Timothy's POV
"Ano na nga yung hinala mo kay Qiel?" tanong saakin ni Veron.
Magkasama kami ngayon sa isang kainan sa tapat ng Alvarez University. Hinihintay namin na matapos yung klase ni Axel. Habang hinihintay siya, magmemerienda muna kami.
"Napakamakakalimutin mo, sapakin kita eh" inis kong sabi sakanya.
"Sorry na bro, pero ano nga kasi yun"
Napakakamot nalang ako sa ulo ko.
"Naalala mo yung kiniwento ko sayo na nakita ko si Qiel at yung jenny na nag-uusap"
"Oo! Diba narinig mong may pinagkasunduan sila na hindi daw mapupurnada yung plano ni jenny kung matino talaga yung plano tsaka ano pa. Pareho daw nilang gusto makuha yung dapat kanila" tuwang-tuwa pa niyang sabi. Napailing nalang ako.
"O alam mo naman pala"
"O yun nga yon, nararamdaman kong sila Axel at Xandie yon" sabi ko nalang.
"Kaya ka nakikipagclose kay Qiel? O totoo yon? O pareho?" Tanong niya.
"Syempre pareho, kailangan kong itama yung mali nung isa. Masakit man din sa loob kong gawin toh kay Qiel pero kailangan eh. Naghihinayang din naman ako sa relasyon nila Axel at gusto ko rin naman mapasaya si mama. Tsaka maayos din kami, kami nalang magkakasama tas nadagdagan pa"
"Tama yang ginagawa mo pre, pero parating na si Axel eh" sabi niya tsaka tumingin sa pintuan.
"Tsaka na natin pag-usapan yan. Oy! Kaaga mo naman atang lumabas Parekoy!" bati ni Veron pagkalapit saamin ni Axel.
"Natanaw ko kayo kanina, parang seryoso usapan niyo ah. Ano yun?" sabi niya pagkaupo sa tabi ko.
Nagkatinginan naman kaming dalawa.
"May problema kasi kami ng Ate Leila mo, hindi kami magkaroon ng time sa isa't isa. Ehh diba nga? Love expert tong kuya mo kaya yun pinag-uusapan namin" sabi niya.
Kagaling talaga magdahilan kahit kailan, nagfist-bump naman kami sa ilalim ng lamesa.
"Yan love expert? Hindi ako naniniwala" sabi naman ni Axel.
Napakabwisit talaga kahit kailan.
"Umorder ka na ngalang ng pagkain mo, dali na eto pera" abot ko sa kanya ng 500.
~•••••••••••••••••••••••••••••••••••~
"There goes my heart beating
'Cause you are the reason
I'm losing my sleep
Please come back now"Pinapanuod ko si Axel na magperform sa stage, ang kasama niya lang si Danielle.
"There goes my mind racing
And you are the reason
That I'm still breathing
I'm hopeless now""I'd climb every mountain
And swim every ocean""Just to be with you
And fix what I've broken"
"Oh, 'cause I need you to see
That you are the reason"

BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Teen FictionAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...