12: Part Time Job

35.9K 1.1K 42
                                    

Cyleen's POV

Nandito ako ngayon sa garden namin. Kasalukuyang sumisimsim ng tea si Mom habang ako ay nagbabasa ng libro.

"Leen, may gusto sana akong sabihin sa iyo." bungad ni Mom sabay lapag ng tea cup niya. Natigil naman ako sa pagbabasa at saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Ano po iyon, Mom?" tanong ko.

"Kung pwede sana ilipat muna kita sa public school? Hindi kasi natin kakayanin dahil sa laki ng tuition mo at sa bayad ko sa home schooling ni Noreen. Hindi ko kayo pwedeng pagsabayin." sabi niya. Bigla naman akong nasaktan. Ever since kasi si Noreen na ang priority ni Mom. Naghhome schooling ito dahil natatakot si Mom na mag-seizure ito sa school. Atleast dito ay nababantayan siya.

"B-Bakit po Mom?" tanong ko.

"Nagsipag back out ang mga investors natin. Nammroblema kami ng Papa mo dahil unti-unti ng bumababa ang sales ng business natin. Kaya kailangan muna natin magtipid. Alam mo naman ang sitwasyong meron ang kapatid mo. Kaya sana ikaw na lang ang magparaya dahil ikaw ang mas nakatatanda." sabi niya.

"Bakit daw po nagsipag back out ang mga investors, Mom?" tanong ko.

"Well, inagaw lang naman ng magaling kong kaibigan na si Liyanel. Nagsilipat sa kaniya ang mga investors natin. Now, stop asking and study harder." galit niyang sabi at umalis sa harap ko. Napabuntong hininga na lang ako at saka sinara ang libro ko.

Lilipat na naman akong school? Ayokong malayo kila Maddie. Ayokong malayo sa mga kaibigan ko. I need to think of something para hindi na ako ilipat pa ni Mom ng school.

Agad kong dinial ang number ni Maddie. Sinagot niya naman ito agad.

"Hello, Madds. Are you home? Can I come and talk to you?" bungad ko.

[Yes. Nandito ako sa bahay. Sige. Wait kita.]

"Sige. Thanks." sabi ko then ended the call. Agad naman akong umalis ng bahay at naglakad patungo kila Maddie. Nang magdoorbell ako ay pinagbuksan ako ng maid nila dahil kilala naman na ako ng mga ito.

Pagkapasok ko sa loob ay dumiretso ako paakyat sa kwarto ni Maddie. Kumatok muna ako bago sumilip.

"Uy, Leen. Come in." sabi ni Maddie kaya pumasok na ako at naupo sa kama niya. Nakita kong kausap niya pala si Tita Liyanel sa laptop kaya kumaway ako dito.

"Hello, Leen. Hija. Kamusta?" bati ni Tita sa akin.

"Okay lang po ako, Tita. Kayo po?" sagot ko.

"I'm fine hija. Thanks for asking. Siguro nakarating na sa iyo ang nangyari between me and your Mom right?"

"Opo, Tita. That's why I'm here po eh. Plano ko sanang kausapin si Maddie. Binabalak po kasi ni Mom na ilipat akong school." sabi ko. Nakita ko naman ang malungkot na ekspresyon sa mukha ni Tita Liyanel.

"Nako, hija. I'm so sorry. It's my fault." sabi nito.

"No, Tita. Okay lang po. Desisyon naman po iyon ng mga investors. Hindi niyo naman po sila pinilit. Saka business is business po Tita. Gagawa na lang po akong paraan para hindi ako ilipat ni Mom ng school." nakangiti kong sabi.

"I'm very sorry, really. I'll see what I can do about this hija." tumango na lang ako at saka binigyan ng ngiti si Tita Liyanel. Tapos ay nagpaalam na ito sa amin ni Maddie dahil busy pa ito sa work.

"So balak kang ilipat niyang Mom mo sa ibang school dahil sa gipit kayo? And let me guess? Inuna niya na naman ang kapatid mong si Noreen?" sabi ni Maddie.

"Well, I understand Mom. Talaga namang mas kailanganang pagtuunan ng pansin ang kapatid ko kaysa sa akin dahil sa situation niya." sagot ko.

"Eh anong plano mo niyan? Mukhang desidido na ang Mom mo." sabi ni Maddie.

"Well, I can apply for scholarship naman sa school para kahit papaano mabawasan ang tuition ko." sabi ko.

"Pwede din. Eh paano yung miscellaneous fees?" tanong ni Maddie. Doon ako napaisip bigla. Hindi din biro ang presyo ng ibang fees sa school. Hindi sasapat sa allowance ko.

"Siguro. Susubukan kong mag-apply? Ng part time job." sabi ko.

"Job like what?" kunot noong tanong ni Maddie.

"Hmm. Ano nga ba? What if janitress sa isang company or crew sa isang fastfood? Yung pwede sana after class lagi." sabi ko.

"As if pwede ka na doon. Eh wala ka pa sa legal age, loka ka." sabi ni Maddie.

"You're right." sabi ko. Tila nawalan ako ng pag-asa. Hindi pa ako pwede mag-apply sa trabaho kasi hindi pa ako 18. Ayoko namang mandaya ng resume. Hindi ako ganoong klase ng tao.

"Tutal matalino ka naman. Edi mag-tutor ka ng students. Kausapin mo ang teacher natin. I heard nag-aalok sila ng part-time as tutor sa mga studyante sa school." sabi ni Maddie. Bigla naman akong nagkaroon ulit ng pag-asa.

"Really? Sige sige. Ichachat ko na ang adviser natin." excited kong sabi at agad chinat ang adviser namin.

_

Gian's POV

"Wala ka na ba talagang gagawing matino ha? Lagi mo na lang akong binibigyan ng sakit sa ulo!" sigaw ni Dad sa harap ko. Sinesermonan niya ako ngayon dahil tumawag sa kaniya ang teacher ko. I have failing grades. At hindi lang isa. Kaya galit na galit si Dad sa akin ngayon.

Tss. Wala akong pake sa mga sasabihin niya. Kahit naman mag-aral akong mabuti ay papagalitan niya pa din ako. Lagi naman siyang ganito. Kung sana nabubuhay pa si Mom. Hindi niya ako gaganituhin.

"Nagkasundo kami ng adviser mo. She'll give you a chance basta maipasa mo ang susunod niyong exam. And to make that happen, ikinuha kita ng tutor na nirecommend ng adviser mo." sabi ni Dad. Nagulat naman ako sa sinabi niya. A tutor? Seriously?

"Tutor? Ano ako, bata? I'm not in kindergarten Dad!" sagot ko.

"Well, stop acting like you're in kindergarten, Gian! Hindi ko na kailangan ang opinyon mo. I will get you a tutor wether you like it or not. Tapos ang usap. Now, leave! I don't want to see your face." sabi ni Dad. Napapikit na lang ako ng mariin saka lumayas na sa harap niya. Padabog akong pumunta sa kwarto ko at binato lahat ng gamit na mahablot ko.

"Fuck! Fuck this life!" sigaw ko saka nagpatihulog sa kama. Lagi na lang si Dad ang nasusunod. Hindi niya man lang pakinggan ang side ko. Wala na akong ginawang tama para sa kanya. Naiinis ako sa kaniya!

Bigla naman tumalon sa kama ang alaga kong pusa na si Helix. Napangiti na lang ako nang sumiksik siya sa akin. Kaya hinaplos ko siya.

"Ikaw na lang ang kakampi ko dito, Helix." nakangiti kong sabi sa pusa ko.

Napatingin ako sa picture ni Mom na nasa sidetable ko at kinuha ito. Tinitigan ko ang larawan ni Mom na nakangiti. Suddenly, yung galit na nararamdaman ko ay biglang tumila.

"I wish you're still here, Mom. I miss you so much." sabi ko at niyakap ang picture ni Mom. If only you're here meron akong kakampi. Ikaw lang ang nakakaintindi sa akin Mom. Not like Dad na halos lahat ay sinisisi sa akin. Sana hindi ka na lang nawala. Edi sana hindi ako nagkakaganito.

***
(Leen's photo on the gallery...)

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon