Andy's POV
Hindi ko namalayan na halos ilang linggo na pala ang nakalipas ang pag-iwas ko kay Drex. Hehe. Mahirap ang pinagdaanan ko sa ilang linggo na iyon. Kasi sa tuwing mag-aatempt siyang kausapin ako ay lalapit agad ako kila Louise.
At nandito ako ngayon sa supermarket. Namimili ulit ng snacks ko. Nagsuot akong sumbrero at saka mask kasi baka mamaya makita ko na naman si Drex dito. Dito pa naman siya lagi nag-ggrocery. Saka wala pa naman sila Louise dito. Wala akong pang-iwas sa kaniya.
Papunta na sana ako sa counter nang biglang matanaw ko si Drex. Naka hoodie siya. Kaya agad akong nagtago at tumakbo papunta sa kabilang aisle. Nang sumilip ako ay wala na siya. Kaya nga naglakad na ako papunta sa cashier para magbayad. Kahit na chips delight lang itong nakuha ko eh babayaran ko na. Kaysa magtagpo pa landas namin ni Drex.
Nang mabayaran ko na ay agad kong kinubha yung paperbag at lalabas na sana nang biglang harangin ako ng guard.
"Resibo po Mam?" tanong ng guard. Napapikit naman ako ng mariin nang makalimutan kong kunin sa counter ang resibo dahil sa sobrang pagmamadali.
"Ay wait po kuya. Nakalimutan ko sa counter." sabi ko at saka agad na pupunta sana sa counter nang biglang nagkabungguan kami nung lalaking mukhang palabas na. Parehas nahulog ang bitbit namin.
"Sorry." sabay naming sabi at saka pinulot ang paperbag na nahulog. Nang mag-angat ako ng tingin ay napatigil ako. Ito yung nakita ko kanina ah? Hindi pala si Drex. Kahawig lang! Jusme. Todo tago pa ako di naman pala si Drex.
"Miss are you okay?" tanong ng lalaki.
"Ahh. O-Oo." sagot ko.
"Are you sure? You're not hurt?" tanong niya ulit.
"Ahh. Oo. Oo. Okay lang talaga." ngiti ko. Siya naman ang napatigil kaya kumunot ang noo ko.
"Bakit po? May dumi ba sa mukha ko?" tanong ko at chineck pa ang mukha ko.
"Ahh. Wala naman. Hahaha! By the way, I'm David. David Chan." pagpapakilala niya. Nilahad naman niya ang kamay niya.
"David Tiyan?" tanong ko. Natawa naman siya.
"No. David Chan. As in C-H-A-N. Chan." sabi niya. Napatango-tango na lang ako saka nakipagkamay sa kaniya.
"Selena Andrea." sabi ko.
"Nice meeting you. But I have to go." sabi niya. Tumango na lang ako tapos ay bumalik na ako doon sa cashier para kunin ang resibo ko. Pagkakuha ko ng resibo ko ay inabot ko na ito sa guard. Tinatakan niya lang yung resibo. Ni hindi man lang tinignan ang laman ng paperbag na dala ko. Tsk. Tsk. Madali pala mangsalisi dito eh. Minsan nga madagdagan ng pagkain bibilhin ko. Hahaha! Joke.
Nang makauwi na ako sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at excited na binuklat ang paperbag na dala ko. Pero nanlaki ang mata ko nang makitang hindi cookies ang nakuha ko. Kundi chili powder! Hala? Nasaan yung cookies ko? Huhu. Nagccrave ako doon eh. Anong kakainin ko? Itong chili powder?
Bigla naman akong napatigil nang maalala yung lalaking nakabunggo ko kanina. Hala! Baka nagkapalit kami ng paperbag nung nagkabungguan kami kanina. Myghaad! David Chan lang alam ko sa kaniya. Yung cookies ko nasa kaniya. Huhu. Gutom na ako.
_
"Tara tambay tayo sa café nila Maddie?" sabi ni Louise.
"Pass muna ako. Punta akong supermarket." sabi ko.
"Why? Di ba galing ka na kahapon gurl? Punta ka ulit?" tanong niya sa akin.
"Wala! Kainis kasi yung binili kong cookies nakuha nung lalaking nakabungguan ko kahapon. Nagkapalit kami ng binili." sabi ko at napapout.
"Kila Maddie ka na lang lumamon ng cookies na iyan. Meron naman siguro sa café nila." aya sa akin ni Louise.
"Wala pang tinda sila Maddie na cookies. Tinanong ko siya kahapon eh." sagot ko. Napatango na lang si Louise.
"Alright then. Mag-ingat ka." sabi niya at tinap ang balikat ko. Kaya nga sumakay na ako ng sasakyan ko at dumiretso sa mall kung saan yung supermarket na pinuntahan ko kahapon. Nang makakuha na ako ng chips delight ay kumuha na din ako ng chuckie tapos pumila na ako sa counter para magbayad. Nang makabayad na ako ay siniguro ko munang nakuha ko ang resibo at saka inabot sa guard. Chineck na ngayon ng guard ang dala ko. Grr. Kahapon di niya chineck. Tapos ngayon ichecheck niya? Kung nacheck niya sana kahapon edi sana nakita ko agad na hindi cookies dala ko. Tsk. Hampas ko sa kaniya itong paperbag eh.
Nang makalabas ako ay nagdiretso na ako sa parking lot. Pero sakto namang may humintong sasakyan sa harap ko. Tapos nung bumaba ang lalaki ay nakilala ko si David Chan. Yung lalaking nakabunggo ko kahapon. At ang nakakuha ng cookies ko!
"Hey, It's you again. Sabi na ba at babalik ka ngayon dito eh." nakangiti niyang sabi.
"Oo. Nagkapalit kasi tayo kahapon ng binili eh. Kaya bumili akong bago." sabi ko sabay pakita ng paperbag na dala ko. Napatango naman siya tapos may kinuha siya sa backseat niya at inabot sa akin.
"Ito yung cookies mo. Sorry di ko din nacheck agad kahapon. Nagmamadali kasi ako." sabi niya. Kaya nga kinuha ko na iyon. Yey! Doble ang cookies ko ngayon.
"Ah. Thanks. Kaso hindi ko nadala ang chili mo eh. Sorry. Di ko alam na magkikita ulit tayo dito." sabi ko.
"Ayos lang. Nandito na din naman ako sa grocery. Bibili na lang ako ng bago." sabi niya. Ako naman ang tumango. Magpapaalam na sana ako kay David nang biglang matanaw ko si Drex. Oo potek! Si Drex. Totoo ito. Siya na ito. Napatigil siya nang makita ako. Shet! Wala sila Louise dito. Wala akong tataguan.
"Are you okay?" tanong ni David. Napatingin naman ako kay David. Kaya bigla akong nagkaroon ng ideya. Agad kong hinatak si David at sumakay ng kotse niya. Nang makasakay si David ay sinabihan ko siyang umikot sa likod ng mall. Hindi na lang siya umangal. Nang umandar na ang sasakyan niya ay tinanaw ko na lang si Drex sa rearview mirror. Nakatingin siya sa sasakyan ni David. Napabuntong hininga na lang ako.
Nang makaikot na kami sa likod ay pinaikot ko siya pabalik sa kung nasaan kami kanina. Tinawanan ako ni David.
"May iniiwasan ka ba?" tanong niya.
"Ahh. Oo." sabi ko.
"That guy? Kaano-ano mo siya? Boyfriend mo?" tanong niya ulit.
"Wala. H-Hindi! Hindi ko siya boyfriend." sabi ko. Napatango na lang si David. Tapos nang makaakot na kami sa harap ay tinignan ko muna ang paligid kung nasa tabi-tabi pa si Drex. Nang masigurado kong wala na siya ay nagpaalam na ako kay David at nagpasalamat. Tapos tumakbo na ako pasakay ng sasakyan ko.
Buti na lang nakita ko ngayon itong si David. Nakapagtago ako kay Drex. Kasi kung hindi, di ko alam kung saan ako magtatago.
Hays, Andy. Hanggang kailan mo pagtataguan at iiwasan si Drex?
***
(David Chan's photo on the side...)
![](https://img.wattpad.com/cover/22309706-288-k283273.jpg)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)