Cyleen's POV
Lumipas ang ilang buwan. Hanggang sa sumapit na ang araw na kinakatakutan ko. Ngayon na iaannounce ang mga with honors for the recognition next week. Nakakalungkot mang isipin pero next week na din ang alis namin. At wala pa akong pinagsasabihan sa kanila. Pero balak ko na din sila kausapin mamaya after nito.
Nang tumayo ang adviser namin sa harap ay tila kinabahan ako. Lalo na nang tumingin siya sa akin.
"Okay, now is the day. I-aannounce ko na ang mga sasabitan ng medalya sa recognition. Para na din mainform niyo na ang mga parents niyo." panimula ng adviser namin sabay isa-isang binasa ang mga apelyido ng mga with honors. Nabigla ako nang marinig ang pangalan ko sa with honors. Lahat sila ay napatingin sa akin pati sila Louise lalo na nang tawagin ang pangalan ni Gian sa with high honors. Hindi na ako nagulat para kay Gian. I know he can achieve it. Nagulat lang ako sa resulta nung akin.
Aminado naman akong ang dami kong namiss na activities nung isang buwan akong nag-absent dahil sa nangyari sa akin noon. Pero alam ko sa sarili kong ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para lang hindi bumaba ang grades ko. Para lang walang masabi si Mom. Pero nangyari pa din ang kinakatakot ko. Bumaba ako.
"May I ask Miss bakit bumaba si Leen kahit na nagpasa naman siya lahat ng requirements niyo nung absent siya?" tanong ni Maddie.
"Yes, she passed all the requirements on time. Pero hindi enough iyon para mabawi ang malaking nawala sa kaniya nung absent siya. Maraming namiss si Miss Alcantara that's why bumaba siya." explain ng adviser namin. Natahimik na lang ako. Halos hindi ako nakinig buong klase kakaisip kung paano sasabihin ang balitang ito kay Mom. Tiyak na madadagdagan ang galit niya sa akin. Maselan pa naman siya sa ganitong usapan. Lalo na at grades ko na ang pinag-uusapan.
Nang magrecess ay pumunta na kaming cafeteria nila Maddie. May time na kinakausap ako ni Gian pero hindi ko siya pinapansin. Masyado akong namomroblema ngayon dahil sa sitwasyon ko. Hindi ko alam paano sasabihin ito kay Mom.
"Leen, hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo." buntong hininga ni Gian nang makitang wala pang bawas ang pagkain ko.
"Uhm. Wala akong gana." sabi ko.
"Pero kailangan mo pa din kumain kahit konti. Para may lakas ka." sabi ni Gian. Tinanguan ko lang siya sabay kumain ng kahit konti para hindi niya na ako kulitin.
After recess ay nagpasama ako kila Maddie sa cr. Ngayon ko na kasi sila kakausapin about sa pag-alis ko.
"Anong sasabihin mo gurl? Bakit dito pa sa cr?" bungad ni Louise nang makapasok kaming restroom. Napabuntong hininga naman ako saka tumingin ng diretso sa kanila.
"I'm leaving." simple kong sagot.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Andy.
"Sa France. Doon ko na ipagpapatuloy ang pag-aaral ko. Napagdesisyunan akong isama ni Dad doon. Doon din kasi papatignan si Reen." sagot ko.
"Bakit kasama ka pa?" tanong ni Maddie.
"Gusto ni Mom na sumama ako." sagot ko.
"Sabi na eh. Yang magaling mong nanay na naman ang dahilan." inis na sabi ni Maddie.
"Ano namang dahilan ng Mom mo at naisipan kang ipasama doon?" tanong ni Louise.
"Is it about Gian?" tanong ni Maddie kaya tumango ako.
"Ha? Eh paano nalaman ng Mom mo ang about doon?" tanong ni Maddie.
"Iyon ang hindi ko din alam, Madds. Final na ang desisyon ni Mom. Kaya sinasabi ko na sa inyo para hindi kayo mabigla sa pag-alis ko." sabi ko.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)