Eirol's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay nila Maddie. Alam kong ilang beses niya na akong tinanggihan sa tuwing pupunta ako dito pero hindi ako susuko hangga't hindi siya nakikipag-usap sa akin.
Napatayo ako nang lumabas siya ng gate nila. Nakita ko sa mukha niya ang gulat sa mga mata niya. Tila hindi niya inaasahan na makikita ako dito. Babalik na sana ulit siya sa loob nang pigilan ko siya.
"Maddie. Please." pagsusumamo ko. Hindi siya natinag.
"Ano pang ginagawa mo dito, Eirol?" walang emosyon niyang tanong.
"Gusto kita makausap." sabi ko.
"Umalis ka na. Wala na tayong dapat pag-usapan pa dito. Tapos na tayo." sabi niya at akto na sanang tatalikod sa akin nang magsalita ako kaya napahinto siya.
"Aalis na kami. After 2 days. Sa amerika na kami muna maninirahan. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Kaya sana bago ako umalis ayusin natin ito. Hayaan mo akong magpaliwanag. Hindi ko kayang umalis na may sama ka ng loob sa akin." sabi ko. Nakatayo lang siya ngayon sa pwesto niya. Nakatalikod sa akin. Pero alam kong narinig niya ang sinasabi ko.
Nang humarap siya sa akin ay nakita kong walang bahid na ekspresyon sa mga mata niya.
"Tapos na tayo. Wala na tayong dapat pag-usapan. Kung aalis ka, edi umalis ka. Mas mabuti." tumalikod na siya ulit sa akin. Malapit na siya sa pintuan nila nang sabihin ko ang mga salitang nakapagpatigil sa kaniya.
"Maddie. Mahal na mahal kita. Iyan ang lagi mong tatandaan." sabi ko. Ilang segundo siyang nakatayo lang doon. Akala ko haharap ulit siya sa akin at sasabihing mahal niya din ako pero nagdiretso na siyang pasok sa loob ng bahay nila at hindi na ako nilingon pa. Napayuko na lang ako.
Wala na ba talagang pag-asa Maddie?
Maddie's POV
"Maddie. Mahal na mahal kita. Iyan ang lagi mong tatandaan." sabi niya. Napatigil naman ako. Napakagat ako sa labi ko at pinigil ang mga luha na nagbabadya na namang tumulo.
Gustong-gusto kong harapin siya at sabihing mahal na mahal ko din siya. Pero hindi ko ginawa. Bagkus ay nagdiretso ako ng lakad papasok ng bahay. Dali-dali akong tumakbo paakyat sa kwarto ko at doon pinakawalan ang mga luha'ng kanina pa gusto kumawala.
Humagulgol ako ng humagulgol sa unan ko. Bakit ang sakit? Bakit hindi ko siya kayang tiisin? Bakit hindi ko magawang kamuhian siya? Mas dumodoble ang sakit kapag nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Bakit parang nasasaktan din siya? O baka naman nakokonsensya lang talaga siya sa panlolokong ginawa niya.
Gustong-gusto kong tumakbo papunta sa mga bisig niya. Na okay lang. Okay lang sa akin kahit todo na akong nasasaktan ngayon. Basta wag lang siyang aalis. Na wag na siyang tutuloy doon sa amerika. Pero hindi ko nagawa. Dahil kailangan kong tatagan ang loob ko. Kaya ako nasasaktan dahil masyado akong mahina sa mga ganitong bagay.
_
Nagising na lang ako kinabukasan na namamaga ang mata ko. Nakatulog kasi akong umiiyak. Pero ipinagpatuloy ko pa din ang buhay ko. Naghanda na akong pumasok sa eskwelahan.
Nang makarating na ako sa school ay agad na akong nagtungo sa room. Nang makapasok ako ay automatic akong napatingin sa pwesto niya. Pero wala siya. Bigla akong nakaramdam ng kirot. Aminado kasi ako na kahit hindi kami ayos hinahanap-hanap ko ang presensya niya.
Naupo ako sa tabi ni Louise na kasalukuyang nagsusuklay ng buhok niya. Nasa tabi niya si Andy na umiinom ng chuckie. Absent si Leen ngayon. Hindi muna siya papasok ng isang buwan dahil ipapahinga niya muna ang sarili niya. Nakalabas na siya ng ospital sabi sa akin nila Louise. Ni hindi ako nakadalaw kaya babawi na lang ako. Pupuntahan ko na lang siya agad kapag hindi busy.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)