Chapter 12

43 8 2
                                    

Alexandra Claire's POV

"Nasa labas na sila kuya, tara na?" tanong saakin ni Axel.

"Sige" ngiti ko at tumayo na.

Tumayo na rin siya tsaka kinuha yung kamay ko at pinagsiklop ito. Mula sa bintana natanaw ko na sila Kuya Timothy sa loob ng van ng banda, may nakatatak na ZBAND nakalagay yung mga pangalan namin sa ibaba nung logo namin. Halatang kalalagay lang ng pangalan ko lalo na at naiiba ang kulay.

Sumakay naman kami agad ng van ni Axel, nagtabi kami sa dalawahang upuan sa gawing gitna.

"Nagdate pa" iling-iling na sabi ni France na nakatayo sa labas ng van.

"Malayo-layo pala gig natin guys kaya napaaga tayo ng alis, mga limang oras byahe natin" balita ni Kuya Timothy.

"Ehh kuya pano yung 8:00 pm nating gig?" Nagtataka kong tanong.

"Nilipat bukas, nakalimutan nila kasing sabihin yung exact na time kaya inilipat" sagot niya.

"Makakapaglibot tayo, white beach yon" sabi ni Danielle na ikinatuwa ko.

"Kaya dadaan muna tayo sa mga bahay niyo, dahil ilang araw tayo dun" sabi pa ni Kuya Timothy.

"Kala Xandie muna tayo" sabi ni Kuya Timothy kay Danielle.

"Kuya pwede bang magsama? kagaya ng mga kaibigan ni Xandie" tanong ni Axel kaya napatingin ako sa kanya pero ningitian niya lang ako.

"Ehh tayo tayo lang ang nakabook na " sabi ni Kuya Timothy.

"Ako na bahala sa pag-add dun, basta magpa-add ka ng isang room dalawang pangdalawahan na bed"

"Naks naman! Sige ikaw bahala." natatawang sabi ni Kuya Timothy.

"Uyy Axel, kami nalang bahala dun." nahihiyang sabi ko sa kanya.

"No, ako na bahala. Baka hindi ka kasi komportable kapag magkakasama tayong lahat sa iisang kwarto, tsaka bonding niyo na rin. Diba mas marami mas masaya?" ngiti ngiti niyang sabi saakin.

"Thank you so much.." sabi ko niyakap siya. Naramdaman ko rin naman na niyakap niya ko.

"Anything for you.." bulong niya sa tenga ko.

Nakiliti ako sa ginawa niya kaya medyo umalis ako sa yakap, ningitian ko lang siya at humarap sa bintana sa gilid ko. Mabilis naman kaming nakarating sa bahay ko, buti nalang andun agad yung tatlo at mga walang ginagawa.

"Guys, yung gig namin gaganapin sa isang white beach resort. Nakabook na kayo so gayak na mga 3 days at 2 nights tayo don. Mamaya na tanong at may naghihintay saatin sa labas." balita ko sa kanila na ikinatuwa nila kaya agad agad naman na kaming naggayak ng damit.

"After 30 minutes natapos din" natatawang sabi ni Axel habang nakaupo sa sofa sa salas.

"Mabuti nga hindi inabot ng isang oras" natatawa kong sabi. Nilapitan niya ko at kinuha yung dala kong hand bag na malaki na naglalaman ng mga damit ko.

"Tara na?" tanong ko sa tatlo na may kinakalikot pa.

"Oo napatay naman na namin lahat kaya okay na. Ilalock nalang yung pinto" sabi pa ni Aralynn.

Napatango nalang ako at lumabas na kaming lima. Pagkalock ng pinto, inilagay muna namin yung mga bagahe namin sa likod ng kotse bago magsiayos sa loob. Bumalik naman ako sa upuan namin kanina ni Axel tas yung tatlo sa likod namin. Dumiretso naman kami sa bahay pa ng iba pang kabanda namin bago dumiretso na sa pupuntahan namin.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon