Chapter 39

37 1 0
                                    

Alexandra Claire's POV

"All the girls on the block knocking at my door"

Nagising ako sa alarm ng phone ko, si Qiel na pumatay.

Magkatabi pala kaming natulog.

"Good Morning bbqouh" ngiti niya.

Nangiti naman ako, pero nung narinig ko yung 'bbqouh' napabusangot nalang ako eh.

"Okay na sana eh, ang gwapo-gwapo mo na dinagdagan mo pa ng 'bbqouh'" reklamo ko.

Tatayo na sana ko ng pigilan niya ko. Inilapit pa niya yung mukha niya sakin.

"What are you doing?" reklamo ko.

"Lalang, ang cute-cute mo lang pag-naiinis. Stand up and breakfast is ready" sabi niya tsaka humalik muna sa ilong ko bago umalis ng kwarto ko.

Jusko.

Naupo naman ako, napatingin ako sa suot ko. Nakapangtulog ako, nanlaki mata ko tsaka nagmamadaling bumaba.

"Shit, sakit ng ulo ko!" reklamo ko pagkarating ko ng kusina.

"What happened?" lapit niya saakin.

"Teka teka, bakit nakapangtulog ako? May nangyari ba satin?!" hysterical kong sabi habang lumalayo sa kanya.

Natawa naman siya.

"I changed your clothes pero may panloob ka namang damit so I didn't see anything. I promise nothing happened and wala akong nakita o sinilip" explain niya.

Nakahinga naman ako ng maluwag don.

"Tsaka alangan namang hayaan kitang matulog ng nakagown ka diba?" dugtong pa niya.

"Okay, okay naintindihan ko na. Thank you Augustus, sorry I panicked" sabi ko.

"May tamang panahon pa don pero kung gusto mo na, you know" pilyong lapit niya sakin tas yumakap.

Humiwalay naman ako sa kanya.

"Che, kumain nalang tayo. Mag-aayos pa tayo ng gamit para sa flight bukas" sabi ko.

~•••••••••••••••••••••••••••••••~

"Jusko may pabanner pa" natatawa kong sabi habang natatanaw ko sila Mama na kumakaway saamin na may hawak banner na may nakalagay na welcome home Xandie and Qiel.

"Full support parin kahit pauwi" natatawang sabi ni Qiel saakin.

Natawa nalang kami parehas.

Sinalubong naman namin sila ng yakap.

"Grabe parang ilang araw lang tayo di nagkita" tawa ko habang akap pamilya ko. Tinawanan lang nila ko.

"Hi Tita Reina at Tito Derek" bati ko sa Mom at Dad ni Qiel na inakap din ako.

"Sabing Mom at Dad tawag samin, ikaw talaga" kurot ni Tita reina sa pisngi ko.

"Nahihiya lang siya mom, dapat kasi Claire masanay kana" akbay saakin ni Qiel, nagkatawanan nalang kami.

"Nak dapat nandito mama mo pero hindi namin alam kung bakit hindi nakarating" sabi ni Tita reina.

Nawala yung masayang ngiti ni Qiel.

"Saan ang dinner natin niyan?!" sigaw ng Dad ni Qiel.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon