Chapter 26

30 5 0
                                    

Alexandra Claire's POV

"Saan tayo magstastay?" tanong ko kay Alexis habang nagmamaneho siya.

"Secret" ngiti niya.

"Ayan ka na naman sa secret mo"

"Basta alam kong magugustuhan mo pag-iistayin natin" sabi niya.

"Oo na, kumain kana ng umagahan?" tanong ko naman.

"Of course, ikaw ba?"

"Same" sabi ko lang.

"Okay" sabi niya tas ngiti.

"Bakit ka nangiti?" tanong ko.

"Wala lang" tawa niya.

"Baliw!" tawa ko rin.

Tinawanan niya lang ako, tumahimik naman na kami dahil may tumawag saakin saglit.

"Andito na tayo" masaya niyang sabi tsaka pinatay yung makina ng kotse.

Bumaba naman na kaming dalawa, nasa tapat kami ngayon ng isang magandang bahay.

"Uhm, welcome to my house" masaya niyang sabi at itinaas pa dalawang kamay.

"Andyan pamilya mo?" tanong ko agad.

"Oo, pero hindi tayo makikihabilo sa kanila" tawa niya.

"Oh, okay" sabi ko nalang.

"Tara na sa loob" aya niya saakin.

Sumunod naman ako sa kanya. Ang simple lang ng ayos ng bahay nila.

"Upo ka muna dito, taas lang ako sandali at may kukunin ako" sabi niya.

"O sige, okay lang ako dito"

Habang hinihintay ko siya, natingin lang ako ng family pictures nila na nakadisplay sa pader. Nakadisplay din yung mga graduation picture nila magkakapatid.

Naalala ko nalang nung kami pa, kasama ako sa graduation ng ate niya na isinama pa ko sa family celebration nila.

Narinig kong bumukas yung front door nila. Kaya napatayo ako agad, pumasok yung mama niya.

"Alexandra ikaw na ba yan?" ngiting bati saakin ng mama ni Alexis.

"Good Morning po Tita Ellie , ako nga po" ngiti ko naman, tsaka nilapitan siya at nakipagbeso.

"Gumanda ka naman lalo, buti at nagkita kayo ulit ni Alex. Nga pala bakit ka andito tsaka asan si alex, iniwan ka naman mag-isa rito. Nako yung bata talaga nayon"

"May pag-uusapan po kasi kami tungkol sa performance namin sa workshop kaya po ako andito. May kukunin daw po siya sa taas kaya iniwan niya po muna ako dito" sabi ko naman.

"Hi ma! Aga mo namang bumalik, kaaalis mo lang ha" bungad na sabi ni Alexis habang bumababa ng hagdan.

"Naiwan ko yung regalo ko sa tita mo dito sa bahay" sabay dampot ni tita ng paperbag sa lamesa.

"Hala ma, makakalimutin kana" inis ni Alexis sa mama niya.

"Tigilan mo ko, alexis. By the way iha, hanggang gabi kaba dito?"

"Hindi ko lang po alam, depende po sa mapag-uusapan namin" sagot ko naman.

"Pagabi ka ha, para dito kana magdinner. I'll cook for you" ngiti ni tita.

"Di ko po su-"

"No excuses, goodbye for now. See you later" putol sakin ni tita Ellie.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon