43.1: Prom Night

26.7K 884 79
                                    

Cyleen's POV

Agad ko ng sinuot ang gown kong black at kinabit ang hikaw ko. Katatapos lang kami ni Maddie ayusan ni Louise at ngayon ay si Andy na ang inaayusan niya.

Napatitig na lang ako dito sa human-sized vanity mirror ni Louise. Napangiti ako. Kasi may talent talaga siya sa pag-mmake up.

Si Maddie naman ay nagsusuot na ngayon ng sapatos niya. Nakabihis na kaming lahat. Si Andy na lang hindi. Siya kasi ang hinuling ayusan ni Louise.

"Done." sabi ni Louise nang matapos ayusan si Andy.

"Pakisuot nga sa akin ito Louise." sabi ni Andy sabay abot ng peineta kay Louise.

"Wow. Ang ganda naman nito. Saan galing?" tanong ni Louise at inobserbahan ang butterfly na peineta ni Andy.

"Binigay sa akin ni Mama. Gamitin ko daw ngayon. Pamana sa kanila iyan ng lola ko sa tuhod. Hehe. Ngayon sa akin niya na binibigay. Actually sa kasal ko pa nga dapat ibibigay ni Mama yan. Kaso sabi niya mas gaganda daw ako kapag sinuot iyan." paliwanag ni Andy. Napatango naman si Louise.

"Sure ka isa lang ikakabit ko?" sabi ni Louise nang makitang hawak ni Andy ang isa pang peineta.

"Oo. Mas maganda kung isa lang." nakangiting sabi ni Andy. Agad naman itong kinabit ni Louise sa buhok ni Andy na nakaayos na.

"Yan. All set." sabi ni Louise nang maikabit ang peineta ni Andy. Nagpasalamat naman si Andy saka nagtungo na sa walk-in-closet ni Louise para magbihis. Kaya nga nagsuot na din si Louise ng sapatos niya.

Sakto namang pagkalabas ni Andy eh napatingin kami sa kaniya. Suot niya na din kasi ang mask. Hindi namin siya halos makilala kasi iba ang ayos niya ngayon. Malayo sa Andy na isip bata. Hahaha!

"Wow. Di ka namin nakilala ah? Mukhang nasampal ka ng malakas ng puberty." sabi ni Maddie at tumawa. Napapout naman si Andy.

"Guys! Picture tayo dali." sabi ni Louise at inangat ang cellphone niya para mag-groufie. Agad naman kaming lumapit sa kaniya at nagpicture ng mga ilang shots.

"Hays, I'm so proud of myself." sabi niya habang tinitignan ang mga pictures namin.

Napatigil naman ako nang magbeep ang cellphone ko. Kaya nga nang tignan ko ito ay nakita ko ang chat ni Gian.

Gian: Nandito na ako sa labas ng bahay nila Louise.

Napasilip naman ako sa bintana at nakitang nandoon na nga si Gian sa labas na nakasandal sa kotse niya. Na-stun ako dahil presentableng-presintable ang itsura niya. Naka-tuxedo siya tapos nakasuklay ng maayos ang buhok niya.

"Nandiyan na date mo?" tanong ni Louise.

"Oo nandiyan na si Gian." sagot ko.

"Yiee. Hindi niya tinanggi yung sinabi kong 'date mo'." pang-aasar niya sa akin. Natawa na lang ako sa kaniya at napailing-iling.

"Sige na go. Naghihintay na si prince charming mo sa labas." sabi niya at binuksan na ang pinto ng kwarto niya.

"Sige guys. Kita-kita na lang mamaya sa venue." sabi ko. Kumaway na lang sila sa akin kaya bumaba na ako at nilabas si Gian. Nang makalabas ako ay nag-angat siya ng tingin sa akin. Napatitig siya sa akin mula ulo hanggang paa. Kaya napalunok ako. Napangitan ba siya? Hindi ba bagay sa akin ang gown? Yan ang tanong na bumabagabag sa isip ko.

Agad niya akong pinagbuksan ng pinto ng kotse niya kaya sumakay na ako doon. Pagkasakay niya ng sasakyan niya at tumingin ulit siya sa akin.

"Why?" tanong ko. Nag-iwas naman siyang tingin.

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon