Chapter 19

5 0 0
                                    

Alexandra Claire's POV

Pagkatapos ko magbayad ng pinamili ko, agad naman saakin ibinigay ng cashier yung malaking paper bag at yung nirolyong maraming cartolina. Binuhat ko naman agad tsaka lumabas agad ng store nayon.

Pababa na ko ng hagdan ng biglang bumigay yung pagkakarolyo ng cartolina. Napasibangot nalang ako at ibinaba yung malaking paper bag sa isang gilid tsaka ko inayos yung pagkakarolyo ng cartolina.

Pagkatapos kong ayusin, lumingon ako sa gilid napalaki mata ko dahil nawala yung paperbag. Lumingon ako sa likod ko, nakita ko si Qiel na bitbit na yung paperbag ko tsaka may bitbit pa siyang iba.

"Hi" bati niya.

"Nako, akin na yan. Dami mo ding bitbit" lapit ko sa kanya pero lumayo lang siya.

"Pwedeng bang sumama na ko sayo pauwi? Sabay narin tayong gumawa" suhestyon niya.

"Pangdemo mo?" tanong ko.

"Pangpresentation lang naman, pagtapos ko tulungan narin kita. Pwede ba?" ngiti niya.

Napaisip lang ako ng onti at pumayag narin. Kaya agad naman kaming pumunta sa kotse. Inayos lang namin yung pinamili namin sa loob at siya na nagmaneho.

"Okay ka lang ba?" tanong niya habang nakatingin sa daan.

"Okay lang" sagot ko.

"About sa nangyari nung isang araw?" tanong niya pa.

Napatingin ako sa kanya bigla, seryoso lang siya sa pagdradrive.

"Ayokong pag-usapan" mariin kong sagot pagkatapos niyang ihinto yung kotse ko sa tapat ng bahay.

"Sige, sorry" tingin niya saakin.

"Okay lang" ngiti ko naman tsaka bumaba ng kotse.

Bumaba narin siya tsaka namin kinuha yung gamit sa likod ng kotse ko.

Pumasok narin kami agad sa loob ng bahay at ibinaba yung gamit sa sofa.

"Dito nalang tayo gumawa sa salas, magulo sa kwarto ko ehh" sabi ko ng maalala ko yung lagay ng kwarto ko.

"Sige, dito lang ako" rinig kong sabi niya bago ko umakyat.

Kinuha ko lang yung mga kailangan sa kwarto ko bago bumaba ulit.

"Sila kiana?" bungad niyang tanong saakin pagkababa ko.

"Nasa kanya-kanyang kwarto" sagot ko naman napatango-tango lang siya.

Ibinaba ko lahat ng kinuha kong gamit sa lamesa. Magkaharap kami ngayon ni Qiel.

It feels awkward parin.

Habang nilalabas ko yung mga pinamili ko sa paper bag. Ramdam ko yung titig niya saakin kaya tiningnan ko siya.

"Alam kong marami kang alam sa paggawa ng visual aids kaya sayo ko lumapit para magpatulong" tingin niya saakin.

"Pangdemo din, pero pang finals" sabi pa niya.

"Patingin ng outline mo" sabi ko.

Kinalitkot niya yung phone niya, tsaka pinakita saakin yung outline niya.

"May alam akong paraan para onti lang yung ididikit mo sa board. Kunin ko lang laptop ko sa taas, maglabas ka nalang ng ruler at pencil tsaka isang cartolina mo" sabi ko at tumaas na.

"Sino yung kausap mo sa baba?" salubong saakin ni Ellaine habang nagkukusot ng mata halatang kagigising.

"Si Qiel" sagot ko tsaka nagdiretso sa pagpasok ng kwarto ko.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon