Eirol's POV
Haha! Ang aga ko lagi pumasok ngayon dahil lagi kong inaabangan si Maddie.
Pagkapasok ko ng room wala pang tao kaya inilapag ko muna yung bag ko sa may silya ko at saka lumabas din agad ng room para papumunta sa parking lot dahil titignan ko baka nandoon na si Maddie.
Pagkapunta ko sa parking lot nakita ko na ang kotse ni Gian. Tatakbo na sana ako papunta sa kanya ng bigla akong napaatras. Kasi pagkababa ni Gian ng kotse ay may sumunod din na bumaba. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino ang kasama niya.
Teka?! Si Leen? Magkasabay sila ni Gian? Imposible yun ah. Magkaaway ang dalawang iyan eh. T-Teka? What if? Sila na? P-Paano?
Papasok na sila ng building kung nasaan ako kaya tumalon ako sa may damuhan. Kaya iyon pagkatalon ko padapa ang landing ko.
Nung medyo nakalayo-layo na sila sa akin ay tumayo na ako sa pagkakadapa ko at sinilip ko sila.
Nang biglang may nagsalita kaya napasigaw ako. Si Maddie pala yung nagsalita. Tsk! Tsk! Ang hilig talagang manggulat ng babaeng ito.
"Oh? Mukhang gulat na gulat ka yata? Hahaha! Para kang timang." natatawang sabi ni Maddie.
"Grabe ka ha! Halos atakihin na nga ako sa puso dahil sa'yo tatawanan mo pa ako? Hmph. Kung di lang kita mahal eh." sabi ko at pinagpagan ang sarili ko.
"Eh, bakit ka ba kasi nandiyan sa may likod ng mga bushes?" kunot noo'ng tanong ni Maddie.
"Ahhh. Hehehe. Wala ito. Nagpapractice lang ako kung paano maging sundalo. Kasi nga di ba yung mga sundalo gumugulong sa damuhan kapag may gyera?" palusot ko.
"Bakit may gyera ba dito?"
"Ahhh, w-wala naman. Hehehe." sagot ko sabay napakamot sa ulo.
"Alam mo ang weirdo mo ngayon. Diyan ka na nga!" sabi niya at nauna ng maglakad sa akin.
"Uyy, Maddie. Saglit lang aba! Sabay na tayo papunta sa room. Hinintay nga kita eh." sabi ko at humabol na papunta sa kaniya.
Pagkadating namin ni Maddie sa room nandoon na sila Gian at Leen saka yung iba pa naming mga kaklase. Inilapag muna ni Maddie ang kaniyang bag sa kaniyang upuan at saka tumabi kay Leen.
Dahil busy si Gian ay naupo na lang ako mag-isa sa aking upuan at nanahimik na lang. Maya-maya dumating na si Andy at iyon naki-join din kala Maddie at Leen. Sunod na dumating ay si Ethan. Kinakalabit niya ako pero di ko siya pinansin dahil busy ako kakaisip about sa nakita ko kanina.
Kaya umupo na lang siya sa tabi ni Gian. Maya-maya dumating na si Drex. Nag good morning siya sa akin pero di ko rin pinansin. Kaya iyon pumunta na siya sa upuan niya at nagbasa na naman ng aklat. At nung malapit na mag-time ay dumating na si Louise. Lagi naman siyang late eh. Nagbatian sila ni Ethan ng Good morning. Ano ba naman yan buti pa sila. Naiinggit ako huh.
Dumating na rin yung Teacher namin pero nakatulala pa rin ako. Iniisip ko kasi kung si Gian at Leen ay mag-on na. Tapos dahil sa kaiisip doon. Biglang may nagflashback sa isip ko.
Flashback:
"Hmm. Sige. Gusto mo sign?" tumango-tango naman ako saka ngumiti.
"Well, sige. Sagutin kita kapag naging mag-on si Leen at Gian." sabi niya na nakangiti pa sa akin. Bumagsak naman ang balikat ko sa sinabi niya.
"Ha? Madaya! Malabo naman mangyari iyon eh. Mortal na magkaaway yung dalawa na iyon." sabi ko at nagpout.
"Well, baka malabo din kita sagutin." sabi niya saka ngumiti sa akin ng may panunuya.
![](https://img.wattpad.com/cover/22309706-288-k283273.jpg)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)