Cyleen's POV
Papunta ako ngayon kila Gian. Weekend ngayon pero kailangan kong i-tutor siya. Sayang naman kasi yung dagdag sa sahod na inalok ng Dad niya di ba?
Nang makarating ako sa kanila ay pinagbuksan agad ako ng pinto. Syempre kilala na ako ng mga maid nila eh.
Pagkapasok ko sa kanila ay automatic na akong dumiretso sa library. Naabutan ko ulit doon ang pusa ni Gian na si Helix. Prente siyang nakahiga sa sofa. Pagpasok ko ay napatayo siya at lumapit sa akin. Tuwang-tuwa naman akong hinaplos siya.
"Namiss mo ba ako, Helix?" sabi ko. Nagpurr lang siya kaya natuwa ako. Naglibot naman ako sa library dahil wala pa si Gian. Kaya napadpad ako dito sa isang wall na puro pictures. Puro mga nakasabit na picture frames. Tinignan ko ito isa-isa. Nakita kong karamihan ay pictures ito ni Gian kasama ang alaga niyang si Helix. Wala man sila ni isang picture ng Dad niya. Well, mukhang mahal na mahal talaga niya ang pusa niya. I don't have an idea na cat lover pala itong si Gian.
Napatitig naman ako bigla sa isang larawan nagbubukod tangi. Nasa pinaka center siya ng iba pang pictures. Picture iyon ng isang babae na yakap-yakap ang isang bata na I think ay si Gian. Ang ganda ng babae sa larawan. Ang innocent ng itsura. Tapos medyo may features siya na nakikita ko kay Gian. Ito ba ang Mom niya? Pero bakit parang wala dito? Wala akong narinig na may binanggit siya or ang Dad niya tungkol sa Mom niya? Nasaan kaya ang Mom niya?
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang pumasok ang maid dala-dala ang isang tray ng pagkain. Nakita kong nahihirapan siyang itulak ang pinto kaya agad akong lumapit at binuksan ang pinto para tulungan siya.
"Salamat po." sabi niya at nilapag ang tray sa may center table. Ngayon ko lang siya nakita dito mula ng i-tutor ko si Gian kaya napagtanto kong baguhan siya.
"Nasaan si Gian? Bakit wala pa?" tanong ko.
"Baka po nasa kwarto niya pa, Mam. Nag-away po kasi sila ng Dad niya kanina." sabi niya. Napatango na lang ako. Bigla naman akong nagulat nang mapasigaw siya. Iyon pala tumakbo palabas si Helix. Naiwan ko kasing bukas ang pinto. Kaya nga napatakbo din kami nung maid at hinabol siya. Hanggang sa makalabas ito ng bahay. Hinabol din namin ito hanggang sa labas pero agad itong umakyat sa bakod at tumalon papunta sa kabilang side. Nagmadali naman kaming lumabas ng gate ng maid at hinanap si Helix. Pero hindi namin ito makita. Hindi namin alam kung saan na nagsuot. Tinatawag namin ito pero walang Helix na lumabas.
Nakita ko naman sa itsura ng maid ang pag-aalala.
"Nako, Mam. Lagot po ako kay Sir Gian. Tiyak na magagalit po iyon. Lalo na at si Helix po ang nawala. Ayoko po mawalan ng trabaho." sabi niya. Bigla akong naawa. Kaya tinap ko siya sa balikat.
"Don't worry. Ako ang bahala." sabi ko at nginitian siya para i-assure siyang ako na lang ang bahala kay Gian.
Nang makabalik kami sa bahay ay nagtungo na ako papunta sa library. Nandoon na si Gian. At mukhang hinahanap niya na si Helix dahil tinatawag niya ito. Nakita ko naman ang bakas ng takot sa maid na nasa gilid ko. Nang mapansin ni Gian ang presensya namin ay napatayo siya.
"Where's Helix?" tanong niya. Hindi kami nakasagot.
"I said, where is Helix." seryoso niyang tanong.
"S-Sir. Sorry po. Nakalabas po si Helix, Sir. Hindi po namin siya nahabol. Hindi po namin alam saan na siya nagsuot." sabi ng maid. Nakita ko naman bigla ang galit sa itsura ni Gian.
"What do you mean nakalabas? Are you saying na nawawala si Helix?!" sigaw ni Gian.
"Sorry po Sir. Sorry po. Hindi ko po sinasadya. Naiwan pong bukas ang pinto kaya nakalabas siya." sabi ng maid na kaba na kaba na.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)