Alexandra Claire's POV
"Hello kuya dion? Andyan na po kayo? Sige po magbibihis napo ako"
Pinatay ko agad yung tawag. Muntikan ko pang makalimutan na birthday ni Ate Riley ngayon, isa sa acapella de alvarez. Simula kasi nung contest, naging close na kami lahat nung mga contestant.
Naupo muna ako sa study table ko, napatingin ako sa picture namin ni Axel, ganda ng ngiti namin sa isa't-isa na ikinangiti ko ng mapait.
Naalala ko na naman yung last week, nakita ko silang magkasama ni Jenny sa CED park. Ayokong isipin na siya yung sinasabi nilang laging kasamang babae ni Axel lately. Pero sa nakita ko na yon, parang nalilinawan na ako.
Hanggang ngayon, ganon parin sitwasyon namin.
Nagbihis ako ng simpleng shirt at above the knee na shorts tsaka sneakers. Kinuha ko yung isa kong shoulder bag at nilagay yung mga mahahalaga kong gamit.
"Nag-aayang kumain sa labas yung mga kasama ko sa contest dati, pahiram kotse Aralynn" sabi ko sa tatlo na nakatambay sa veranda.
"Sure" ngiti niya.
"Samahan ka namin?" tanong ni kiana.
"No need, uwi naman ako agad" ngiti ko.
Lumabas na ako, tsaka nagpunta sa kotse. Nakarating naman ako agad sa venue.
Nakita kong nakaabang si Qiel sa pintuan, ako siguro ang hinihintay niya. Nagpark na ko, tsaka bumaba agad ng kotse, sinalubong niya ako.
"Hinintay na kita" ngiti niya.
Napatango ako, kaya lumakad na siya na sinundan ko naman. Malayo palang nakita ko na sila na nagtatawanan sa isang mahabang lamesa.
"Andito na si Xandie, kainan na!" sabi nila hero.
"Dito kana sa tabi namin Xandie" aya saakin ni Qiel.
Tumango naman ako, at nakiupo na sa kanila. Napatingin ako sa cellphone ko, nagtext si Kiana. Sinagot ko naman na andito nako.
Tiningnan ko naman lahat ng kasama namin, andito si Jenny. Oo nga pala, kasama namin siya sa contest.
Napabuntong hininga nalang ako. Kailangan kong mag-enjoy ngayon.
Sumandok naman ako ng pagkain tsaka nakikain sa kanila.
"Tong dalawang toh talaga kasi nagpanalo saatin eh" tayo ni Kuya Dion sa likod namin ni Qiel.
"Kaya dapat kayo ang unang shashot sa gabing toh!!!" sigaw naman ni hero.
"Shashot na yan! Shashot na yan!" kanchaw saamin ng lahat.
Nagkatingnan nalang kami dalawa at natawa.
"Pano ba yan? Talo tayo sa acapella de alvarez?" napapailing na sabi ni Qiel.
"Game na nga" natatawa kong sabi.
Binigyan na nila ko ng vodka na nasa shot glass. Ininom ko naman yun ng isang lagukan lang.
"Matibay toh, matibay!" natatawang turo saakin ni Hero.
"Nako, matibay yan sa inuman kung alam niyo lang" sabi naman ni Drake.
"Nagkainuman na kayo ni Xandie?" tanong ni Jenny bigla.
"Barkada kami" sagot naman ni Qiel.
"Oh shot pa!!" abot saakin ni Kuya Dion.
Nagtuloy-tuloy lang yung inuman namin na may tawanan at kanchawan.
BINABASA MO ANG
Music led us to be together
Teen FictionAlexandra Claire Coellin, a girl who loves to sing. She just entered a new university. A classmate of her introduced her to his band. She took the opportunity and she just shine in her own way. They sang together and their chemistry is above the top...