ang kamay ko at humarap sa akin. Walang tigil ang pag-iyak niya ngayon.

"Please. Pakinggan mo muna ako." pagsusumamo ko.

"Ano? Hindi pa ba sapat na niloko mo ako? Na niloko niyo ako? Kinuntsaba mo silang dalawa para sagutin kita? Eirol, I opened up to you. Sinabi ko sa iyo lahat-lahat ng sa akin. Pinagkatiwala ko sa iyo ang dinadala kong problema. Kasi akala ko you will never lie to me. Na hindi ka kagaya ni Papa na magsisinungaling sa akin. Ikaw lang ang lalaking pinagkatiwalaan ko ulit Eirol. Ikaw lang ang lalaking tinanggap ko ulit sa buhay ko. Pero ganito lang din pala ang gagawin mo sa akin? Lolokohin mo din ako gaya ng ginawa ni Papa? Wala kang pinagkaiba sa kaniya." sabi niya. May kung anong kumirot sa puso ko ng dahil sa mga binitawan niyang salita. I didn't know na ganito ang tingin niya sa akin.

"Maddie..." tawag ko. Nawalan ako ng mga salitang sasabihin sa kaniya dahil sa mga masasakit na salitang narinig ko.

"You know what? This relationship is just a joke, Eirol. We're done. Wag na wag ka ng magpapakita sa akin. Ayaw na kitang makita!" sagot niya at saka umalis na. Pumara siya ng taxi at saka umalis. Wala akong nagawa. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Sinundan ko na lang ng tingin ang taxi'ng sinakyan niya hanggang sa tuluyan na itong makalayo.

Palayo sa akin.

***
(Maddie's photo on the gallery...)

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon