Chapter 29

33 5 0
                                    

Alexandra Claire's POV

Napadilat nalang ako sa alarm ko na pinatay ko agad.

Nagkusot-kusot lang ako ng mata tsaka nag-inat.

Naalala ko yung kagabi. Napangiti nalang ako at napayakap sa unan.

Napatalon nalang ako, saya-saya ng pakiramdam ko.

Kinuha ko naman yung speaker ko sa drawer ko tsaka blinuetooth connect sa phone ko para magpatugtog.

Namili naman na ako ng isusuot kong damit sa closet ko. Feel kong magdilaw ngayon, kinuha ko yung crop top ko na yellow na loose yung half sleeves at black na high waist na skinny jeans. Inilabas ko narin yung black kong sneakers.

Dinampot ko yung speaker ko tsaka pumasok sa cr para maligo.

Pagkaligo ko, kaagad din naman akong nag-ayos ng sarili ko.

Nag-ayos lang ako ng gamit sandali tsaka ko kumuha ng white na jacket bago lumabas ng kwarto. Bumaba nako diretso sa kusina, panigurado may almusal na luto si Qiel.

Sinalubong naman niya ako ng isang piraso ng yellow dandelion flower tsaka nang abot tenga niyang ngiti.

Napangiti narin ako sa tamis ng ngiti niya.

"Thank you" sabi ko nalang tsaka kinuha yung bulaklak sa kamay niya.

Kinuha naman niya isa kong kamay para ayain na kumain. Pancake ang niluto niya. Inabot naman niya saakin ang isang basong tubig bago ko sumubo ng pancake.

"Augustus wag ka muna magkwekwento tungkol satin ha, hayaan mo nalang sila ang makapansin" sabi ko sa kanya.

"Ha eh naikwento ko kay Calix" gulat niyang sabi.

"Jusko sa madaldal ka pa unang nagkwento. Kanina paba yun?"

"Ngayon lang, teka pagsasabihan ko. Sana hindi pa naikwento sa buong bayan" tawa niya tsaka kinalutkot yung phone.

"Hindi pa daw!" tuwang tuwa sabi ni Qiel.

Nakahinga naman kami ng maluwag dun.

"Buti naman" nasabi ko nalang.

"Masarap ba luto ko?" malambing niyang tanong.

"Hmmm? Maganda pagkakaluto mo kasi mix toh lol" tawa ko.

"Oo nalang" inis na natatawa niyang sabi.

"Sige ililigpit ko nalang toh, kunin mo na yung gamit mo sa taas" taboy ko sa kanya.

"Yes ma'am" sabi niya at humalik muna sa ulo ko bago umalis.

Hindi na nawala yung ngiti ko.

Inurungan ko na yung pinagkainan namin tsaka ko naupo sa salas.

Pinicturan ko naman yung bigay niyang flower at pinangIGStory.

Narinig ko naman na may sumarang pintuan kaya napatingin ako sa hagdan.

Nakasame yellow color siya saakin na jacket na panloob niya eh black shirt at black jeans na binagayan niya ng white na rubber shoes.

"Talagang ibinagay mo pa sakin ang suot mo" sabi ko.

Inangasan naman niya yung pagbaba niya ng hagdan.

"Gwapong-gwapo ka na naman sa sarili mo jusko" sabi ko pagkalapit niya sakin.

"So gwapo ako today?" ngiti ngiti niyang sabi.

"Oo nalang" sabi ko tsaka inunahan siyang lumabas ng bahay.

Music led us to be togetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon