Chapter 56

20 2 0
                                    

Alexandra Claire's POV

Patakbo akong nag-iikot sa pasilyo ng ospital, hinahanap ko si Qiel.

Ano bang plano pinagsasabi ni Aralynn?

Kailangan kong matanong si Qiel, about dito.

Ang pinagtataka ko, bakit hindi ko nakita toh sa box, bakit na kay Kuya Timothy?

Nakita ko pa sa isang papel, nakalagay pangalan ni Qiel at jenny.

Ano pinaggagagawa ni Kuya Timothy?

Nahinto naman ako sa paglalakad ng marinig ko yung boses ni Kuya Timothy.

Sumilip naman ako sa kabilang pasilyo.

"Ano yung plano niyo?" tanong ni Kuya Timothy.

"Edi kunin ko si Axel, tas kunin niya si Xandie na feeling maganda! Nakikita mo naman siguro na kung sino yung gumanda yung buhay diba? Ako yung nagplano tas siya lang tong nakinabang! Tangina niyang hayop siya" inis na sabi ni Jenny.

Kunin si Axel at ako?

"Bahala kana nga dyan! Mapapatay ko na yung si Qiel! Bakit nga ba ko sayo nagkwekwento? Baka mamaya pinagtutulungan niyo lang ako, inubos ko lang oras ko sayo!" lakad palayo ni Jenny kay Kuya Timothy.

Yun yong plano?

Tama ba yung mga narinig ko?

Napatakbo nalang ako palayo ng marinig kong maglakad na si Kuya Timothy.

Napaupo nalang ako, napaisip sa lahat ng nalaman ko ngayon.

Naalala ko yung nangyari nang makita ko si Jenny at Axel.

Bumigat na naman yung pakiramdam ko.

Napalingon naman ako sa kaliwa ko, nakita kong palingon-lingon si Qiel sa iba't ibang pasilyo.

Napatayo naman ako, nagmamadaling tumakbo.

"Claire!" tawag niya saakin pero hindi ko pinansin.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makaalis ako ng hospital. Buti nakatawag agad ako ng tricycle.

Nagpunta nalang ako kay Cassie sa apartment niya.

Hindi ako mapupuntahan ni Qiel don, hindi naman niya alam.

Tinawagan ko naman si Cassie na papunta ko sa apartment niya. Bago pako makatawag, naunahan na ng tawag ni Qiel. Pinanuod ko lang, hanggang sa mawala. Tinawagan ko rin naman si Cassie agad.

Nakaabang naman na si Cassie sa tapat ng apartment niya. Pagkababa ko, sinalubong niya ko agad ng yakap. Pumasok din naman kami agad sa apartment niya.

"Ano ba nangyari?" tanong niya agad ng makaupo kami parehas.

Nilabas ko naman yung letter sa bag ko at pinakita sa kanya.

"Diba nasa room kami ni Axel sa hospital? Mag-isa lang ako sa room non, natutulog parin si Axel. Naiwan ni Kuya Timothy yung bag niya na nakakalat kaya inayos ko. Hindi ko naman mapapansin yan kung hindi ko nabasa sa likod yung pangalan ko" kwento ko sa kanya.

Binasa naman niya yung letter, nakita ko naman yung gulat niya sa mga nabasa niya.

"Yung part nila aralynn na balikan ko daw si Axel chuchubells, wala na saakin yon. Pero yung sinabi nilang may ginawa daw si Qiel ang natakot ako" sabi ko.

"Ehh ano itong nakasulat na pangalan ni Qiel at jenny? Yung Jenny ba yung nakita mo na kasama ni Axel nung nagka?" tanong niya.

"Yun na nga, si Kuya Timothy may sulat niyan. Tas may narinig pako kanina, kausap ni Kuya Timothy yung jenny. Oo siya yun" sabi ko.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon