22: Sadness

36.1K 1K 27
                                    

Andy's POV

Hindi na talaga ako mapakali kaya nag-excuse na ako sa adviser ko na magrerestroom kunwari. Para mahanap ko si Drex. Ramdam ko kasing may mali talaga kanina pa. Ewan ko ba. Yung dibdib ko kumakalabog ngayon. Parang feeling ko may kung ano ng nangyayari sa kaniya.

Hinanap ko siya sa buong school. Pero wala talaga. Nandito ako ngayon sa may parking lot. Nagbabaka sakali na baka nandito siya. Pero bigo ako. Wala siya.

Nang pabalik na ako sa loob ay saktong may naaninag ako sa taas. Nakita si Drex sa rooftop. Nakatanaw siya sa kalangitan. Nakatayo siya doon sa harang na mismo. Nanlaki ang mata ko ng makita siya. Nagmadali akong umakyat papunta sa rooftop. Ang dahilan kung paano ako agad nakarating sa rooftop ng ganon kabilis ay hindi ko alam. Basta nang makaakyat ako ay agad akong tumakbo papunta kay Drex at agad siyang hinila pababa doon. Napayakap ako bigla ng mahigpit sa kaniya at humagulgol.

"A-Andy?" tawag niya na mukhang nagulat siya kung bakit ako umiiyak at nakayakap sa kaniya ngayon. Pero hindi matigil ang luha ko. Pati ang pagkabog ng dibdib ko sa kaba. Nandito pa. Habang patuloy ako sa paghagulgol ay naramdaman ko na lang ang isang kamay na humahaplos sa buhok ko.

"Kung may problema ka hindi solusyon yan! Hindi solusyon ang magpakamatay! K-Kahit gaano pa kabigat problema na dinadala mo." sigaw ko na hindi pa din matigil sa paghagulgol habang yakap siya ng mahigpit. Ayoko siyang bitawan. Natatakot ako na baka kapag pinakawalan ko siya ay ituloy niya ang balak niya. Ayoko mangyari iyon. Ayoko ng maulit ang karanasang nasaksihan ko noon. Ayoko na.

"I'm sorry." he sighed tapos natigil na siya sa paghaplos sa buhok ko. Hindi kami umalis sa pwesto na iyon ng ilang minuto. Hinayaan niya lang akong humagulgol ng humagulgol sa kaniya. Wala akong pake kung parehas kaming nakasalampak dito sa sahig.

Nang maka-get over na ako ay kumalas na ako sa kanya at inayos ang sarili ko na medyo humihikbi pa. Inabutan niya naman ako ng panyo kaya kinuha ko iyon at pinunas sa mukha ko. Nakaupo kami dito ngayon sa sahig habang nakasandal sa malamig na dingding.

Parehas kaming di umiimik ngayon. Parehas kaming nakatingin sa kawalan. Nang magsalita siya.

"Why did you do that?" seryosong tanong niya. Seryoso ba siya? Eh anong gusto niya? Hayaan ko siya na mamatay?

"Obvious naman. Kasi ayokong may mangyari sa iyong masama." sabi ko.

"Why do you care?" napatingin ako sa kaniya sa sinabi niya. Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatulala lang siya.

"Importante pa bang malaman kung bakit kita sinagip? Hindi ba dapat magpasalamat ka na lang dahil pinigilan kita." sabi ko.

"Then, thank you. But you ruined my plan Andy. Dapat hinayaan mo na lang ako. Dapat pinanood mo na lang ako." simpat niya. Ramdam ko ang pait sa bawat salitang sinabi niya. Pero hindi ko maiwasang magalit dahil sa sinabi niya.

"Ano bang pinagsasasabi mo ha?! Hayaan? Pinanood? Naririnig mo ba mga sinasabi mo Drex? Oo, siguro nga mabigat ang pinagdadaanan mo ngayon at wala ako sa posisyon mo para magsalita sa iyo. Pero never naging solusyon ang ganiyan Drex! Kahit kailan hindi magiging solusyon iyan." sabi ko na nagsisimula na namang magbadya ang mga luha sa mga mata ko.

"Hindi ako nagsisisi na sinira ko ang sinasabi mong plano. Atleast kahit papaano nailigtas kita. Kasi natatakot ako. Natatakot ako na sa pangalawang beses ay makasaksi na naman ako ng tao na babawiin ang kaniyang sarili buhay na wala man lang akong ginagawa. Takot na ako Drex. Takot na akong manood at maging pabaya." hagulgol ko. Napatingin na siya sa akin ngayon. Hindi siya nagsalita kaya pinagpatuloy ko ang sinasabi ko.

"I wish I have this courage before na pigilan siya magpakamatay edi sana buhay pa sana siya. Buhay pa sana ang Tita Mela ko. Nagsisisi ako na wala man lang akong nagawa para pigilan siya. Hinayaan ko lang siya. Pinanood hanggang malagutan siya ng hininga. Sa tuwing makikita ko ang Mama ko na umiiyak sinisisi ko ang sarili ko Drex. Na dapat pala mas naging matatag ako non. Pero ano bang magagawa ng isang 5 years old non di ba?" sabi ko between my sobs. Yes, nasaksihan ko mismo sa harapan ko kung paano nagpakamatay si Tita Mela, ang kapatid ni Mama. At dahil bata pa ako non ay na-trauma ako sa nangyari. Pinatingin lang ako nila Mama sa specialist kaya naghilom kahit papaano ay naghilom din ako.

Ilang minuto ulit kaming hindi nagkibuan na dalawa. Nang bigla siyang magsalita.

"Lumayas ako sa amin." simula niya saka bumuntong hininga. Napatingin ako sa kaniya. Hindi ako nagsalita. Naghanda na lang din akong makinig sa mga sasabihin niya.

"Nag-away kami ni Mama. Tinapat ko siya na nahihigpitan ako sa kaniya. Na ayoko talaga nung mga gusto niyang gawin ko. Na hindi ko kaya mareach ang expectation niya sa akin. Kaya nagalit siya sa akin. Hindi ko napigilan ang sarili ko na sagutin siya. Hanggang sa umabot sa punto na lumayas na lang ako ng bahay." kwento niya. Nag-open up siya sa akin. Kasi nag-open up ako.

"Somehow gumaan ang pakiramdam ko nung sabihin ko sa kaniya lahat ng hinanakit ko. Pero may kirot pa din akong nararamdaman dahil hindi kami okay ni Mama." sabi niya. Kaya pala parang pagalit ang tono ng boses niya kanina nung makita ko siyang may kausap sa cellphone niya.

"Mahal ka lang ng Mama mo kaya ka niya pinaghihigpitan. May iba't-ibang paraan talaga ang mga magulang kung paano nila iexpress ang pagmamahal nila. Panigurado nag-aalala na sa iyo ang Mama ngayon kasi wala ka sa tabi niya. Siguro kung hindi kita napigilan at natuloy ang balak mo ay hindi kakayanin ng Mama mo. Oo, nakatakas ka nga sa problema mo. Pero yung mga taong nakapaligid sa iyo hindi mo ba naiisip? Paano na sila kapag nawala ka. Malulungkot sila." sabi ko. Napatingin siya sa akin kaya nagkatitigan kami ng ilang saglit. Nakita ko ang ngiting lumabas sa kaniyang mga labi.

"Thank you." sambit niya. Napatanga ako sa ngiti'ng pinakita niya. Bakit ang ganda ng ngiti niya kapag totoo? Yung walang bahid na lungkot sa mga mata niya?

"W-Wala iyon no. Ganon talaga kapag magkaibigan. Nagtutulungan." sagot ko nang makabalik sa wisyo.

"So, we're friends now?" halakhak niya.

"O-Oo. Bakit ayaw mo ba?" tanong ko. Humalakhak lang siya saka tumayo na at pinagpagan ang sarili niya. Nang makatayo siya ay lumingon siya sa akin saka naglahad ng kamay.

"Let's go my friend. Baka hinahanap na nila tayo." nakangisi niyang sabi na pinagkadiin pa ang salitang 'friend'. Nakangiti naman akong inabot ang kamay niya at tumayo na din. Pinagpagan ko ang sarili ko tapos ay sabay na kaming naglakad paalis doon sa rooftop.

Buti na lang pala ay napansin kong parang may mali sa kaniya. Buti na lang pala at sinundan ko siya. Siguro kung hindi ko siya sinundan ay nahuli na ako. I'm so glad na sakto lang ang dating ko.

***

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon