Maddie's POV
Ka-videocall ko ulit ngayon si Eirol. Halos araw-araw kasi magkausap kami. Siya yung laging tumatawag kasi miss niya na daw ako.
Hindi ko namalayan na halos mag-iisang buwan na pala buhat ng umalis siya dito. Inaamin ko kahit nagkakausap kami eh nakakamiss pa din ang presensya na.
"Kamusta kayo diyan?" nakangiti niyang tanong sa akin.
"Ayos naman. Eh ikaw ba? Nakapag-enroll ka na diyan?" tanong ko. Tumango naman siya.
"Yup. Naasikaso na ni Mama iyon. Sa katapusan ngayong buwan daw start ng klase." sagot niya.
"Baka makakita ka ng babae diyan. Yung kano. Maganda tapos sexy. Baka ipagpalit mo agad ako." sabi ko. Nakita ko namang napangisi siya kaya tinaasan ko siyang kilay.
"Sorry, can't help it. Ngayon ko lang nakitang magpout ang isang Maddieson. Hahaha! You're so cute." sabi niya. Napairap na lang ako.
"Pero hey, don't worry. I won't entertain other girls. I promise." sabi niya at tinaas pa ang kamay niya. Naniniwala naman ako. Nagtitiwala ako kay Eirol na hindi niya magagawang maghanap ng iba. Kasi may tiwala ako sa pagmamahal niya sa akin. Pero syempre dahil nga ilang metro ngayon ang layo namin sa isa't-isa ay hindi ko pa din maiwasang di mag-alala para sa kaniya.
The next day ay tumambay kami sa café after class. Umamin sa amin si Andy na siya ang nagbibigay kay Drex nung mga love letters. Well, una pa lang na makita ko yung letter na hawak ni Drex, alam ko na agad na siya iyon. Hindi lang ako nagsalita kasi alam kong tense na tense si Andy non. Hahaha! Si Louise hindi natandaan non na si Andy ang nakitaan niya ng ganon dati. Mahilig kasi sa stationaries si Andy. At talagang hilig niya din magbigay ng love letters sa mga nagiging crush niya.
At oo, tama nga talaga ang hinala namin ni Louise una pa lang. Na magkakagusto si Andy kay Drex. Kilala namin yang babae na iyan eh. Ikaclose mo lang, ngitian mo lang. Magiging crush ka agad. Hahaha!
Si Louise naman, maganda ang pagsasamahan nila ni Ethan ngayon. Pero hindi pa sila. At hindi ko alam kung kailan niya sasagutin. Wala naman siyang nasabi sa amin eh. Bukod sa binilhan daw siya ng mamahaling lipstick ni Ethan.
"Like, omg guys. He bought me an expensive lipstick! How sweet di ba?" bulalas ni Louise.
"Alam mo? Unli ka. Nakailang ulit mo na sinabi iyan." irap ko sa kaniya.
"Sorry. Can't help it. I'm just so happy lang talaga. He's so sweet." sabi niya.
"Eh kung happy ka pala bakit hindi mo pa siya sinasagot?" tanong ni Andy sabay subo ng cupcake.
"Hmm. I dunno. Nag-eenjoy pa ako sa ligawan stage eh. Saka na yang lovers stage. May time para diyan. We're not in a rush naman." nakangiting sabi ni Louise.
"Alam mo mas makikilala mo ang lalaki kapag kayo na. Kasi syempre nakuha ka na niya. Wala ng pakitang tao effect." sabi ko. Tila napaisip naman si Louise.
"Hmm. I don't believe in that. Kasi I believe na ang pinapakita sa akin ni Ethan ngayon na ugali niya is yung totoong siya mismo. He's not nagpapakitang tao. At nararamdaman ko iyon." sagot ni Louise. Napatango-tango si Andy.
"May point." sabi naman ni Andy sabay inom sa iced coffee niya.
"Osige na hindi na kita babarahin. Mukhang nagkakalaman naman na yang utak mo dahil kay Ethan. Support na lang kita diyan kahit papaano." sabi ko at natawa nang samaan niya ako ng tingin.
"You're so maldita, gurl. You know that? But yeah, I'm maldita too. Hindi na ako magtataka kung bakit kita naging kaibigan." sabi niya at natawa. Tumawa na din ako. Ngayon lang kami nagkasundo nito sa isang bagay. Kasi kaming dalawa ang laging nagkakasagutan or nagbabarahan. Sarap kasi asarin nitong si Louise. May pagkatanga kasi minsan. Hahaha!
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)