38: For You

23.7K 848 11
                                    

Gian's POV

Nang makarating akong bahay ay pabagsak kong sinara ang kotse ko at nagmadaling umakyat papunta sa office ni Dad. Hindi na ako kumatok sa pinto niya at basta na lang pumasok. Nakita kong may kausap siya sa telepono pero wala akong pakialam.

"Bakit mo sinesante si Cyleen without my permission?" seryoso kong tanong. Agad niyang binaba ang tawag at lumingon sa akin.

"Do I still need your permission to do that? The last thing I know, ako ang naghire sa kaniya at hindi ikaw." sagot niya.

"Still! May karapatan akong malaman!" sigaw ko.

"Alam mo naman na di ba? Ano pang kinakagalit mo diyan? I paid her already. At saka pumayag naman siya." pinigil ko ang galit ko at huminga ng malalim. Baka kasi kapag nagpadaig ako sa galit ko ay makalimutan kong tatay ko siya.

"Bring her back, Dad." mahinahon kong sabi.

"Why? You don't need her anymore. You can improve on your own, Gian." sabi niya.

"I need her." sagot ko.

"Really? In what aspect?" halakhak niya. Kumunot naman ang noo ko.

"I need her for my studies, Dad. Kaya ako nag-improve ay dahil sa kaniya." simple kong sagot.

"Don't fool me kid. I know you. Hindi lang iyan ang rason mo kung bakit gusto mo siyang bumalik." sabi niya. Ano bang alam niya? Wala naman siyang pake sa akin.

"Eh ano naman sa iyo kung meron pa akong ibang rason? Don't act like you care!" galit kong sabi.

"I will not bring her back. That's final. Let her free Gian. She has her own life too. Just focus on your study." sabi niya. Paano ako makakapag focus ng ganito. Kapag pumayag akong umalis si Leen ay hindi na kami magkakausap. Hindi niya na ako kakausapin. At ayokong mangyari iyon.

"Sinesante niyo kamo siya dahil nag-iimprove na ako right? Paano kapag bumagsak ulit ako? Ibabalik niyo ba siya?" sabi ko.

"What do you mean?" seryoso niyang tanong.

"Kapag hindi niyo siya binalik. Ibabagsak ko ulit ang grades ko." seryoso kong sabi. Humalakhak naman siya.

"Are you threathening me kid? You can't do that."

"Try me Dad. Try me." sabi ko at saka umalis na sa harapan niya at padabog na sinara ang pintuan. Nagtungo ako sa kwarto ko at pinunit ang mga reviewers ko para sa exam bukas. Tinapon ko ito lahat sa basurahan. Kung ito lang ang way para bumalik si Leen gagawin ko.

Cyleen's POV

After ng exam ay agad akong nilapitan nila Louise.

"Ang hirap ng exam!" inis na sabi ni Louise.

"Kailan ka ba nadalian?" mataray na sagot ni Maddie. Inirapan naman siya ni Louise.

"Ikaw kasi ang damot mo. Ayaw mo ako pakopyahin. Hmph." sagot ni Louise.

"Nagreview ako magdamag para dito tapos sasagutin kita? Eh ano ka?"

"I hate you." sagot ni Louise. Tapos nag-irapan sila ni Maddie. Napatingin naman ako kay Gian. Nakita kong nakatingin siya sa malayo. Hindi niya ako kinausap ngayon buong araw. Napaisip tuloy ako kung nagkausap na nga ba sila ng Dad niya about sa akin. Kasi mukhang galit siya kahapon.

"Let's go na guys sa café nila Maddie. Gusto ko na magmeryenda. Huhu." sabi ni Andy. Kaya nga umalis na kami.

Nang makarating kami sa cafeteria ay umorder kami ng tig-iisang slice ng cake saka frappé.

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon