Chapter 55

17 2 0
                                    

Timothy's POV

"Ano meron sa inyo ni Axel?" tanong agad ni Veron, pagkaupo namin.

"Magkaibigan lang po kami" sagot niya.

"Akin na muna yung phone mo" mariin kong sabi sa kanya.

"Kuya, privacy naman po" sabi niya.

"Hindi ko bubuksan, kung sakali lang na tawagin mo si Axel" sabi ko pa.

Binigay din naman niya. Napatingin naman ako sa likod ng phone niya. May nakaipit na, papel na puti. Ito na ata yung binigay kanina.

"Bakit kayo lagi magkasama?" tanong ni Veron sa kanya.

"Hang out lang po" sagot pa ni Aralynn.

Tiningnan naman ako ni Veron. Tumayo naman ako, inilayo ko pa siya.

"Libangin mo, titingnan ko tong nasa likod ng phone niya. Mukhang eto yung inabot kanina" bulong ko sa kanya.

Tumango lang siya, nilapitan agad si Aralynn. Naupo lang ako sa tapat niya, pasimple kong kinuha sa bulsa ko yung phone niya.

Unti-unti kong binuksan yung case. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. Habang kinakausap ni Veron si Aralynn.

Binuksan ko naman agad yung puting papel.

Nagulat ako sa nabasa ko.

Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko.

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko kay Aralynn habang hawak ko sa kamay ko yung papel.

Gulat na gulat yung mukha niya. Hahablutin niya sana sa kamay ko, buti naiiwas ko agad.

"Anong ibig sabihin nito?" mas mariin ko nang tanong sa kanya.

"Letter lang po namin kay Xandie" sagot niya.

"Bakit galing kay Axel?" tanong ko pa.

Halatang natataranta na siya sa mga tanong ko. Matalim lang akong nakatingin sa kanya.

"Pinabibigay ko po kasi dapat sa kanya, binalik lang po niya ulit" dahilan niya.

"Bakit ang nakalagay sa dulo, ayan na yung mga gamit mo? Asan yung mga gamit ni Alexandra?" tanong ko pa ulit.

Hindi na naman niya alam idadahilan niya.

"Sa pagkakaalam ko may binigay na gamit kayo kay Xandie nun, edi ibig sabihin kasama na dapat toh don diba?" sabi ko pa.

Napangiwi lang siya, napakamot sa batok.

"Silence means yes, bakit napunta ulit sainyo to?" tanong ko ulit.

Napatulala nalang siya.

"O wala kana maidahilan? Sabihin mo nalang saamin, kung ano plano nung kapatid ko kay Alexandra. Alam ko naman na kaya may ganito na set-up kayong dalawa dahil gustong bawiin ni Axel yung si Alexandra kay Qiel" seryoso kong sabi.

"Sasabihin mo o hindi mo maiiuwi phone mo at may lalabas na mga lihim mo?" sabi pa ni Veron.

Pigil tawa ko sa loob-loob ko.

"Ehh Kuya si Axel nalang tanungin mo" sabi niya.

"Kaya nga diba kami nagtatanong sayo dahil hindi namin makausap si Axel. Edi sana hindi na kami nagtanong sayo kung si Axel ang makakausap namin" inis na sagot ni Veron.

Pigil na pigil na naman tawa ko. Tanginang lalaki toh.

"Ano sasagutin mo ba tanong namin o aabutin tayo dito ng hating gabi?" tanong ko pa.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon