Timothy's POV
"Tangina Axel, matulog ka nga!" sigaw ko kay Axel.
Naabutan ko siyang naglalaro sa tv. Aba alas dos na ng madaling araw.
Tumawa naman siya, tsaka nagmamadaling umalis at umakyat sa kwarto niya.
Napakamot naman ako sa ulo ko. Sinundan ko naman siya sa kwarto niya. Bubuksan ko sana kwarto niya ngalang nakalock.
"Galingan mo pa sa pagpupuyat, kapag ikaw natuluyan sa anemia mo na yan. Bahala ka ikaw tong mahihirapan" sabi ko mula sa pintuan niya.
Wala naman akong narinig mula sa kanya. Lintik na bata na yon.
Ilang araw ko na siyang pinagsasabihan na matulog ng maaga. Ilang linggo na siyang puyat lagi dahil sa mga ginagawa niya dahil graduating siya. Pinagsabihan ko naman sana, na matulog na siya lagi ng maaga ngayon.
Ang putla, putla niya lagi. Tas nagrereklamo pa siyang nahihilo siya lagi.
Nagpalit lang ako ng damit bago matulog.
Nagising naman ako sa alarm ko ng alas otso ng umaga. Pagbaba ko sa kusina namin. May nakahandang umagahan.
Sumulpot naman sa tabi ko si Axel.
"Sorry na kuya, promise matutulog nako ng maaga mamaya. Huwag mo kong isusumbong kay mama" sabi niya
"Nasumbong nakita" sabi ko sa kanya.
"Edi huwag kang kumain" sabi niya sabay kuha ng niluto niyang umagahan.
Pinikot ko naman yung tenga niya.
"Aray kuya! Eto na nga oh, kumain kana" lapag niya ng plato sa lamesa namin.
"Kumain na tayo, iinom ka pa ng gamot" sabi ko.
Sabay naman na kaming kumain.
"Kuya ano na nga kase yung ginagawa mo, lagi ka nalang wala" pilit niya saakin.
"Mamaya makikita mo" sabi ko.
"Oh talaga?! Ano ba kasi yon? Ayaw mo saakin sabihin, magkapatid naman sana tayo" sabi niya.
"Hintayin mo nalang makikita mo mamaya" sabi ko pa.
"Oo na ngalang" suko niya.
"Aalis ako uli ngayon, pero sandali lang ako. Ano gusto mong lunch?" sabi ko sa kanya habang inuurungan na niya yung pinagkainan namin.
"KFC nalang kuya" sagot niya.
"Saan ka na naman pala pupunta?" tanong niya pa ulit.
"Doon sa suprise ko mamaya" sagot ko.
"Hulaan ko kung ano yang surprise mo. May bago kang girlfriend noh?!" sabi niya.
"Ulol hindi, basta mamaya nalang" sabi ko tsaka nilayasan siya.
~•••••••••••••••••••••••••••••~
"Eto na pauwi na" sagot ko kay Axel.
Pinatay ko naman na yung tawag niya. Binuhat ko lang yung, uwi kong lunch naming dalawa.
Tumawag dahil gutom na gutom na daw siya. Napakadaldal kala mo babae.
Mabilis din naman ako nakauwi. Naabutan ko siyang naghihintay mula sa garden namin sa harap.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Fiksi RemajaAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...