Cyleen's POV
Papalabas pa lang sana ako ng kotse ng agad akong nakaramdam ng kaba at pagtatanong sa sarili.
Nalaman na kaya nila Mom and Dad ang nangyari? Magagalit kaya sila sa akin? Saang school kaya ako lilipat? Ilan lang yan sa mga tanong na gumugulo sa aking isipan.
Anyways, bahala na think positive na lang. For sure sa mga oras na ito posible na alam na nila ang nangyari. Knowing Mom. She's gonna be hysterical. Ayaw niyang napapatawag ako sa guidance. She wants a good daughter. A perfect daughter na maipagmamalaki niya.
Naglakad na ako papasok sa loob ng bahay. Nang pumunta ako sa sala ay nakita ko sila Mom and Dad na seryosong nag-uusap. Kung kanina ay medyo kinakabahan lang ako, ngayon sobrang kaba na ang nararamdaman ko na halos kumalabog na ang dibdib ko. Pakiramdam ko nga lalabas na ang puso ko eh.
"Hi! Mom. Hello! Dad!" bati ko sa kanila sabay nagmano na kunwari walang alam.
"Pwede ba kitang makausap?" sabi ni Mom.
"S-Sure Mom. T-Tungkol saan po ba?" I asked. Although, alam ko naman na kung tungkol saan.
"Wag ka ng magpainosente diyan Cyleen Allyson! Alam kong alam mo ang tinutukoy ko!" sigaw niya.
"M-Mom. Kasi naman po. Ano may nang-away po sa amin. L-Lumaban lang naman po kami."
"Lumaban?! Kailan ka pa natutong lumaban ha?! Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh! Dahil yan sa pagsama mo sa mga kaibigan mo na yan! Kung anu-ano tuloy ang mga natututunan mo!" And yeah. Sinisi niya na naman sila Maddie. Na kesyo magmula daw nang maging kaibigan ko sila hindi na ako yung dating Cyleen na pinalaki niya. Pero never akong nagsisi na nakilala at naging kaibigan ko sila Maddie. Sila ang bumuo sa akin. Sila ang umiintindi sa akin na kahit kailan ay hindi nagawa ng sarili kong ina.
"Mom, wala silang kinalaman dito okay? Don't blame them." mahinahon kong sagot.
"Sinabi ko na rin naman kasi sayo! Na magpakabait ka dahil nga nasa honor ka! Ayokong matanggal ka sa honors list! Pero mas worst pa pala ang nangyari?!" sigaw ni Mom. Napapikit ako. Napakuyom ako sa aking palad. Pero mas pinili ko na lang ilet go ang inis na nararamdaman ko ngayon. Ayokong may masabing hindi maganda kay Mom. Nanay ko pa din siya kahit ganito.
"Wag mo ng pagalitan si Leen. Ngayon lang naman nangyari ito eh. Hayaan mo na!" sabi ni Dad. Buti na lang laging nandito si Dad para intindihin ako.
"Hayaan?! Kapag hinayaan ko yan lalong titindi yan!" sagot ni Mom kay Dad.
"Malaki na si Leen. Alam niya na ang tama at mali. Saka matalino naman siyang bata kaya paniguradong ma-hohonor din yan sa bago niyang school. Wala ka ng kailangang problemahin pa."
At dahil hindi ko na talaga kaya ang panenermon ni Mom ay gumayak na ako paakyat sa kwarto ko.
"Aba! Hindi pa kita tapos kausapin Cyleen! Bumalik ka dito! Wag kang bastos!" sigaw ni Mom sa akin.
"Hayaan mo na. Pagod yung bata. Let her rest." rinig kong sabi ni Dad.
"Ayan hirap sayo eh! Kinokonsinte mo ang anak mo masyado kaya lumalaking paatras!"
Alam mo kung anong masakit? Yung tipong ginagawa mo na ang best mo para sa kagustuhan nila pero hindi pa din nila maappreciate ang lahat ng efforts mo. Hindi nila maintindihan na minsan ay sa sobrang paghahangad nila ng perpektong buhay para sa atin ay nakakalimutan na nila ang bagay na isa pang mahalaga. Which is happiness.
My efforts? It will never be enough for Mom.
Nang makapasok ako sa kwarto ay nagpatihulog ako sa kamay ko. Hinilot ko ng bahagya ang sentido ko at saka pinikit ang mata ko saglit para magrelax. Kaso napadilat ako agad nang magrequest ng group videocall sa group chat si Louise. Agad ko naman iyong sinagot.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)