Maddie's POV
Kasalukuyan akong inaayusan ni Louise ngayon dito sa kwarto ko. Recognition kasi. Kaya imbes na magtawag pa kaming ibang make up artist ay si Louise na lang ang pinapunta ko para ayusan ako. Hindi kasi sila nasama ni Andy sa honors.
"So, uuwi ngayon si Tita Liya?" tanong ni Louise habang inaayusan na ang buhok ko.
"Oo. May surpresa daw siya sa akin eh." sagot ko.
"Mahilig talaga yan sa surprise si Tita. Hahaha!" tawa ni Louise. Nakausap ko kasi si Mama kagabi. Nasa flight na daw pala siya pauwi dito para sa recognition ko. And for sure maya-maya lang nandiyan na siya. Ang huling text niya kasi sa akin eh naglanding na ang eroplano sa manila at hinihintay na lang niya ang service na susundo sa kaniya dito pauwi. At nabanggit niya ngang may surpresa daw siya sa akin mamaya after ng ceremony ng recognition.
"Yan! Done." sabi ni Louise nang matapos niya na akong ayusan. Napatingin na lang ako sa salamin.
"Thanks." sabi ko.
"Always welcome." sabi niya.
"Mamaya nga pala sabi ni Mama iinvite ko daw kayo ni Andy sa bahay. Maliit na celebration lang." sabi ko.
"Okay sure. Text or chat mo na lang kami ni Andy if pupunta na kami." sagot ni Louise.
"Sige." sagot ko. Sakto namang nagbeep ang cellphone ko at nakita ang chat ni Eirol kaya agad ko itong inopen.
Eirol: Don't forget to take a picture later and send it to me. I want to see you in that medal. 😉
Me: Sure thing. 😊
Napabaling naman ako kay Louise nang magsalita siya.
"Sayang lang talaga at wala si Leen ngayon. I hope she's okay there." sabi ni Louise.
"She will be fine, Louise. Parang hindi mo kilala si Leen." sabi ko. Napabuntong hininga naman siya.
"Well, sabagay. Hays. I miss her already." sabi niya. Hindi na lang ako sumagot. Kahit ako naman kasi nalulungkot. Kaso ayokong malungkot ngayon dahil recognition.
Sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sumilip si Mama. Nagulat ako nang makita siya kaya agad akong napayakap sa kaniya. Tagal na kasi nung huling kita namin. At namiss ko ang Mama ko.
"You're so pretty naman." sabi ni Mama. Napangiti na lang ako.
"Hey, Tita." bati ni Louise kay Mama. Nginitian naman siya ni Mama.
"Hey Louise, how are you? Nagdalaga ka na din like Maddie ah? Parehas kayong gumanda nitong si Iyah." nakangiting sabi ni Mama.
"Small thing, Tita." sabi ni Louise. Parehas naman silang natawa ni Mama.
"Nasabihan ka na ba ni Maddie about sa small celebration later?"
"Yes po." sagot ni Louise.
"Osige, aasahan ko kayo mamaya ah. Let's go na Iyah? The ceremony will start in an hour." sabi ni Mama sabay tingin sa relo niya. Tumango naman ako at saka bumaba na kami. Nagpaalam na din si Louise sa akin at nagsabing babalik na lang mamaya pagkauwi namin. Tapos sumakay na kami ni Mama sa sasakyan.
"Dapat si Tita na lang pinasama niyo sa akin Ma, galing po kayo sa byahe eh. Dapat nagpahinga na lang po kayo." sabi ko. Kauuwi niya lang kasi at wala pa siyang pahinga.
"Iyah, kaya nga ako umuwi para masabitan ka ng medal. Don't worry about me. Sanay na ako sa pagod." sagot ni Mama at ngumiti sa akin. At dahil sinabi niya namang okay siya ay hinayaan ko na lang.
Nang makarating kami sa venue ay kinuhanan kaming dalawa ng picture ni Mama. Tapos naupo na kami sa bakanteng silya. After ng ilang minuto ay nagstart na din ang program. Unang tinawag ang mga honorable mentions sa lower years kaya naghintay pa kami. Nang grade level na namin ang tinawag ang pinapila na kami ng adviser namin sa may gilid ng stage.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)